The Diary Game Season 3 || Ang Church Service st Outreach Fellowship 👉#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sa bawat araw na lumipas, nagpapasalamat sa Dios dahil palagi Niya akong binibigyan ng lakas at magandang pangangatawan sa kabila ng medyo maraming mga gawain para sa Dios ang ibinigay sa amin, at sa araw na ito, linggo ay sng araw ng aming Pagsamba sa aming Church at sa aming outreach fellowship.

jpg_20221025_151933_0000.jpg

Araw nga ngayon ng linggo at araw ng aming Pagsamba sa Dios mula sa napaka busy na araw mula lunes hanggang sabado na kung saan kaming lahat na magkakapatiran ay nagkakaisa sa pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios.

IMG_20220925_103320_132~2.jpg

Nagsimula ang aming Church Service mga nasa 8:30 na iyon ng umaga dahil medyo natagalan kami sa pag punta sa aming Church at hinintay pa namin ang iba pa naming mga kapatiran na makarating sa aming Church. Sinimulan namin ito sa pamamagitan ng devotional, merong mga pag awit para sa Dios bilang pag Welcome sa kanyang presensya sa araw na ito.

IMG_20220925_103729_014~2.jpg

Meron ding mga nagbahagi ng kanilang mga testimony o pagpapatutuo ng kabutihan ng Dios sa kanilang mga buhay at hinding hindi mawalala sa araw ng aming Pagsamba ang pagbibigay ng mga papuri't pagsamba sa Dios sa pamamagitan ng mga pag awit at pag sayaw sa Dios. Sa pamamagitan nito ay naipahiwatig namin kung gaano namin kamahal ang Dios dahil sa walang sawang pagmamahal Niya sa amin.

IMG_20220925_110844_009~2.jpg

Ngayon naman ay oras na ng pagbahagi ng mga Salita ng Dios at ang naka assign para sa linggong ito ay si Pastora Emem at dito ipinaliwanag niya kung gaano kabuti ng Dios sa ating mga buhay dahil sa walang sawang pagmamahal ng Dios sa atin kaya nararapat lamang na ating Siyang pasalamatan, at sa kabila ng maraming mga pagsubok sa ating buhay ay palagi Niya tayog binibigyan ng lakas at buong pusong minamahal.

photocollage_2022102515446144.jpg

Natapos ang aming Church service mga 12:00 na iyon ng tanghali at oras na ng aming pananghalian dahil pagsapit ng hapon ay meron din kaming outreach fellowship doon sa Acmac Iligan City.

Nakarating nga kami doon sa Acmac mga 3:00 na ng hapon saktong sakto lang din dahil nandon na din ang iba pa naming mga kasamahan sa fellowship namin dito. Dito nga ay meron din kaming mga testimony o pagpapatutuo sa kabutihan ng Dios at kaming lahat ang siyang nagbahagi kaya mad naging masaya ang lahat.

photocollage_20221025155020277.jpg

Para naman sa Praise and Worship ay ako ang siyang naka assign na magdala at nagpapasalamat ako sa Dios dahil sa mga talento na ibinigay Niya sa akin na Siya lang aking bigyang papuri't pagsamba. Buong puso naming iniaalay sa Dios ang aming mga pag awit at labis na galak ang aming nararamdaman.

IMG_20220925_160659_829~3.jpg

Ngayon naman oras na upang makarinig kami sa Salita ng Dios at ang nagbahagi ay ang isa sa aming youth leader at aming youth president na si Sir Dan at ang kanyang ibinahagi ay kung gaano kabuti ng Dios na sa kabila ng mga nararanasan nating hirap sa buhay ay patuloy Niya tayong minamahal at inaalagaan at ang Dios ang nagbibigay sa atin ng lakas para makaya ang lahat.

photocollage_2022102516217486.jpg

Natapos ang aming outreach fellowship mga 5:00 na iyon ng hapon at kaming lahat ay nagpapasalamat sa Dios sa lahat ng kanyang ginawa simula umaga hanggang hapon. Hito naman ang aming mga kababaihan, mga youth na nag picture muna bago kami umalis. Sa lahat ng mga nangyari ay tanging ang Dios lang ang aking pasasalamat at bigyang papuri't pagsamba.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

God bless you always Mel at ang yung mga kasamahan.

 2 years ago 

What a beautiful life you have bro, serving the lord with joy.

I really like your post. I love your writings. Wish you all the best.

TEAM 4 CURATORS

Congratulations!
This post has been upvoted through steemcurator07.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @mato445

amazing.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59391.37
ETH 2525.88
USDT 1.00
SBD 2.47