The Diary Game Season 3|| Ang FDS o Family Development Session dito sa aming Lugar sa Camanga para sa mga 4Ps☝️🙌😇

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sa bawat opurtunidad na ibibigay sa amin na magamit ng Dios ay tinatanggap namin dahil nga sa ito na rin ang aming kasiyahan na magamit para sa pagbahagi ng mga Salita ng Dios sa mga tao. Ngayon nga ay meron na namang bagong gawain namin para sa Dios at ito ay ang Family Development Session o FDS para sa mga 4Ps members, at ito ay programa mula sa DSWD o Department of Social Welfare and Development na kung saan meron partnership mula sa amin na mga Pastors.

Screenshot_20230317-204221.jpg

Ito nga ang ikalawang beses ko na makapag turo sa mga 4Ps beneficiary mula dito sa Barangay ng Camanga dahil nitong mga nakaraang araw ay naka assign din ako sa ibang Barangay kasama ang isa ko pang kasamang Pastor.

IMG_20230316_090934_619.jpg

Ang una kong ibahagi ay itong unang session namin sa ibang Barangay at ito ay sa Barangay Argayoso. Mga 8:00 ng umaga kami nakarating ng aking kasamang Pastor dahil dalawang session kami dito mula 8:00 ng umaga hanggang 10:00 ang unang dalawang grupo at galing sa 10:00 hanggang sa 12:00 ang huling dalawang grupo. Salitan kaming dalawa ng aking kasamang Pastor at dahil unang beses ko ito ay nag monitor at tinignan ko lang muna ang mga dapat gawin kaya noong sa huling dalawang grupo ay ako na ang nag turo at salamat sa Dios dahil naging maayos naman ang lahat.

IMG_20230317_130648_445.jpg

Ngayon naman ay ibabahagi ko ang kakatapos lamang namin na FDS dito sa aming Barangay na kung saan dito talaga kami naka assign. Ang schedule naman dito ay nasa 1:00 ng hapon, nakarating nga kami dito mga 12:00 pa lang ng tanghali para hindi kami ma late. Pagdating namin ay meron ng mga 4Ps beneficiaries ang nandoon. Nag hintay muna kami mga ilang minuto habang papalapit ang iba hanggang dumating na ang mga 1:00 ng hapon ay sinimulan na namin ang gawain namin. Ang inatasan ko na makapag opening prayer ay ang kasama kong pinsan na si Bro June Ray at bago kami nag simula sa aming topic talaga ay nagbahagi muna ako ng mga Salita ng Dios dahil higit sa lahat, ang mga Salita ng Dios ang pinaka importante sa lahat.

received_871123193978701~2.jpeg

received_1356887584870206~2.jpeg

received_219300497323715~2.jpeg

Nagpatuloy ang aming gawain at ibinahagi at nag explain ako sa kung ano man ang naka lagay sa handouts na ibinigay sa amin. Medyo mataas taas din ang ibinigay sa amin kaya expected na matapos ito higit sa isang oras.

Dito nga ay meron kaming topic sa session namin na "Implementing Partners and their Responsibilities". Dahil nga ang programing ito na 4Ps na galing sa DSWD ay maraming iba pang mga Department at mga Agencies ang tumutulong upang mapaayos at mas maging maganda ang programang ito. Bawat isang Department nga ay ipinaliwanag ko sa kanila upang malaman nila kung bakit nakipag partner sila sa DSWD at kung ano ang kanilang mga responsibilities para sa programang ito.

Malaki ang aking pasasalamat sa Dios dahil mga nasa oras na 2:30 na kami na tapos at nakita ko naman na nakinig talaga sila sa akin at noong tinanong ko sila ay tama naman ang lahat ng kanilang mga sagot. Mga nasa oras na 3:00 ng hapon ay naka alis na rin ang lahat matapos na makapag attendance na at naka perma na ako. Ilang minuto lang din ay umuwi na kami ng aking pinsan sa aming mga bahay nang ligtas at masaya dahil naging matagumpay ang gawain namin ngayon.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Congratulations, your post has been upvoted by @campingclub Community Curation Trail. Best Regards Camping Club Steemit Community on Steem. Manually curated by @visionaer3003 CCS Witnesses ❤️, @ponpase CCS Administrator Staff ⭐️ Visit our Discord server for more information https://discord.gg/GMjrB7wTgN

 2 years ago 

Thank you for the support 😊😇

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 98331.63
ETH 3380.20
USDT 1.00
SBD 3.02