The Diary Game: December, 30, 2022 "Ang Munting Hiling Ng Aking Bunso"

in Steemit Philippines2 years ago

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon mga kapwa Filipino at sa lahat ng miyembro ng komunidad na ito! Sana masaya kayo at nasa mabuting kalagayan. I handa natin ang ating mga sarili na harapin kung ano man ang pagsubok na darating sa ating buhay sa susunod na taon. Sana sa susunod na taon ay sama-sama pa rin tayo dito sa Steemit at palaging magiging aktibo sa ating mahal na kumunidad ang Steemit Philippines.

With my son and my wife

Ngayong araw na ito natutuwa akong ibahagi sa iyo ang aming simpleng family bonding kasama ang aking mahal na pamilya. Dahil bakasyon naming apat ngayon gusto naming sulitin ang mga oras at gusto ng aming mga anak na mag kasama kaming apat palagi. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako masyadong aktibo sa Steemit sa mga nakaraang araw dahil palagi akong naka fucos sa kanila at nag bakasyon din ang aming helper kaya dapat kung asikasuhin ang mga gawaing bahay. Minsan lang din kasi kami magkasama kaming apat na mamasyal dahil sa higit na apat na taon ay nasa ibang bansa ako.

Happy little rider

Sa umaga palang palagi ng sinasabi ng aking bunso na kailangan naming dalhin ang kanyang scooter sa repair shop dahil nasira ang stand nito kamakailan lang. Pagkatapos namin dalhin ito sa welding shop tuwang tuwa siya ng nakita nya ito. Hindi talaga makapag hintay at excited na talaga siyang sakyan ito. Sinabi ko sa kanya na mag shower na siya para makaalis na kami kaagad.

received_5742777109110553.jpeg

Mactan Newtown

Humiling ang aking bunso na pupunta kami sa Mactan Newtown para makapag scooter siya, isa itong exclusive na lugar na madalas naming pinupuntahan dahil napakalawak nito. Hindi lang ito picture perfect kundi perfect din ito para sa mag jogging at picnic. Ang lugar na ito ay kumpleto na rin tulad ng restaurants, hotel, groceries at mga bangko. Ito rin ang lokasyon ng malalaking call center companies dito sa amin. Kahit busy ang lugar na ito napapnatili pa rin itong malinis at tahimik. Dito rin karamihan nag stay ang mga foreigners mula sa ibat ibang bansa.

received_1113670745898350.jpeg

Mactan Shrine

Pagkatapos naming magmunta sa Mactan Newtown ang sumunod naming pinuntahan ay ang Mactan Shrine na ilang hakbang lang ang layo. Napaka historical ang lugar na ito dahil dito ipinagtanggol ni Lapu Lapu ang aming lugar mula sa mga nanghihimasok na pinamumunuan ni Magellan kaya naganap ang madugong labanan na "The Battle of Mactan". Nag iba na ang lugar sa panahong nakalipas. Dahil sa pag unlad ng aming lungsod marami na ang mga gusali na nakatayo sa likod nito. Ang importante pinahalagahan parin sa mga namumuno ang lugar na ito.

With my wife

Pumasyal din kami sandali sa tabing dagat para mag pahangin na rin. Dito kami madalas magkita ng asawa ko noong single pa kami. Sadyang napaka bilis ng takbo ng panahon. Noon kami lang dalawa ang pumupunta dito ngayon kasama na namin ang aming dalawang mga anak. Sana maabutan pa namin ang aming mga apo at tiyak na ipapasyal din namin dito. Naging historical na rin ito pati sa aming personal na buhay.


Jollibee Mactan

Para makumpleto ang araw namin naghapunan kami sa Jollibee Mactan. Alam naman nating mga magulang na paborito talaga ito ng mga bata. Nag order kami ng bucket meal sa halagang 794 pesos kasama na ang drinks dito. Excited silang dalawang kumain at nagpapasalamat sila at pinagbigyan namin ang kanilang mga hiling. Umiwi na kami at tuwang tuwa ang aming mga anak habang pinag-uusapan ang mga naganap sa araw na ito.

Maraming salamat,
@juichi

Sort:  
 2 years ago 

Mr @juichi please check my archievement1 post 🙏🏻

What a cute family you have my brother, you all look cute together. I hope you enjoyed the day so much with family.

Well, I want your and your family always live happily, Wish you a happy new year 2023.

new-year.gif

 2 years ago 

Thank you for your greetings @theentertainer. Likewise, I am also wishing you a Happy New Year and your family. May the year 2023 will brings you good health and success in all your goals.

 2 years ago 

Tama po, family first po muna lalo po at ilang taon kayo hindi nagkasama.

May picture din kami dyan sa mactan new town ang background ay yang mga mahahaba na building hihihi.

Happy New year po sir at ss buong pamilya nyo.

 2 years ago 

Salamat. Malapit lang din kasi sa amin kaya naging paborito ng aking mga anak na pasyalan. Halos linggo-linggo pumupunta kami doon.

 2 years ago 

Merry Christmas and Happy New Year ninyo sir!

 2 years ago 

Hello maam,, Happy New year pud ug sa imo family.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 58167.25
ETH 2358.72
USDT 1.00
SBD 2.36