The Diary Game Season 3 (10-16-2021) | Ang Pag Celebrate Ko nang aking 30th Birthday, Salamat sa Dios at naging Matagumpay.
Isang Mapayapa at Mapagpalang Araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!
Bago ako magbahagi sa aking Diary Game sa araw na ito ay, una ko ko munang pasalamatan ang ating buhay na Dios na siyang aking tagapagligtas dahil kung wala siya sa aking buhay ay wala ako sa mga oras na ito.
Ngayong nga na ito, Octubre 16, 2021 ay ang isa sa pinaka espesyal na pangyayari sa aking buhay dahil sa araw na ito ay ang aking ika 30 taong gulang at nagpapasalamat sa ako sa Dios dahil sa pagbigay muli sa aking nang bagong taon upang pasalamatan at papurihan Siya sa pamamagitan nang aking buhay na Siya ding nagmamay-ari. Masasabi ko nga na isa ito sa hindi ko malilimutang pangyayari sa aking buhay dahil sa wakas na umabot ako sa ganitong taon gulang sa kabila nang mga nangyari sa aking buhay sa taon na ito, at ang lahat nang ito sa tulong nang ating Dios na buhay.
Nag simula ang araw nang aking kaarawan sa pamamagitan nang pag serenade o pag manyanita sa akin nang mga kasamahan ko sa aming simbahan, siguro nasa mga 4:00 pa iyon nang madaling araw at kahit na sobrang aga pa ay nag bigay talaga sila nang panahon para sa akin upang simulan ang aking kaarawan nang mga pagpasalamat at papuri sa ating buhay na Dios. Labis na galak at saya ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon dahil meron talaga akong mga kasamahan sa simbahan na talagang mahal na mahal ako dahil hindi talaga madaling gumising nang umaba pero ginawa nila iyon para sa akin. Dahil mga nasa oras na 6:40 na iyon nang umaga sila natapos, meron din naman kaming inihandang pagkain sa kanilang lahat at salamat sa Dios dahil naka-kain din naman silang lahat.
Para naman sa pagluluto nang pagkain na handa sa aking kaarawan ay meron kaming hiningan nang tulong na taga sa aming simbahan na magluluto dahil kung kami lang ang magluluto nito ay hindi namin makakaya. Siguro nagsimula silang magluto nang mga nasa oras na 6:00 nang umaga pero hindi naman gaanong mabigat ang kanyang pagluluto dahil tinulongan namin siya at noong gabi pa lang ay inihanda na namin ang iba pang mga kakailanganin. Habang ang kanyang asawa naman ay siyang naka assign na magluluto sa lechong baboy. Siguro naluto ang alechon nang mga nasa oras na 9:00 nang umaga habang ang ibang mga pagkain ay natapos nang mga nasa oras 10:50 na nang umaga. Pagkatapos na maluto ang lahat nang pagkain ay oras na rin kami ay magpunta sa dagat na kung saan doon ako mag diwang nang aking kaarawan.
Mga nasa oras naman na 11:40 ay nakarating na rin kami sa dagat at nagpasalamat ako sa ilan sa mga kasamahan ko sa aming simbahan lalong lalo na ang mga kabataan na silang nag volunteer na mag decorate ka na simple lang pero masaya na din ako sa ginawa nila. Nakarating din ang ilan sa iba ko pang mga kasamahan sa simbahan, mga kaibagan ko, mga relatives at ang aming Pastor na siyang nag bahagi muna nang mga salita nang Dios hindi lang para sa akin kundi para sa lahat na nandoon.
At higit ang buong puso kong pasasalamatan ay ang aking pamilya, ang king kapatid na si @chishei2021 kasama si Baby King2x at kanyang asawa, ang isa ko pang kapatid na nasa Surigao sa mga oras na ito at lalong lalo na sa aking pinaka mamahal na ina na siyang aking inspiransyon at nag-aalaga sa aking sa tuwing ako ay magkakasakit. Hindi ko mahigitan ang lahat nang ginawa nang aking Ina pero ang tanging maibibigay ko lang ay ang pagmamahal at pagdarasal sa Dios na sana bibigyan siya nang lakas at magandang pangangatawan sa araw-araw.
Nagpapasalamat din ako sa aking pamilya sa ibinigay sa akin na Birthday Cake na talagang masarap na masarap. Nagustohan ko din ang ginawa nila dahil meron silang biniling maraming mga Birthday Candles na meron naka lagay na Happy Birthday.
