👉#burnsteem25 || The Diary Game Season 3 || Ang Minister's Meeting sa Tagbalogo at Ang Nangyaring Water Baptism 😇😊

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sa bawat linggo at araw na nagdaan, maraming mga masasaya at magandang kaganapan sa aking buhay na sa Dios ko lang maipagsasalamat lalong lalo na sa walang sawa Niyang pagmamahal sa akin.

Para naman sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring Minister's Meeting sa Simbahan na matatagpuan sa Tagbalogo Naawan Misamis Oriental at ang nangyaring Water Baptism.

jpg_20220816_102452_0000.jpg

Isang beses nga sa isang buwan ginaganap ang aming Minister's Meeting na kung saan dito namin ni rereport ang ilan sa mga gawaing ibinigay sa amin ng Dios at para din mapag usapan ang iba pang mga mahahalagang impormasyon na dapat naming malaman dito sa aming Section.

Mga nasa oras na 9:00 ng umaga nga ay nakarating na ako doon sa Simbahan sa Tagbalogo kasama si Ptra Jetma at isa sa aming youth, mga nasa kalahating oras din ang aming byahe papunta dito. Pagdating namin ay meron na ding ilang mga Senior Pastors na nandoon at ilang saglit lang din ay sinimulan na namin ang aming gawain sa araw na ito. Sinimulan ito sa pamamagitan ng mga dasal at sinundan din agad ng Praise and Worship na ang nagdala ay ang mga youth sa Church na iyon.

Pagkatapos naman ay sinundan ng pagbahagi ng Senior Pastor na Church na iyon na nagbibigay ng karagdagang kaalaman at paniniwala sa Dios. Ngayon mga nasa oras na 10:00 ng umaga nasimulan na talaga ang meeting proper na pinangunahan ng aming Presbyter at tinawag ang bawat department ng aming Section mula sa Men's Ministry, Women's Ministry, Youth Alive at iba pang mga department.

IMG_20220806_125123_050.jpg

Pagsapit ng tanghalian ay nag break muna kamo para makapag pananghalian na ang lahat at salamat sa Dios sa marami ang masasarap na handa ng host church ng meeting namin. Pagsapit ng mga 1:00 naman ay nagpatuloy ang aming meeting at pinagpatuloy ang iba pang mga report at iba pang importanting malaman namin na mga gawain at para makapag handa na din kami.

Talaga namang magandang pagkakataon ito upang mapag usapan namin ang dapat naming malaman lalong lalo na sa mga gawain ng Dios. Mga nasa oras na 3:00 ng umaga natapos ang aming meeting at bago kami umuwi ay nag picture taking muna kami kasama ang ilan sa mga youth pastors at youth ng church na ito.

Pagkatapos naman ng aming Minister's Meeting isang mahalagang gawian na naman ang gagawin namin kasama ang aking pinsan at aking Senior Pastor na si Ptr Dodz dahil merong dalawang taong nag desisyonan sumunod sa Salita ng Dios at magpa Bautismo kaya agad kaming nagpunta sa dagat na kung saan gagawin ang Water Baptism. Ang una nga naming ginawa ay nagpapasalamat sa Dios sa pamamagitan ng mga kanta at sinundan ito agad-agad ng Bible Study na pinanguhan ng aking Senior Pastor na si Ptr Dodz para maintindihan nila ang tootong kahulogan kung bakit sila magpapa bautismo sa tubig.

Ngayong naintinddihan na ng dalawa ang dahilan kung bakit sila magpapa bautismo sa tubig sa pamamagitan ng ginawa naming Bible Study, oras na upang gawin ang nasabing Water Baptism. Ang una ngang binautismohan sa tubig ay ang lalake at sinundan din ito agad ng babae. Nagpapasalamat din kami sa Dios dahil maganda ang panahon dahil hindi malakas ang alon ng dagat at mahina lang ang hangin, kaya naging madali lang ang lahat.

Pagkatapos naman nito ay ilang oras din kami nag stay doon at nag snack muna bago kami umuwi sa aming mga bahay-bahay at salamat sa Dios dahil safe kaming lahat naka uwi.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
Loading...
 2 years ago 

Praise God for those who surrendered their lives to Chrsit! GLory to God alone!

 2 years ago 

Amen jud ate... Salamat jud sa Ginoo. 😇

The author tells us with exquisite pen and conviction that baptism is an ordinance of the Christian faith and with deep joy of dying to the world and living for Christ, they carry out the event in the river and the celebration in the church along with all the ministries that make up the church. This is the most relevant public symbolic act of their faith.
Congratulations to the newly baptized who decided to give public testimony of their faith.

 2 years ago 

Praise the Lord!

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66227.96
ETH 3571.65
USDT 1.00
SBD 3.14