The Diary Game Season 3|| Ang Healing Crusade ni Prophet Jomarie mula sa Jesus the Alpha and Omega Ministry☝️🙌😇

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sa tanang buhay ko, marami na akong mga nasaksihang milagrong ginawa ng Dios sa maraming pagkakataon kung kaya masasabi ko talagang napaka galing ng Dios at makapangyarihan Siya na Dios. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring Healing Crusade dito sa amin kung saan maraming mga gumaling sa araw na ito ng dahil sa kapangyarihan ng Dios sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

20230213_200623_0000.png

Nitong mga nagdaan mga araw nga ay meron na akong nabasang mga post sa Social Media lalong lalo na sa Facebook mula sa ilang mga Pastors at sa official Facebook page ng magsasagawa ng Healing Crusade at ito ay si Prophet Jomarie mula sa Jesus the Alpha and Omega Ministry, kung kaya umaga palang ay excited na ako dahil marami na din akong nakita sa Facebook at mga testimony na narinig kung saan napapatunayan na marami na ang gumaling sa mga Healing Crusade na ginagawa ni Prophet Jomarie at itong lahat ay sa kapangyarihan ng Dios.

IMG_20230209_182955_496~2.jpg

Mga nasa oras na 4:30 ng hapon ay nag punta muna ako sa aming Simbahan para kunin ang mga Microphone namin dahil nag chat sa akin ang ilan sa mga kasamahan namin para sa mangyayaring Healing Crusade at mga nasa oras na 5:00 ng hapon ay nag punta na din ako sa Gym na kung saan doon gaganapin ang nasabing gawain at sa pagdating ko nga ay nag umpisa na silang nag ayos at nag setup ng mga sound system dahil mga nasa oras na 6:00 o 7:00 ng gabi darating si Prophet Jomarie.

photocollage_2023213205857174.jpg

Pagsapit ng mga oras na 6:00 ng gabi ay unti unti na ngang dumarating ang mga tao para sa dadalo sa gagawing Healing Crusade at habang naghihintay nga ay nag umpisa na din sa Praise and Worship ang ilan sa aming mga kasama para na rin makapagbigay ng pasasalamat at papuri't pagsamba sa Dios bago ang gawain namin ngayon. Habang kami namang mga Pastors at ibang mga volunteer ay tinawag para sa mga kailangan naming gawin ngayon.

photocollage_202321321458449.jpg

Mga nasa oras na 8:00 ng gabi sa wakas ay dumating na rin si Prophet Jomarie at kanyang mga kasama pero bago pa siya nag simula ay nag alay mona siya ng dasal para sa lahat dahil higit lahat kailangang matanggap mona ng mga tao na nandito ang ating Panginoong Hesu-Kristo dahil itong lahat ay para sa Kanya lamang.

Pagkatapos ng dasal ay nag umpisa na rin ang Healing Crusade at dito nga ay napakagaling ng Dios dahil instant naming nakita ang kapangyarihan ng Dios dahil maraming mga tao na merong sakit ang gumaling mula sa nahihirapang maglakad hanggang sa hindi na nakakalakad ay nakatayo at nakalakad at ang iba ay tumakbo pa. Marami pang mga taong merong maysakit na nagpunta dito ang gumaling ng dahil sa Dios lamang.

Masasabi ko lang na totoong buhay at makapangyarihan ang ating Dios, ang tanging gawin lamang natin ay ibigay natin ang buong paniniwala at pagmamahal sa Dios at wala nang iba pa.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

Salamat sa pagbabahagi ng iyong karanasan sa Healing Crusade at sa pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos sa pagpapagaling ng maraming tao. Nakakamangha na marinig ang epekto ng pananampalataya at panalangin sa buhay ng mga tao. Mahalagang magpasalamat at magbigay-puri sa Diyos para sa kanyang mga biyaya at mga himala na ating nasaksihan sa ating mga buhay.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 56739.93
ETH 2400.98
USDT 1.00
SBD 2.30