Hindi ko talaga ibahagi ang kung ano man ang aking nararamdaman dahil sa saya pero alam kong ang lahat nang ito ay nagawa sa tulong nang ating buhay na Dios.
Ngayon ay malapit na din mag tanghali at malapit na din kaming mag simula sa mananghalian at bago nga kami mag simulang maka kain ay nag pa picture muna kami habang ako ay solo muna at ang noong kasama na ang ilan sa aking mga pamangkin at kaibigan.
<center
Sa totoo lang ay ito din ang isa sa pagkakataon na nag diwang nang aking kaarawan sa dagat dahil hindi naman kami talagang may kaya at pero masaya dahil nandiyan ang Dios kasama namin sa araw-araw. Nagpasalamat ako sa aking ika 30 taong gulang ay nagawa na rin sa wakas.
Dito nga ay nagpa picture mona ako na solo sa aking Birthday Decoration bilang pasasalamat lang din sa kasama naming nag effort sa pag gawa nito. Nandito din ang aking isang pamangkin na siyang lagi kong kasama sa mga mission namin para sa Dios at ang huli ay ang aking kaibigan at kasamahan natin dito sa Steemit Philippines, isa sa mga Moderator dito sa Steemit Philippines na nandito naka assign sa Mindanao, ito ay si @jb123. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil, nag bigay talaga siya nang oras upang makasama namin sa aking kaarawan.
Ngayon naman, pagkatapos nang lahat ay oras na upang kami ay makapag pananghalian na. Noong una ay kinakabahan talaga ako dahil ang dami kong bisita lalong lalo na sa aking mga kamag-anak at mga kasamahan sa simbahan at mga kaibigan. Noong una ay iniisip ko na baka hindi magkasya ang pagkain pero pagkatapos nang lahat ya naka kain naman ang lahat, mula sa mga pamangkin kong mga bata hangagang sa mga matatanda. Sa tingin ko naman ay naka kain naman silang lahat at talagang nagpapasalamat ako sa Dios tungkol dito. Busog na busog din naman ako at ang tanging dalangin ko lang talaga ay ang lahat maka kain at nangyari din naman ang lahat na iyon.
Pagkatapos nga nang aming pananghalian ay nagpahinga mona kami dahil nga sa busog na busog kaming lahat hanggang sa nagpa-isipan namin na magpa parlor games muna para ma aliw ang lahat, at ginawa din namin iyong lahat. Ang laro nga namin ay simple lang, kailangan lang na mapuno ang bote nang Softdrinks sa pamamagitan lamang nang pagkuha nang tubig gamit ang maliit na cup na naka lagay sa bibig nila at naging masaya nga ang lahat sa nangyaring parlor games, at noong meron na ngang nanalo ay, hindi ko inaasahang nag sponsor nang pa premyo ang aking kaibigan na ating moderator din na si @jb123. Pagkatapos nga nang unang laro ay nagpatuloy muli kami nang iba pang mga laro pero sa mga oras na ito mas marami na ang sumali at ako na nag bigay nang pa premyo. Kahit sa maliit na paraan ay nasiyahan din naman ang aking mga kaibigan at kasamahan sa simbahan sa pamamagitan nang mga larong nangyari.
Talagang masayang masaya ako sa araw na ito, pero bago ko tapusin ang pagdiriwang ko nang aking kaarawan, ako muna ay magbibigay pasalamat sa lahat nang aking mga kaibigan dito sa ating pinaka mamahal na Steemit Philippines, most especially to ate @olivia08 na laging nandiyan sa aking tabi mag mula pa noong unang nag contact siya sa akin sa isang Facebook Messenger Group Chat kahit na hindi niya ako kakilala, at mag mula na noon ay nandiyan na siya sa king tabi upang tulongan ako lalong lalo na sa aking journey dito sa Steemit. Si ate @olivia 08 talaga ang isa sa ituturing kong adviser, a loving mother at always nandyan upang e guide ako. Siya din ang unang taong nag tiwala sa aking na makakaya kong e handle ang Steemit Philippines, siguro kung wala si ate @olivia08 sa aking tabi noon, hindi ko maisipang buomo nang isang community dito sa Steemit dahil talagang napaka hirap, pero dahil kanyang paniniwala sa akin at tulong din niya ay nagawa ko talaga at sa tulong din ito nang ating Dios dahil sa tulong nang Dios ay nakilala ko si ate @olivia08. Marami pa talaga akong dapat pasalamat lalong lalo na ang ilang aking mga ate na masasabi ko na ring mga mother ko, sina @joshuelmarie, @sarimanok, @jurich60 at marami pang iba, hindi ko na kayong lahat ma isa-isa pa.
