The Diary Game Season 3 (June 05, 2022) Pagbili Ko ng Gamot sa Botika

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Magandang hapon po sa inyong lahat mga kapwa steemians. Kahit na may pagbabago sa routine ko ngayong araw ay nagsumikap pa rin akong maka sumite ng post ko sa araw na ito. Sa kabila ng dagok na dumating sa aming pamilya ngayon ay sisikapin ko pa ring makapag sumite ng aking entry sa diary game bilang isang steemian. Tuloy lang po sa buhay.

20220603_132936.jpg

Maaga akong gumising ngayong araw upang ipaghanda ang aking asawa para sa kanyang almusal. Kinailangan niya kasing mag-almusal ng maaga upang maka inom ng kanyang gamot. Pagkatapos niyang mag almusal ay agad akong nagbihis upang bumili ng kaniyang gamot sa botika. Ika-apat na araw na ngayon simula nung pagpunta namin sa ospital. Di ko namalayan ubos na pala ang gamot na nireseta ng doktor sa asawa ko. Kaya kinailangan kung bumili ng gamot sa botika ngayon. Ma ulan pa naman sa araw na ito ngayon.

20220603_132754.jpg

Pagdating ko doon sa botika ay may maraming nakapila. Dahil huli akong dumating kaya sa hulihan din ako pumila. May customer na nasa unahan na gusto niyang bumili ng gamot kaso nakalimutan niyang dalhin ang reseta niya. Patakaran kasi ng botika na yon na kinailangan ang reseta kapag bumili ng gamot. Wala siyang magawa kundi umuwi na lang sa kanila at kunin ang kanyang reseta. Hindi kasi basta-basta magbigay ng gamot ang botika na iyon.

20220605_194715.jpg

Sumusunod din sila sa patakaran ng may ari. May iba rin kasing botika na ok lang kung wala kang reseta basta sa-ulo mo ang pangalan ng gamot at dosage nito. Kaso yung customer na iyon ay kinakailangan talaga ang reseta.

20220603_132936.jpg

Buti na lang nadala ko ang reseta sa pitaka ko kundi babalik din sana ako. Sa kakamadali ko kanina hindi kona na check ang reseta. Buti na lang hindi ko ito ihiniwalay sa pitaka ko. Laking tuwa ko ng pagtingin ko doon andyan ang reseta sa loob ng pitaka. Pagkatapos kung makuha ang order sa botika ay nagmadali akong sumakay ng dyip at umuwi na sa bahay.

Hanghang dito na lang mga ka-steemian. Iniimbitahan kong magpasa rin ng kanilang diary sa Steemit Philippines Community sina @amayphin, @caydenshan, @manticao. Maraming salamat at magandang araw!

Ang iyong lingkod,
@chibas.arkanghil

Sort:  
 2 years ago 

Get well soon po para sa iyong asawa sis.

 2 years ago 

Salamat sis.

 2 years ago 

sana ok na ang asawa mo sis, hirap pa naman magkasakit sa panahon ngayon. Ingat kayo lagi .

 2 years ago 

Salamat maam. Nasakripisyo gyud ang among steem nga natigom. Nasulbad gyud ang pang laboratory ug tambal.

 2 years ago 

Sana okay na po si sir Ma'am..

 2 years ago 

Get well soon po sa asawa niyo.

 2 years ago 

Salamat po maam.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 64871.83
ETH 2536.52
USDT 1.00
SBD 2.67