The Diary Game Season 3|| Ang Bonding Moments namin ng aking Kapatid at ng aking Pamangkin na si Baby King2x 🥰😍😇

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Isa sa pinakamayang pangyayari sa ating buhay ay kung makasama natin ang ating pamilya at nagpapasalamat ako sa Dios dahil paminsan minsan ay nakakasama ko sila para maka bonding. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring bonding namin ng aking kapatid at kanyang anak na si Baby King2x sa Iligan City Gaisano Mall.

jpg_20230116_195332_0000.jpg

Nitong nakaraan nga ay sinabihan ako ng aking kapatid na magpupunta kami sa Iligan City dahil meron siyang bibilhin kung kaya agad akong pumayag dahil paminsan minsan lang din ako nakaka punta sa Gaisano Mall, nakaka punta lang kung merong kailangang bilhin o kaya mga ibang gawain.

photocollage_2023116202524942.jpg

Mga nasa oras nga na 9:00 ng umaga umalis kami sa aming bahay kahit na malakas ang ulan nagpatuloy pa rin kami papuntang Iligan City at syempre para hindi kami mabasa ay nag suot kami ng Jacket lalong lalo na si Baby King2x at nagdala din kami ng payong. Sumakay kami sa Badja at Jeep papuntang Iligan City at habang nagba byahe nga kami ay wala pa ring tigil ang malakas na ulan.

photocollage_202311620291649.jpg

Mga nasa oras na 10:00 ng umaga sa wakas ay nakarating na rin kami sa Iligan City at agad kaming pumunta sa Gaisano Mall. Sa pagdating din namin ay agad pumunta aking kapatid sa kung ano ang bibilhin niya. Dito nga ay nagpunta siya sa mga nagtitinda ng hikaw at sing-sing para pang regalo at dito rin sa mga nagtitinda ng Cellphone pang regalo sa unang anak ng kanyang asawa noong hindi pa sila nagka kilala pero tinuturing na sin niyang kanyang anak. Bumili nga siya ng regalo sa Christmas kahit na huling huli na.

photocollage_202311620363596.jpg

Medyo natagalan din kami sa pagpipili ng mga regalo na ibibigay kaya mga nasa oras na 11:40 na kami natapos. Dahil din medyo nagugutom na din kami, at hihintayin pa namin ang anak ng aking kapatid nag punta na lang kami sa Jollibee para dito maghintay pero umorder na din kami para makapag pananghalian na kami habang naghihintay. Ang aking kapatid nga ang umorder habang ako ang nagbabantay kay Baby King2x at ang inorder nga niya ay itong fried chicken na siyang kilalang pagkain dito sa Jollibee.

photocollage_2023116204243489.jpg

Natapos na kaming mananghalian pero hindi pa rin dumating ang hinihintay namin hanggang sa umabot ng mga halos 1:00 ng hapon sa wakas ay nakarating na din sila pero hindi na sila kumain kaya pina take out na lang ang nabiling pagkain. Ngayon din naman ay ibinigay na ng aking kapatid ang mga regalong binili niya lalong lalo na ang Cellphone at nga hikaw at marami pang iba na galing sa kanya at sa kanyang asawa na nasa abroad. Kitang kita naman sa mukha ng kanyang anak na masayang masaya ito sa mga regalong natanggap na kahit late na talaga sa Christmas hindi pa rin nakalimotan na mabigyan.

photocollage_2023116205230572.jpg

Matapos nga na mabigay ang mga regalo ay umalis na din kami sa Jollibee at nagbonding muna sila lalong lalo na sila Baby King2x at Ate Heart2x na ngayon lang muli nagkita at makakapag laro kung kaya nag punta muna kami sa isang Arcade dito sa Mall at naglaro. Sa pagpasuk pa nga lang namin ay excited na si King2x dahil unang pagkakataon niyang makapasok dito at maglaro. Agad nga niyang sinakyan ang mga rides na nandito at habang naglalaro nmn nag basketball ay naglaro din siya kahit na hindi siya nakaka shoot ng bola. Grabe ang saya ng paglalaro namin dito lalong lalo na si Baby King2x, kitang kita ang saya sa kanyang mukha parang ayaw na niyang umalis dito.

photocollage_2023116205757770.jpg

Sobrang saya ng bonding namin ngayon na hindi na namin napansin ang oras at umabot na kami ng mga nasa oras na 3:00 ng hapon kaya napag desisyonan na namin na umuwi na kami dahil mag ba byahe pa kami pa uwi. Sa pag labas nga namin ay malakas pa rin ang ulan at habang nasa sasakyan na nga kami tulog na tulog na si Baby King2x dahil sa pagod ng sa paglalaro. Salamat sa Dios dahil ang saya ng bonding namin at naka uwi kami ng ligtas.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

Date Evaluated: Jan, 18, 2023

CategoryRemarks
#steemexclusive
At least Club5050
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Verified Member/Visitor
Voting CSI20.1 ( 6.20 % self, 269 upvotes, 114 accounts, last 7d )
 2 years ago 

Nag enjoy si baby Kingking for sure! ang cute naman nya. Hay naku Romel, kita ko sa mga mata mo ang saya mo now! hahaha oh sya! Chika later!

 2 years ago 

আপনার পোস্টগুলো খুব সুন্দর হয়

 last year 

Na imagine ko ang mukha ni baby king2x na masaya, priceless talaga ang happiness.

Si ate heart2x po ba ang step daughter ng kapatid nyo, sir?

Ang sweet naman, nakakatuwa at sweet ng relasyon nila, mabait din ang kapatid mo.

 last year 

Mel lingaw kaayo sigurado si King2 pero knockdown inig human hehehe gikapoi laag.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64850.80
ETH 3471.70
USDT 1.00
SBD 2.55