Ang huling pasasalamatan ko ay ang aking mga kasamsahan dito sa ating Steemit Philippines Community, ang mga Admin//Moderators na silang katulong ko upang maging mas mabuti at matagumpay itong ating community dahil noong una na ako pa lang ang nagpapalakad sa community ay limited lang talaga ang mga ideas ko pero mula noong nandito na sila ay naging mas maganda ang takbo nang community natin. Kaya labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil ibinigay nang Dios kayong lahat upang kasama ko sa pagbuo nang mas magandang community. Maraming salamat @fycee, @juichi, @long888, @kneelyrac, @me2selah at @jb123. Sa tulong nang bawat isa sa atin ay makakaya natin itong lahat sa tulong ang ating buhay na Dios.
Sa lahat nang mga Members sa ating Steemit Philippines Community at sa lahat na hindi ko na mention, pasensya na pero talagang nagpapasalamat ako sa inyong lahat sa walang sawang pagsuporta at pagtitiwala sa ating community. Dalangin ko lang sa Dios na huwag kayong magsawang sumuporta at magbahagi nang inyong mga content sa ating community at sa pagtutulongan nang bawat isa sa ating kasama ang mga moderators ay maging matagumpay tayong lahat dito.
Ngayon ay hindi ko m express ay saya pero ang tanging masasabi ko lang ay nagpapasalamat talaga ako nang marami sa ating buhay na Dios dahil sa naging matagumpay ang pagdiriwang nang aking kaarawan. Ang Dios ay ang siyang nag bigay sa lahat nang aking pangangailangan, at ang lahat nang nasa akin ngayon. Maraming, maraming salamat sa lahat at lalong lalo na sa Dios na ating tagapagligtas.
Hanggang dito lang po ako at maraming salamat sa inyong pagdalaw at pagbasa sa aking Diary Game post at sa susunod na pagkakataon.
Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
Happy birthday kuya 😊 ganyan talaga kapag mabait ang isang tao, maraming magmamahal at magsusurpresa sa iyo.
Napakasaya ko sa araw na iyon maraming nakilalang mga bagong kaibigan😊
Ang wish ko talaga ay more birthdays to come, always in good health, bigyan ka ng maraming biyaya.
Nagpasalamat din ako sa iyo kuya sa awakang sawang pag gabay at pagtulong sa akin lalo na sa panahon ng trading. 😊
Kahit busy ka ay naglaan ka ng oras para ako ay turuan sa mga bagay-bagay dito sa crypto. 😊
Once again, happy, happy birthday kuya. Godbless you 😊
Salamat del..😇
Youre welcome ya. 😊
Ang galing nmn habang binabasa ko ang diary mo pra narin po ako nsa party mo hahahha happy happy bday po May God grants you more n more blessings po ❤❤🙏🙏
Maraming salamat po.😇
HAAAAPPYYYYYY BIIIIIIIRTHDAAAAAAYYY! ^_^ May pa-balloons pa talaga! next birthday ko bongga na talaga hehehe
Heheheh...surprise ako niyan..d ko alam na nag decor sila...Heheheh
Ang sarap ng may ganyang surprise. tapos madami gifts hehehe ... Truly you are blessed naman and God will continue to shower His Grace unto you. Keep the fire burning on what you are doing best. I can see here that you really had a blast!
Salamat again
Ang aga mo yata nagising, or hindi ka pa natutulog!? hahaha day off din pag may time! hahaha
Happy Birthday and More blessing to come...
Happy birthday sir @loloy2020
Thank you.😇
Happy birthday again Mel!! And more birthdays to come pa and more success!!
God bless you!!😊
Salamat kaayo ate..😇
Happy birthday sir.
Happy Birthday! Galing naman daming gifts and surprises. At ang haba ng read ko, nskakaaliw.
Heheheh...ang haba nga ate...salamat ate...😇
Happy birthday @loloy2020 wishing more birthday to come and good health always...
Happy birthday po sir @loloy2020... 🎉🎊