The Diary Game Season 3 || Ang aming Cell Group Fellowship at ang Pagdiriwang namin ng Ika-18 na Kaarawan ng aming Kaibigan 👉#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Labis ang aking pasasalamat sa Dios sa walang sawa Niyang pagmamahal at pagbibigay sa aking ng lakas at magandang pangangatawan sa kabila ng mga maraming gawain na Kanyang ipinagkatiwala sa akin.

Ngayon naman ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang aming Cell Group Fellowship na ginanap sa isa sa aming membro at ang Pagdiriwang namin ng ika-18 na kaarawan ng aming Kaibigan na tinutuyna ko na ring isa sa aking mga kapatid.

jpg_20221022_212909_0000.jpg

Sa bawat linggo nga ay meron kaming schedule para sa aming mga Cell Group Fellowship sa aming mga membro at salamat sa Dios dahil kahit na medyo busy talaga ang buhay at kung minsan nagrereklamo na ang ating katawan, salamat sa Dios dahil patuloy Siyang nagbibigay ng lakas sa akin at sa aming lahat.

photocollage_2022102221498794.jpg

Ang Cell Group Fellowship nga namin ay naka schedule na mag simula mga 4:00 ng hapon kaya umaga pa lang ay abala na ako sa kung ano ang dapat kong gawin para pagsapit ng hapon ay wala na akong aalahanin pang iba dahil kinagabihan ay meron na naman akong gagawin na napaka importante. Nakapagsimula nga kami sa aming Cell Group Fellowship mga 4:10 na ng hapon dahil meron pa din kaming hininay pero salamat sa Dios dahil nakarating kaming lahat ng masaya at walang kahit na anong nangyari sa pag punta namin.

Dito nga ay nagpasalamat kaming lahat sa Dios sa lahat ng kanyang ginawa sa pamamagitan ng aming mga pag awit at pagbibigay papuri't pagsamba sa Kanya lamang. Ang naka assign naman na magbahagi ng mga Salita ng Dios ay ang aming bagong membro na isang guro, at ito ang una niyang pagkakataon na makapagbahagi at salamat sa Dios dahil nagawa niya ito ng mabuti sa tulong ng Dios. Mga nasa oras na 5:30 na kami natapos sa aming Cell Group at meron pa akong gagawin pagkatapos nito kaya pagkatapos na maka kain ng pagkaing inihanda nila ay umalis na rin ako kaagad dahil mag celebrate pa kami ng kaarawan ng isa sa aming kaibigan na parang kapatid na rin namin.

photocollage_20221022215744143.jpg

Napag usapan nga namin na mga 6:30 ng gabi kami magkababarkada magkitakita sa isang restaurant dito sa aming bayan na meron Eat All You Can sa halagang 225 Pesos lamang (17.5 Steem only), kaya napaka affordable lamang. Mga 6:45 na nga din kami narating at nagkitakita medyo natagalan dahil meron pa din kaming mga ginawa. Dito nga ay kaming dalawa ng aking kaibigang isang Manager ang nang libre sa mga kaibigan namin na mga kapatid na din ang turing namin, bonding moments na din namin at birthday celebration ng isa sa kanila na si Toti Ringee Boy.

photocollage_2022102221587452.jpg

Nagpatuloy nga ang aming simpling birthday celebration at meron ding cake na binili ang aming kaibigan na Manager kaya mas naging masaya ang aming Celebration. Busog na busog nga kaming lahat dahil Eat All You Can dito kaya kahit ano kinuha namin hanggang sa makakaya naming kainin dahil kung merong mga matira sa aming plato ay babayaran namin kaya dahil yong kaya lang.

photocollage_2022102221592483.jpg

Nagpapasalamat nga kaming lahat sa Dios dahil sa kaunting panahon ay nakapag bonding muli kaming mga magkakaibigan dahil paminsan minsan lang talaga kami nagkitakita dahil malayo ang aming mga bahay, kaya sa tuwing merong mga celebration tulad ng birthday ay tinitiyak namin na makakapag celebrate kami kahit simple lang at kitang kita naman sa mukha ng kaibigan namin na nagdiriwang ng kanyang kaarawan na masaya siya at sabi pa nga niya, unang pagkakataon na nakapag celebrate siya ng ganito.

Ang buong araw nga na ito ay talagang masayang masaya dahil mula sa aming cell group fellowship hanggang sa Birthday Celebration, binigay ng Dios ang lahat ng aming pangangailangan, lakas at magandang pangangatawan.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Hello @loloy2020
No doubt it has been a great day, that meeting where you are sharing special things, for sure it generates good energy for all, and it can unite you a lot, I must assume it is related to your culture, to your religion.

I think everything that is about bringing people together, making them closer, is important, don't you think?

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59207.00
ETH 2507.08
USDT 1.00
SBD 2.53