THE DIARY GAME SEASON 3 [11-09-21] ANG PAGLIPAT NAMIN NG AMING SOSYAL HALL

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Isang napakagandang araw po sa inyong lahat. Nais ko pong ibahagi sa inyo ngayon ang ginawa ko sa araw na ito.

Maaga kaming nag meeting sa aming sosyal hall ngayong araw. Nagtipon-tipon kaming lahat ng mga opisyales pati na ang mga miyembro sa aming urban poor na asosasyon. Napagdesisyunan kasi namin na pagtulungang ilipat ang aming sosyal hall dahil sa tuwing nagkakaroon kami ng meeting ay sadyang napaka-init nito. Tapat kasi ito sa sinag ng araw tuwing alas tres hapon. Kaya nagdesisyon kami na ilipat ito.

received_1581616492191455.jpeg

Pagkatapos ng meeting ay agad naming sinimulan ang paglilinis sa pwesto na dapat lipatan. Mga lima ka-tao kaming na asign na maglinis doon. Dahil yung iba ay meron din namang mga naka-assign na gagawin o tungkulin. Pagkatapos naming linisan ang lugar na lilipatan ay agad muna kaming nagsipag-uwi upang mananghalian. Pagkatapos ng pananghalian ay naghanda na kami upang buhatin ang aming sosyal hall.

received_1028483131067605.jpeg

Mga bandang ala una nang hapon ay agad din naming sinimulan ang bayanihan. Medyo masigla at malakas na kasi katatapos lang managhali-an. Nagtipon ang lahat ng lalaking miyembro upang magbuhat. Naisipan din naming tatlong babae ay na tumulong din sa pagbuhat nang sa gayon medyo gumaan ang pagbuhat. Kaunti lang kasi ang mga lalaking miyembro ang walang pasok. Kaya simulan na ang bayanihan...

Sadyang napakasaya naming lahat. Dahil sa iilang minuto lang ay napagtagumpayan naming ilipat ito sa mas mainam na pwesto. Masyado kaming nagpapasalamat sa mga miyembro na nakipag-cooperate sa amin at tumulong sa paglipat. Mabuti na lang at nakisabay din sa amin ang panahon kanina pang umaga masyado nang madilim ang paligid. Napaka-kapal ng mga ulap upang bumuhos ang ulan ng mga oras na yon.

received_2059687620848420.jpeg

Mga ilang oras lang pagkatapos ng aming paglipat ay bumuhos ang ulan. Napakalakas nito. Buti na lang at agad naming sinimulan ang aming paglipat kung hindi ay naliligo sana kami sa ulan hahha.. Napakaganda talaga ng timing namin.

Ang pagkaka-isa ay ang nagsilbing sandata upang makamit at matagumpay itong nai-lipat ang aming sosyal hall. Nasa dugo na talaga ng mga Pilipino ang pagiging kulturang "bayanihan".

received_409920757506578.jpeg

Hanggang dito na lang po. Maraming salamat po.

Inimbitahin ko sina @jeanalyn, @jenniferocco, @amayphin.

Gumagalang.

❤❤

@chibas.arkanghil

Sort:  
 3 years ago 

Shared on my twitter.

20211109_193514.jpg

 3 years ago 

Ka active sa mga membro friend, unsa kahay gemeetingan. Padung na ba fiesta? Heheh

 3 years ago (edited)

O friend mga kugihan pud kaayo.

 3 years ago 

Hello @chibas.arkanghil 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 21 ng Contest.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Napakagandang tingnan na nagtutulong-tulong ang lahat. 😊

 3 years ago 

Daghang salamat pud @jb123.

 3 years ago 

Walay sapayan Ma'am. 😊

 3 years ago 

Makahappy kaayo magbasa ug maglantaw ug inani story ug pictures ai. Buhi jud kaau ang Bayanihan ilabi na sa probinsya.

 3 years ago 

Oh maam, Nakatatak na jud ni sa mga Pilipino ang bayanihan spirit. Salamat sa pagbasa ug pagbisita maam.😊

 3 years ago 

parang nag babayanihan ang inyong ginawa. mabuti at naging matagumpay ang inyong pag lipat sa nasabing hall.
Maligayang araw sa inyong lahat.

 3 years ago 

Tama ka kaibigan. Maraming salamat sa pagbisita.

 3 years ago 

Congratulations @chibas.arkanghil,
This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue making quality posts here at Steemit Philippines Community. Remember to always follow the #club5050 rule for more chances of curators' upvote. Link

Show your support by delegating your steempower to our community.

20211105_215049_0000.png

Delegate 50 SP | Delegate 100 SP | Delegate 150 SP | Delegate 200 SP | Delegate 250 SP | Delegate 300 SP | Delegate 350 SP | Delegate 400 SP | Delegate 500 SP | Delegate 750 SP | Delegate 1000 SP

 3 years ago 

Maraming salamat po!

 3 years ago 

Pag tayo talaga ay nagkakaisa, walang gawain o goal na hindi natin maaccomplish.

 3 years ago 

Tama po kayo diyan. Nagiging magaan ang mabigat at nagiging madali ang mahirap. Kapag mayroong pagkakaisa.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 61436.95
ETH 3388.33
USDT 1.00
SBD 2.49