Diary Game Season 3|| February 23, 2022|| Ang Pamimingwit Ko Sa Ilog

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang hapon sa ating lahat mga kaibigan at sa lahat na mga myembro dito sa @steemit at @steemitphilippines.

Bago ang lahat ay nais kong batiin ng maligayang pagdating ang lahat na mga bagong myembro dito sa ating komunidad. Sana ay mag-enjoy kayong magpost at ipamalas ang inyong tinatagong talento dito sa steemit. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking pamimingwit kaninang umaga dito sa ilog. Ito kasi ang libangan ko sa buhay, ang pamimingwit.

IMG20220223150337.jpg

Ang ginagamit kong pa-in ay maliliit na hipon. Ito ang nakasanayan kong gamitin kapag namimingwit ako lalo na si papa. Sa kanya ko natutunan ang mga paraan sa panghuhuli ng isda. Kaya naghanap ako kanina sa ilog at ilang din akong naghanap para may pangpa-in.

Sa wakas sa iilang oras na paghahanap ay nakahuli rin ako kaya nagmadali akong umuwi sa bahay dala ang magiging pa-en ko.

IMG20220223145513.jpg

Agad ko itong inilagay sa matulis na bagay na siyang ginagamit sa pamimingwit. Ito ang isa sa mga paboritong kainin ng isda kaya minabuti na ito ang ginawa kong pa-en. Maganda din ang oud na gagamitin sa panghuli pero ito muna ang hinanap ko. Opsiyon lang ang oud kapag wala talagang nahuli na maliliit na hipon.

IMG20220223145953.jpg

Agad kong inilagay sa malinaw na bahagi ng ilog dahil kadalasan dito matatagpuan ang mga isda. Iyon din ang sabi ng papa ko na dapat dyan din ilagay kaya sinunod ko naman.

Agad kong itinusok sa lupa para hindi matangay ng tubig pero iniligay ko rin sa ligtas na lugar na hindi agad makita ng ibang tao.

IMG20220223150332.jpg

Nang ito ay nailagay ko na sa insaktong lugar ay hinayaan ko muna ng ilang oras. Kaya magkwentohan muna tayo, ang pag-aalaga ng husto sa ating ilog ay magbibigay talaga sa atin ito ng kasaganaan lalo na sa likas na yaman.

Kaya dapat pagyamanin, mahalin at ingatan natin ang kapaligiran para mapakinabangan natin ito.

IMG20220222062623.jpg

Sa hindi inaasahang pangyayari, sa tulong ng Panginoon ay nakahuli ako ng isda na kong tawagin namin ay isdang Bunak. Sulit na ang pananghalian nito at napakaswerte ko talaga dahil nagbunga ang pinaghirapan ko, ang makahuli ng isda.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang hapon sa ating lahat.

FB_IMG_16446334341154879.jpg

Sort:  

Please remove your delegation to steem.skillshare following the user's abuse of the community account and booming support. More details can be found below:

https://steemit.com/hive-108572/@endingplagiarism/another-admin-abusing-their-position-with-booming-support-milakz

 3 years ago 

Thank you for the info..

 3 years ago 

Wow, galing ahh madali Kang naka bingwit, dati namingwit din Ako pero sa dagt Wala akong Huli.

 3 years ago 

Chambahan lang ate.. 😂😂

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 62690.68
ETH 2463.17
USDT 1.00
SBD 2.62