The Diary Game Season 3|| Ang ika-apat na linggo ng aming Samaritan Purse OCC Class☝️🙌😇
Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Isang magandang karanasan talaga ang magamit ng Dios para sa gawain na kanyang ipinagkatiwala sa amin lalong lalo na sa mga kasamahan ng mga kabataan dahil ito rin ay kanilang training dahil hindi magtatagal ay sila na rin ang magiging mga leaders sa Youth Department at mag-aalaga sa mga kabataan. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang pag apat na linggo na namin sa aming pagtuturo sa mga bata na mga nakatanggap ng regalo mula sa Samaritan Purse OCC at ang nag turo sa kanila ay ang isa sa aming Youth na si Jicel, salamat sa Dios sa lahat ng ito.
Ang aming pagtuturo nga sa mga bata ay tuwing hapon ng linggo. Sa umaga nga ay ang aming Divine Service na kung saan nagpapasalamat kami sa Dios dahil sa walang sawang pagmamahal sa amin kung kaya ang tanging maibigay namin sa Dios ay ang pagbibigay papuri't pagsamba sa Kanya.
Mga nasa oras na 1:30 ng hapon nag simula ang aming pagtuturo sa mga bata at sinimulan namin ito sa pagtatawag sa kanila isa-isa para sa kanilang attendance dahil sa pagtatapos ng 12 lesson ay meron silang matanggap na mga award sa kanilang graduation. Medyo kaunti nga lang sila ngayon pero kahit kunti lang sila nagpatuloy pa rin kami.
Ngayon nag simula na ang aming pagtuturo at sinimulan ito ng opening prayer at ngayon naman ay ang mga laro para masiyahan ang mga bata. Ang naka assign nga na magdala ng mga laro ay ako at ang laro namin ay ang follow the leader na kung saan kailangang sundin nila ang nasa unahan nila na siyang leader nila. Kung anong action ang gagawin ng leader ay kailangan ding gawin ng mga followers. Dito nga ay nasiyahan talaga ang mga bata sa mga larong ginawa nila.
Mga nasa oras na 2:00 na iyon ng hapon nagsimula na din sa pagtuturo ang aming Youth na naka assign ngayon na si Jicel na bagamat medyo bata pa siya ay kitang kita naman na gusto niya talagang magamit sa mga gawain ng Dios. Napakasaya at magandang makita nga na merong mga youth namin na merong pagmamahal sa gawain ng Dios. Naging maayos naman ang pagtuturo ni Jicel at salamat ng marami sa Dios dahil dito.
Mga nasa oras na rin iyon na 3:00 ng hapon natapos ang pagtuturo ni Jicel at oras na upang makapag snacks ang mga bata kitang kita din sa mga nila na masaya silang lahat at bago nga kami natapos ay groupfie muna kaming lahat.