The Diary Game Season 3 [07-15-2022] || Ang Aming Prayer and Fasting Activity sa San Pedro Initao - Salamat sa Dios! 😇.
Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Para sa akin, ang isa sa pinakamasaya at maganda sa pakiramdam ay ang mapaglingkoran ang Dios at masagawa ang mga gawain para sa kanya, kung kaya para sa araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang unang araw ng aming dalawang araw na Activity ng mga Youth dito sa aming Circuit at ang unang araw ay ang Prayer and Fasting.
Buwan-buwan nga ay meron kaming gawain sa aming Circuit na kung saan ako ang siyang leader, at nagpapasalamat ako sa Dios na bagamat noong una ay wala talaga akong experience sa ganitong gawain, sa tulong ng Dios ay unti-unti ko na itong nagagamay at ang lahat ng ito ay para papurihan ang Dios.
Para buwan nga na July, ang aming gawain ay ang dalawang araw na kung saan ang unang araw ay ang Prayer and Fasting at ang ikalawang araw ay ang Evangelism.
Mga nasa oras na 8:00 ng umaga nga ay umalis na ako sa amin at pinuntahan ang iba ko pang kasama na sina Ptra @emzcas at isa sa aming youth na si Jicel para makarating kami doon ng medyo maaga, nakarating kami sa venue na sa San Pedro Initao, sa isang Church doon ng mga nasa oras na 9:30 na ng umaga, medyo natagalan kung kaya ilang sandali lang din ay sinimulan na namin ang aming gawain habang naghihintay sa iba na makarating.
Ako mismo ang naka assign para magdala ng programa namin ngayon, ako ang syang emcee. Pagkatapos ng opening prayer ay agad din sinundan ng Praise and Worship bilang pagbibigay pasasalamat at papuri para sa Dios.
Pagkatapos ng mga pag-aalay ng mga pagkanta't papuri't pagsamba sa Dios ay sinundan din ito agad-agad ng pagbahagi ng mga Salita ng Dios ng mga naka assign na mga Pastors na magbahagi. Sa umaga nga ay merong dalawang magbahagi ng mga Salita ng Dios at meron ding dalawa na naka assign para sa mga prayer concerns.
Ang unang nagbahagi nga ng mga Salita ng Dios ay si Ptr @quilvz na kung saan ibinahagi nya ang tungkol sa Full Armor of God na mababasa natin sa Ephesians 6:10-18 na kailangang bawat sa atin ay isuot ito dahil sa bawat araw ay meron tayong sinusuonh na gyera, hindi sa Physical aspect pero sa Esperitual, pagkatapos ng pagbahagi ng mga Salita ng Dios ay sinundan din ito ng mga prayer concerns.
Ang ikalawang nagbahagi ay ang host Pastor na kung saan kami magsagawa ng Evangelism, ito ay si Ptr Jaypee na kung saan ibinahagi niya na kailangang bawat isa sa atin ay magkaroon ng tunay relasyon sa Dios para sagutin ng Dios ang lahat ng ating mga dasal. Pagkatapos din ay sinundan ito ng ikalawang prayer concerns. Ngayon na tapos na ang unang dalawang mag bahagi, nag break muna kami at babalik mga 1:30 ng hapon.
Mga 1:30 nga ay ipinahpatuloy namin ang aming gawain sa araw na ito sa pamamagitan ng pag-awit ng isang worship song bilang pasasalamat sa Dios. Sinundan din ito agad ng ikatlong magbahagi na si Ptra Emzcas na kung saan ibinahagi niya kung ano ang ating destinasyon kung tayo ay magkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Dios, pagkatapos ay ang ikatlong prayer concerns din naman.
Ngayon mga nasa oras na 3:00 na ng hapon at nandito na kami sa huling magbabahagi ng mga Salita ng Dios at ito ay si Ptra Mayeth at ang kanyang ibinahagi ay nagpapa-alala sa ating kung ano ang mga benepesyo kung magkakaroon tayo ng tootong relasyon at pananampalataya sa Dios.
Pagkatapos naman ni Ptra Mayeth ay ako ang huling naka assign para sa main prayer concerns patungkol sa paparating naming Youth Camp dahil medyo marami pa talaga kaming mga kulang para sa Camp at alam namin na sa tulong ng Dios ay magagawa namin itong lahat.
Ngayon mga nasa oras na 4:30 na iyon ng hapon natapos ang aming gawain sa araw na ito ng matagumpay at puno ng pasasalamat at galak sa Dios dahil sa lakas na kanyang ibinigay sa aming lahat. Pag huli ay nag breaking na din kami at kumain ng hindang lugaw ng host church.
Nag meeting muna kami kaonta para sa susunod naming gawain bukas na Evangelism at sa tulong ng Dios ay maging matagumpay ang lahat. Natapos kami mga nasa 5:00 na iyon at umuwi na din sa aming mga bahay ng safe and sound.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter
Praise God for His unfailing mercy and grace... Jesus is enough indeed!
Evaluation Date: July 20-2022
nothing compares to the joy and satisfaction of serving the lord... just wow bro!