The Diary Game Season 3 - 29-July-2021 | Masayang Araw Ng Huntahan Online Kasama Ang Mga Kaibigan Sa Steemit Pilippines

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Talagang napakasaya ko sa araw na ito habang nagpapalitan ng mga mensahe kasama ang #SteemitPilippines friends habang nagkukuwentuhan "online" sa pamamagitan ng messenger. Mula umaga hanggang gabi tuloy-tuloy ang usapan habang ako ay gumagawa ng gawaing bahay at nag-aalaga ng aking anak.

Steemit DiaryGame Banner for JoshuelMari.jpg

Di naman masama ang magpaganda di ba? Kahit nasa bahay lang ako kailangan ko rin mag-ayos ng sarili para naman masarap ang pakiramdam at tumaas ang morale ko kahit ako ay sa bahay lang umiikot ang mundo ko kasama ang aking anak at ina na inaalagaan ko. Kailangan ko namang alagaan din ang aking sarili.

Naglalaba ako ng mga damit na hindi pa nalabhan simula noong nakaraang linggo na naiwan sa hamper dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat. Habang niluluto ang aming agahan tumingin ako sa cell phone at nag-backread ng mga pag-uusap mula sa nakaraang ilang oras. Binasa ang mga mensahe sa messenger. Ang kasamahan ko dito sa #Steemit na si @sarimanok ang nabugaran ko. Gaya ng dati, gising pa rin ang "nocturnal lady". Nagulat siyang gising na ako ... hahaha.. Nagpaalam na ito para matulog. Lagi siyang ganyan. Gising sa gabi tulog sa araw...may insomia?
Ito ang palitan namin ng mga mensahe:

image.png

Maya-maya pa ay bumati naman si @olivia08 ng patula. Ito ang kanyang bungad sa akin:

image.png

image.png

image.png

Nagpatuloy ang aming palitan ng mga mensahe ng patula hanggang sa matapos din ako sa aking gawaing bahay. Napakain ko na ang aking anak at ang aking ina ng almusal. hanggang sa pananghalian may palitan pa rin kami ng mga mensaheng patula at nakakatawa. Binibiro ko nga siya na nanggagaling ang mga tulang yaon na nakatago sa isang sulok ng kanyang isipan at basta na lang naibulalas...

image.png

image.png

image.png

Tuloy-tuloy ang aming usapang patula hanggang sa gabi pero syempre pa may mga patlang na oras naman ang mga ito. Kasama na rin namin ulit si @sarimanok, @jb123 at iba pang #Steemians. Natatawa ako sa mga palitan namin ng Visayan Poems dahil hindi ko kinaya ang malalalim na Visayan dialect at huminto na rin kami ng palitan ng tula. Masaya ang buong araw ko, bukod sa nakatapos ako sa aking mga labahing naimbak ng buong linggo, nakapag-bonding pa online sa mga kaibigan ko sa #Steemit.

Kayo mga kaibigan kamusta ang araw nyo? Ingat po tayong lahat. Huwag kalimutan ang magdasal at magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. Mga biyayang tinatamasa natin mula sa Maykapal.

Salamat sa pagbasa at pagdalaw sa aking diary game.

Hanggang sa muli,

@joshuelmari

Sort:  
 3 years ago 

Hi ate @joshuelmari

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong Diary po ay kwalipikado para sa Diary Game contest sa linggong ito (Week 15).

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating Diary Game contest.

Updated Rules and Regulations

Para po makapag patuloy na maka sali sa ating Diary Game contest at sa iba pang parating na mga contests sa community, kailangan mo pong magpa fully verify.

Ito po ang mga detalye kung paano magpa verify.

Verification Process Link

 3 years ago 

Hello madam, hmpff bakit di ako nakasali Jan? hehehe 😊 anyway, lagi nga Naman akong busy huhuhu 😭 hope you enjoyed. Next time group video call tyo hehehe.

 3 years ago 

ngeee! Wala ka naman kahapon? At saka puro kami Bisaya na nagkakagulo kahapon. Si @olivia08 ang nag-umpisa umaga pa lang hanggang gabi bago matulog. basta nakitang nakaonline ako. Saya nga kahapon eh. Sige next time videocall naman mga hapon. Oo nga lagi busy beauty mo di ka na mahagilap. Salamat sa pagdalaw Mod. Ingat lagi.

 3 years ago 

Murag katong gatagay ba ug galon tuba, mugawas ang pagka balaknon ug mangahubog na haha 😂

 3 years ago 

mao gyud, Sis! Murag nahubog mukalit lang ug balak tapos ang mga katagay makanganga lang. sayu pa ra ba gyud kaayo sa buntag nagsugod...hahahaha...

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 years ago 

Thank you so much for including my post and for the support of the Steem Community Curation Project. Has followed @steemitblog. Godspeed.

 3 years ago 

Hala kanindot ba sa atong ginahisgutan pero basin ikaw akong magutad gutad ron ba kay gi post na nimo.

 3 years ago 

hahaha...hoy..wa nako iapil ang uban ana kay kuyaw ko nga imung gutad-gutaron ba... :)

 3 years ago 

Haha gok.jud ba!

 3 years ago 

Unya pa ko matulog :)

 3 years ago 

Nice virtual bonding kahit sa messenger lang po. Need din kasi natin i divert ang attention natin sis, masyadong stressfull ang. Mundo. Keep safe and be pretty all the time 😍

 3 years ago 

Oo nga, Sis. ang munting tuwa na makaBonding mga kaibigan natin kahit Virtual lang ay malaking bagay ding ambag sa heaalth natin. Thanks for dropping. Thank you. Kaw din Be pretty all the time. 😍

 3 years ago 

im always pretty sis pero charot lang, kahit di mag suklay. hehe.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63750.99
ETH 3130.22
USDT 1.00
SBD 3.95