THE DIARY GAME SEASON 3 (10-01-21) ANG PINAGHANDAANG KAARAWAN NI INA

in Steemit Philippines3 years ago

Isang pinagpalang biyernes po sa inyong lahat. Ako po ay nagagalak na magbahagi ng isang napaka espesyal po na araw ng aking Ina. Ngayon po ang araw na ito ay maituturing kong isa sa pinakamasaya kong araw. Upang malaman po ninyo ganito po ang nangyari....

20211001_154537.jpg

Ang isang Ina ang tinaguriang ilaw ng tahanan. Itinuturing natin siyang isa sa mga gabay ng mga anak. Opo totoo po iyon. Napatunayan po yan ng nanay namin. Ngayong araw October 01, 2021 nagdiwang po ang nanay ko sa kanyang ika-animnaput lima niyang kaarawan. Kaming mga anak pinaghandaan namin iyon. Nawalan man siya ng katuwang sa buhay 15 taon na ang nakalipas ngunit hindi namin yon ipinadama sa kanya na nag-iisa siya. Sa 15 taong iyon hindi rin namin nakita sa kanya ang kahinaan at pagsuko sa buhay. Patuloy niya pa rin kaming itinaguyod at inaalagaan kahit pa may mga pamilya na. Kaya naman may kaunti kaming pa sorpresa sa kanya ngayong kaarawan niya.

PAMIMILI SA PANG REGALO

20210929_111714.jpg

20210929_111944.jpg

Kahapon mga alas 2:00 ng hapon naisipan naming magkakapatid na bumili na ng pang regalo ni mama sa kanyang kaaraawan doon sa mini-convenient store. Napagkasunduan kasi namin na isang kartong grocery ang e regalo namin sa kanya. Kahit medyo hirap sa buhay ay nag ambag ambag kaming magkapatid para makalikom ng isang kartong grocery. Imbis na money cake ay grocery na lang para may magamit sila sa pang araw-araw.

PAGBABALOT SA AMING PANG REGALO

20210929_161046.jpg

20210929_160752.jpg

Pagkatapos naming bumili sa pamilihan ay umuwi na agad kami sa bahay para balutin ang aming napamiling grocery. Ipinagdikit-dikit namin ito upang sa paghila niya ay hindi ito napuputol. Hindi pala madaling magbalot ng isang malaking karton. Hindi ito kaya ng isang tao lang.

OCTOBER 01,2021 [ PAGHARANA KAY MAMA]

received_247626293992544.jpeg

received_926014148260046.jpeg

Alas 4:00 pa lang ng madaling araw gising na ako. Ginising ko na rin ang aking mga anak. Napagplanohan kasi naming mangharana kay mama. Kaming mga anak pati na rin mga apo. Nakarating kami sa bahay ni mama mga bandang alas 5:30 na kasi naghanda pa kami ng bulaklak na ibigay kay mama. Gawa kasi ng wala na kaming pambili ng bulaklak. Ang ginawa namin nanghingi na lang kami ng mga ganitong bulaklak na tumubo sa bakuran ng kapit-bahay namin. Dinikitan namin ito nang candy na paborito ni mama ang "snowbear". Nagtagumpay naman ito. Nagising si mama sa pasi-una naming sorpresa para sa kanya.

PAGHAHANDA SA AMING MAKAKAIN

received_4379628362127217.jpeg

20211001_212054.jpg

Kaunti lang ang inihanda naming pagkain. Sapat lang ito para sa amin at sa mga apo ni mama. Lumpia, menudo at siyempre di mawawala ang pansit. Ito ay palaging present sa tuwing may kaarawan. Di ko na ihanda ang specialty ko ma gulaman kasi masyado akong naging abala sa paghahanda ng iba pang kailangang gawin.

PAGBUBUKAS NI MAMA NG SORPRESA

20211001_154215.jpg

20211001_154205.jpg

Habang nilalayo ng mga apo niya si mama abala naman kami ng kapatid ko upang ihanda ang mesa at yong pangalawa naming sorpresa kanya. Ang isang karton na grocery. Maya-maya ay pinatawag na namin si mama upang makita niya ang pangalawang sorpresa na naghihintay sa kanya. Kinantahan na namin siya at pinabasa namin sa mga apo ang kani-kanilang mga mensahe sa kanilang birthday card para kay mama. Habang nakavedio ay hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Lalong-lalo na dun sa parte na binuksan na ni mama ang isang karton ng grocery. Hindi ko maibahagi ang video kasi selpon ng asawa ko ang ginamit ko at hindi ako marunong mag upload ng video.

Napakasaya ng lahat. Lalong-lalo na ako dahil nagtagumpay ang mga pakulo namin. Sana sa mga mambabasa diyan kahit po sobrang hirap na dinanas natin sa buhay huwag po nating balewala-in ang mga special na selebrasyon sa buhay ng ating mga ilaw sa tahanan ang ating "INA". Magandang gabi po.

Salamat po sa pagdaan ng aking post. Iniimbitahan ko ang aking mga kaibigan sina: @yen80, @shikika, @laily.lariosa na sumali din sa pa contest ng diary game.

Lubos na gumagalang,
@chibas.arkanghil

Sort:  
 3 years ago 

Walang katumbas na kasiyahan ang makikita naman talaga sa mukna ng iyong nanay,Happy birthday po and God bless

 3 years ago 

Opo...ang mga mata niya ay puno ng kaligayahan sa mga oras na yan. Luha ng kaligayahan ang aming nakitang tumulo sa mga mata niya.

 3 years ago 

talaga namang nakakainspire maam

 3 years ago 

Salamat sa pagbisita sa aking post sir.

 3 years ago 

walang anuman po maam

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 62040.10
ETH 2417.02
USDT 1.00
SBD 2.58