Ang Talambuhay ng Aking Ama | 20% goes to @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago
Hello everyone in the @steemitphilippines community. Hope you are in good health and be safe always. Today I want to share a Story about my father. Hope that you can get a moral lesson about his life.

IMG_20210903_213205.jpg

The youngest of the two siblings of my grandmother. At the time he was in love with a lady named Gloria. Pero hindi siya pinansin kahit anong suyo ang ginagawa. Palagi niya kinakausap ang kapatid nito na si Nila. Magkasama silang kumain pero nandoon din si Gloria. Hanggang na inlove na siya sa kapatid nito na si Nila. Masaya silang nag ibigan kahit kapos sa buhay basta masaya silang magkasama.
Hanggang dumating ang panahon na nagpakasal na sila. Pagkatapos nang kasal ay naninirahan sila sa bukid sa lupain nang aking ama. Biniyayaan sila nang anak na babae. At pagkalipas nang isang at kalahating taon ay nanganak din ang ina ko nang isang batang lalaki.
Palagi sila nasa bukid nagtatanim nang bulaklak at mga gulay. Kaming mga anak ay naiwan sa Lola. Hanggang nadagdagan naman kami nang isang kapatid na babae. Tatlo na ang alagaan ng Lola ko.
Simula ipinanganak ang kapatid kung babae ay naging sagana ang aming pamumuhay. Para may dalang swerte ang kapatid ko. Palagi siya manalo sa sugal at saka maganda ang ani nang kanilang pananim. Nakagawa agad sila nang malaking bahay at may maraming katulong sa taniman at mayroon ding katulong sa bahay. Noon ay nagsimula na akong nag-aaral sa elementarya. Hatid sundo sa katulong sa paaralan.

IMG_20211126_231848.jpg
Canva
At mayroon na din silang malaking sari sari store sa aming lugar. Malakas ang binta nang mga paninda. Kahit galing sa bayan ang mga kapitbahay namin ay doon bibili sa aming tindahan ang mga ito. Hanggang lumago na lumago ito.
Kapag may okasyon sa amin ay may malaking handaan. Halos lahat namin kapitbahay ay makisaya sa amin. Dahil may maraming pera ang aking ama ay marami siyang naging barkada. Hanggang nagkayayaan na pumunta sa isang beerhouse na may maraming babaeng bayarin na nakiki table sa kanila. Isa isa sa kanila ay may babaeng naka table pati ang papa ko. Dahil sa lasing na hindi napigilan kong ano ang nagawa niya sa babae.

IMG_20211126_230830.jpg
Canva

Sa weekend ay palagi siya pumunta doon sa beerhouse kasama ang mga barkada at palagi din nila makita ang babae na naka table niya. Hanggang nagkalapit na ang kanila loob at naging nobya niya. Kahit alam niya na may asawa siya. Nabuntis niya ang babae at nalaman ng ina ko. Galit na galit ang ina ko sa kanya at walang araw na walang away sa bahay.
Noon pa man ay nabuntis din ang ina ko sa pang apat nilang anak. At buntis din ang babae. Hinati nang ama ko ang oras niya sa weekend . Lunes hanggang Sabado ng umaga ay nasa bahay lang siya kasama namin. At pagdating nang Sabado nang hapon ay nandoon siya sa kanyang babae. Palaging sinundan ng ina ko kapag aalis siya. At doon nakita niya kung saan niya ito ibinahay ang babae. At galit na galit siya kumatok sa pinto at binuksan nang babae ay nakita nang ina ko na nandoon ang ama ko sa loob. Agad niyang minura ang ama ko at umalis. Hindi niyang nagawang saktan ang babae basta umalis nalang siya agad. Pagkauwi sa bahay ay nag away naman din sila. Kaming mga anak ay iyak nang iyak dahil nag away naman sila.
Hanggang nakapanganak sila pariho. Ang aking ina ay nagsilang nang batang lalaki sa buwan ng Pebrero at sa buwang ng Marso ay nagsilang din ang babae niya nang isang batang lalaki
Doon nagsimula na humina na ang kanilang negosyo at humina din ang ani nang pananim nila. Kahit may katulong sila sa bukid ay biglang matumal ang ani ng pananim. Hanggang na down na ang negosyo niya at nagsi alisan na ang katulong niya sa bukid.

IMG_20211126_232113.jpg
Canva
Isang taon lang nakalipas ay ubos na ang pera na naipon nila at walang wala na. Parang ang malas na dahil sa ginawa niya sa aking ina.
Ganon pa man ay may contact parin siya sa babae. At pupunta pa din siya sa inuupahan nitong bahay. At ang anak nito ay naiwan sa kamag anak niya sa Danao. Dahil sa kanyang trabaho ay hindi niya magawang maalagaan ang anak nito.
Lumipas ang isa namang taon ay ganon pa man ay palagi parin umalis ang aking ama .
At Laking gulat nang aking ina na biglang dumating ang nag alaga nang anak sa aming bahay at dala dala ang nangangayayat na bata. Parang mayroong sakit. Kaya awang awa ang aking ina sa bata. At gusto niyang ampunin. Dahil Alam niya na walang kasalan ang bata sa nagawa nang magulang. Kaya binigyan niya ito nang pera para paggamot sa bata. Napag alaman namin na nahirapan huninga ang bata dahil maysakit asthma ito. At gumaling ito dahil sa tulong na rin nang aking ina.
Bagamat kapag pumunta ang bata sa amin ay nandoon lang sa kalsada nakatingin sa aming bahay. Maghintay na lumabas ang ama ko. Kapag malaman ng ina ko ay tatawagin niya at papuntahin sa amin. At bigyan ng mga damit at pera.
At wala nang relasyon ang babae at ang aking ama dahil nahuli itong may kasamang iba. At nabuntis din. Kahit pilit na ipina angkin nang babae ang pangalawang anak ay hindi niya ito tinanggap dahil alam niya sa sarili niya na hindi daw sa kanya.
Nadagdagan pa ang aming pamilya na nagkaanak naman ulit ang aking ina. Hanggang umaabot kami na pitong magkakapatid.

IMG20210919160943.jpg

Kahit sa ginawa nang ama namin ay tinanggap pa rin siya nang aking ina dahil gusto niyang buo parin ang aming pamilya kahit sa nangyari. Pinatawad niya ang aking ama nang walang alinlangan.

IMG_20210822_153913.jpg

Ngayon ay may kanilang pamilya na ang kanyang mga anak at saka ang anak niya sa labas ay may pamilya pa din. Pero kahit sa nangyari ay ginagalang parin namin ang aming ama at minahal. Past is past wala na tayong magawa. Ang ating magawa ay mahalin natin sila habang buhay pa.

Sana nagustuhan ninyo ang kwento.

Sincerely Yours

@liamnov

Sort:  
 3 years ago 

It was sad but where only human
Nobody is perfect...Let's just lived life to the fullest🥰 and be happy.....

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 60865.64
ETH 2393.71
USDT 1.00
SBD 2.64