THE DIARY GAME SEASON 3 ( 01-16-22 ) PAG-RECYCLE NG TIRANG PINTORA

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw at kumusta kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Ngayong araw ay ibabahagi kona naman ang aking diary.

20220116_095630.jpg

Gumising ako ng maaga, naligo at nag almusal. Naglinis sa loob ng bahay. At sa aking paglilinis nakita ko ang dalawang pintora sa may gilid ng pinto. Bigla kong naalala na ito pala ay tirang pintura ng kamag-anak ng asawa ko na dinala namin sa bahay. Noong nakaraang buwan kasi bago pa mag bagyong odette ay kinontak kami ng kamag-anak ng asawa ko sa probinsiya at naki-usap na pwede ba daw pintorahan namin ng bago ang kanilang bahay dito sa siyudad dahil papa-upahan nila ito. Kaya kaming dalawa ng asawa ko ang nag retouch at nagpintora sa kanilang bahay. Hindi naubos ang pintora kaya dinala namin ito sa bahay at ngayon ko lang natandaan ito.

20220116_100035_mfnr.jpg

20220115_091126.jpg

Binuksan ko ang isang pintora at nang makita ko na pwede pa itong e pintora sa mga gamit. Nakita kong medyo natanggal na ang pintora ng aming mga upuan kaya naisip ko na ito na lang ang pintorahan. Bale tatlong upuan ang kinailangang pintorahan. Inilabas ko ang mga upuan sa labas ng bahay at mayat-maya pa ay nagsimula na akong mag pintora. Noon ng nagmasid ako sa aking asawa na nagpintora ng bahay ay nasabi kong napakadali lang gawin. At ngayon, nasabi kong napakadali tingnan pero mahirap din pala gawin. Hehehe... masyadong nakakangalay ng kamay. Pahinto-hinto ako sa pag-pintora. Masyado ring napaka-init sa lugar na aking napili kung saan magpipintora. Kaya naman halos mag isang oras ko natapos yung isang upuan hahaha... panay rin ang tingin ko sa kamay ko dahil may pagkakataong masagi ito sa pintora. Pag pasensyahan niyo first timer eh.. Nang matapos mapintorahan ang isang upuan ay nagpahinga na naman ako. Sobrang sakit kasi ang init ng araw.

20220116_112543.jpg

20220116_112759.jpg

20220115_094202.jpg

Bandang alas onse e medya ko natapos ang dalawang upuan. May isa pa akong upuan na hindi natapos kaya naisipan kong bukas na lang ipagpatuloy ito. Konti na lang talaga ang pintora na natira pero sa tingin ko magkakasya ito. Ibinilad ko sa araw ang mga upuang napintorahan bago ko ito ipapasok sa bahay. Haayy ang sarap sa pakiramdam na tingnan ko ang mga upuan na pinaghirapan kong pintorahan. Ang upuan na medyo luma na tingnan ay napaganda ng isang tirang pintora. Siya nga pala ang pintorang iyon ay para lamang sa semento ngunit napakinabangan ko pa ito at napaganda pa nito ang aking mga upuan. At hanggang dito na lang para sa araw na ito. Kahit pano ay may natutunan ako ngayong araw. Huwag agad itapon ang mga bagay na pwede pang mapakinabangan dahil di niyo alam ay may silbi pa ito sa ibang bagay.

20220116_100012_mfnr.jpg

Iniimbitahan kong sumali at magpasa ng kanyang diary sa araw-araw sina @agentlin423, @jennifferocco @jeanalyn.

Muli, ito ang iyong kapwa-steemian.
D5zH9SyxCKd9GJ4T6rkBdeqZw1coQAaQyCUzUF4FozBvW8dAXsVcjyhwY1SGpeDmR7CXZwk1QtL4uJjYPrxe925gsMe6NjQxSQY3RDiRYB3t6FzwjcUxPU6woCW21JrXR12LGm.gif

Sort:  
 3 years ago 

Naging bago ulit friend. Kung pangsemento yan, di ba siya natatanggal agad pag napintora sa kahoy?

 3 years ago 

Madaling matatanggal siguro maam pag palaging nababasa. Pangsamantala lang maam habang wala pang pambili hehehhe.

 3 years ago 

galing naman mam... Great job, isang napakafruitful na araw talaga

 3 years ago (edited)

Salamat po maam. Ayaw ko sana e pintora sa upuan yan kasi sabi ni natz04 para sa semento na pintora yan. Sinubukan ko pa rin... hahaah ok raman pud tan-awon. Ni gwapa gamay among bangko.

 3 years ago 

Mukhang bago na ulit ang upuan! Habang pwede pang magamit, gamitin pa dapat, kaysa naman itapon. Sayang talaga.

 3 years ago 

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

RequirementsRemarks
#steemexclusive✔️
#club5050✔️
Verified Member✔️
Word Count443
Using bot
PlagiarismPassed

Congratulations!

Luzon Moderator
kneelyrac

 3 years ago 

Good job Maam kahit nabilad ka sa araw hehe

 3 years ago 

Hello po 😊😊

Status
#steemexclusive: ✅
verified member: ✅
using bot: ❌
plagiarism: 100% original

Rate: 9.6

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.031
BTC 81902.55
ETH 3151.58
USDT 1.00
SBD 2.83