Steemit Philippines Photography Contest Week #4| Black and White Photography|ISANG MABUTI KUNG AMA

in Steemit Philippines3 years ago

B3ADF7D0-F914-442B-AE30-F795F34E0A43.jpeg

Hello po sa inyung lahat especially po nila @long888 @fycee @loloy2020 at si sir @juichi . Ako po si @fruityapple00 from Cebu, Philippines at ito po yung entro ko sa contest na ito.

Ito po yung Papa ko si Edgar at ang trabaho po niya ay isang pintor , itong picture na ito ay nakuha ko po nong nag tatrabaho po siya sa bahay namin . Ito po si Papa 53 years old may limang anak , Apat na babae at isang lalaki at alam niyo po ba nong pandemic 2020 masaya kaming nung sinabi niya na meron pong engr. na kukuha sa kanya para mag trabaho sa isang condo . Masaya kami kasi nong lockdown wlaa po talaga siyang trabahu at ang tanging nag tatrabaho lang nun ay ako lamang po at hindi po enough yung sahod ko para isustento po sa pang araw araw na pagkain . Kaya kahit matanda na si Papa ay nagtatrabaho parin siya bilang isang pintor na kahit minsan alam namin na yung katawan niya ay hindi na msyadong malakas ka gaya ng dati.

Nung nagkatrabaho na po siya ay nakakabili napo kami ng masasarap ba pagkain , at nakakabayad den sa mga bills gaya ng kuryente at tubig. Yung hindi ka gaya nung lockdown na wala tlga . Pero this year lang po nakakalungkot kasi nung buwan ng July nagtataka kami kung bakit lagi siyang natulala at minsan hindi umiimik . Kaya may isang araw na si Mama ay nag kwento sa akin at yun nga dahil sa trabaho niya. Meron pong bagong na hired na 3 pintor . At first ni papa na ginagawa po siyang katatAwanan sa trabaho , at binubully sa mga bagong trabahante . Pilit na kinokontrol ni Papa yung sarili niya na hindi lumalaban sa kanila pra lang po sa amin , para meron pa den siyag trabahu na kahit ginaganyan na po siya ng mga bagong pintor , na kahit po ay pinagsasalitaan na po siya ng masama at sinisiraan na po siya ng mga bagong katrabaho niya pra ma terminate na po siya at sila po yung mag sisilbing leader na at hindi na si Papa.

Hindi po nag salita si Papa sa amin tungkol diyan pero alam namin na nahihirapan siya dahil baka mawalan nanaman siya ng trabahu . Kaya pinilit niyang mag trabaho sa kabila ng mga nangyayari doon pra sa pamilya ng ilang buwan hanggang sinabihan na siya sa engr. Na dalawang araw nalang siya pwede mag trabaho . Nakakalungkot lang kasi kung sino pa yung maayos at hardworking na kahit hindi mabuti yung lagay , or maysakit eh nag tatrabaho parin siya para sa amin , kung sino pa yung matino ay sila pa yung gina ganito sinisiraan at binubully pra sila naman yung mapunta sa taas na position. Nakakalungkot lang na merong mga taong ganyan na pilit sinisiraan ang mga mabubuting tao para lang sa kanilang sariling kapakanan.

Ngayon wla na po trabaho yung papa ko . At hanggang ngayong hindi niya alam na alam namin kung anong nangyari sa kanya sa trabaho. Nakakainspire si Papa dahil kahit matanda na siya at alam niyang meron covid-19 ay pinipilit parin niyang mag trbaho para sa amin hanggat kaya niya, hanggat my lakas pa syang magtrabaho. Nakaka inspire siya dahil kahit anong ginagawa ng mga taong sumisira sa kanya ay hindi siya nanlaban at diyos na ang bahala sa kanila . At syempre sa kabila ng lahat naging positibo parin siya sa buhay na dadating den ang panahon na meron at meron ding taong kukuha ulit sa kanya pra magtrabaho .. :) .Nandito lang kami Papa susuporta pra sa pamilya .

Ini-inbeta ko po si @mariarosa27 @aziel29 at @saneunji pra sa contest nito.

Sort:  
 3 years ago 

My Father died when I was young, napakabuti ng ama mo naaalala ko si Dad sa knaya hehe.
Love your entry din po :)

 3 years ago 

Thank you po

 3 years ago 

Welcome poo

 3 years ago 

Grabeh! This story has struck me and made me plunge into an emotional dive. Salute to all the responsible fathers out there! Indeed worthy of Booming support!
Total Rating: 9.3

 3 years ago 

Thank you po @fycee 😢🥺🥺🥺

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9
Creativity.8.5
Technique.8.5
Overall impact.9
Story.9
Total score.8.8

Hindi talaga maiiwasan ang mga taong ganyan ang ugali.

 3 years ago 

O d bah dae i told you. Grats for joining.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59238.58
ETH 3176.28
USDT 1.00
SBD 2.45