The Diary Game Season 3|| Ang Hindi ko Makakalimotang Pagbyahe ko sa Manila na Libre ang lahat! ☝️🙌😇

in Steemit Philippineslast year

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Maraming mga pangyayari sa aking buhay nitong mga nagdaang mga araw na masasabi kong talagang napaka buti ng Dios dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasakay na rin ako ng isang Eroplano at naka punta sa Manila at ang lahat ay libre lamang mula sa ticket hanggang sa Hotel. Ang mga pangyayari ngang ito ay talagang hindi ko inaasahan pero masasabi ko rin na reward ito ng Dios sa akin dahil sa mga nagawa ko para sa Kanya. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang ilang sa mga masasayang kaganapan sa aking buhay.

20230303_214153.jpg

Ang mga pangyayaring ito nga ay hindi ko inaasahan dahil wala talaga sa plano ko na mag punta sa Manila pero salamat sa Dios dahil merong nag imbetida sa akin na mag punta ng Manila para sa isang Seminar at dahil nga sa libre lang ang lahat ng ito kaya pumayag ako kasi wala naman akong babayaran.

IMG_20230227_042502_887.jpg

IMG_20230227_051915_890.jpg

IMG_20230227_042014_093.jpg

Mga nasa oras nga na 2:30 pa lang ng umaga ay gumising na ako dahil nga sa ang flight namin papuntang Manila ay 6:00 ng umaga mabuti na lang at pumayag ang pinsan ko na mahatid ako sa Airport kahit na napaaga pa at nakarating nga ako sa Airport mga nasa 3:20 ng umaga saktong sakto dahil kakarating pa lang din ng mga kasama ko, kaya magkasabay lang kami.

IMG_20230227_061516_4.jpg

IMG_20230227_070016_886.jpg

IMG_20230227_064044_621.jpg

Mga nasa oras na 6:15 ng umaga nga ay paalis na rin ang eroplano na sinakyan namin at noong una medyo natatakot ako dahil unang beses ko nga ito pero kalaaonan ay nawala na din naman. Nasiyahan na din naman ako sa pagkukoha ng mga litrato sa labas ng eroplano lalong lalo na ang mga Ulap na sa unang pagkakataon din ay nakita ko na rin ng malapitan at talagang nakakamangha ang lahat.

IMG_20230227_074051_332.jpg

IMG_20230227_080945_310.jpg

IMG_20230227_090621_965.jpg

Mga nasa oras na 8:00 ng umaga nakarating na rin kami sa Manila at sa unang pagkakataon ay nakarating na nga ako dito kahit na medyo nahihilo ako dahil siguro sa first time kong sumakay ng eroplano pero salamat sa Dios dahil safe kaming nakarating. Agad din naman kaming nag punta sa Hotel at ito ay sa Seda Hotel BGC kung saan doon kami mag stay pero dahil 10:00 pa ng umaga ang aming check-in kaya nag lakad-lakad muna kami sa malapitan at nananghalian.

IMG_20230227_090735_058.jpg

IMG_20230227_093030_557.jpg

IMG_20230227_100341_558.jpg

Dahil nga sa 10:00 pa ng umaga ang check in namin, kaya nag punta muna kami sa mga pwding mapasyalan tulad ng sa mga Mall at dito sa Cabalen kami nananghalian kung saan nga ay isa itong Eat All You Can Restaurant kung kaya medyo naparami talaga ang kain ko dahil parang higit tatlong beses akong nagpabalikbalik para maka kuha ng mgapagkain kaya talaga g busog na busog ako.

Naging masaya nga ang unang araw ko dito sa Manila, dito mismo sa BGC Taguig dahil sa ang lahat nga ay first time lahat at dahil itong lahat sa Dios na nagbigay sa akin, kaya Siya lamang ang aking pasasalamatan at bigyang papuri't pagsamba.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 last year 

Sana all libre lahat! hehe magandang opportunity ito para sayo Mel. You will have more pagsakay sa eroplano soon. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 66382.93
ETH 3031.14
USDT 1.00
SBD 3.69