STEEMIT PHILIPPINES PHOTOGRAPHY CONTEST WEEK # 4|BLACK AND WHITE PHOTOGRAPHY| PARAAN NG PAGDIWANG SA KAARAWAN NGAYONG NEW NORMAL| 10% PAYOUT GOES TO @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Maligayang araw sa lahat ng steemian dito sa Steemit Philippines community. Gusto ko pong pasalamatan ang bumubuo sa patimpalak na ito na si @steemitphcurator at pati na rin sa mga steemians na sumusubaybay at sumusuporta sa komunidad na ito. Ito nga pala ang aking pangalawang entry sa temang Black and White Photography.

20210917_162444.jpg

Ang pagdiwang ng kaarawan. Kung saan ang mga kasapi ng pamilya at ang may kaarawan ay nakaugaliang pumunta sa simbahan para magpasalamat at mag aalay ng dasal sa diyos. Nagawa na namin iyon ng anak ko pero kaming lang dalawa habang sa bahay ay abala ang asawa ko sa paghahanda. Bumili ako ng cake kasi may kaunti akong ipon na natira. Malaki talaga ang kaibahan noon kumpara sa ngayon. Noon kapag may kaarawan dito sa amin ay luluwas ang mga kamag-anak para dumalo sa kaarawan at upang magkaroon ng salo-salo.

Ngayon bawal na ang pagtipon-tipon. Kahit pa ay GCQ na o General Community Quarantine ang aming lugar ay ipinapatupad pa rin ang social distancing at mga health protocols. Dahil sa tuwing may pagtitipong nagaganap nawawala na ang social distancing sa isat-isa. Kaya sa ngayong kaarawan ng anak ko ay minabuti naming mag asawa na hindi na lang mag imbita ng mga kamag-anak namin doon sa probinsiya. Pamimsan-mimsan din kasi nag ro-robing ang mga pulis sa bawat lugar.

Naghanda na lang kami ng tama lang para sa miyembro ng aming pamilya at yong tama rin para sa malapit na kapitbahay. Ipinagdiwang namin ang kaarawan ng anak ko ng kami lang upang maiwasan ang pagtitipon. At gayundin din ang hawaan sa virus na covid 19. Dinalhan na lang namin ng kaunting ulam ang nanay ko kasi medyo malayo ang bahay nila sa amin at ang limang kapitbahay namin. Di rin kasi medyo kalakihan ang naipon namin para sa kaarawan ng anak ko. Noon kapag malayo pa ay masyado naming pinaghahandaan ngunit ngayon ay limitado na.

Naninibago ang aking anak kasi nasanay siya noon na may maraming bata na dadalo sa kaarawan niya. Ngunit ipinapaliwanag naming mag asawa na kailangan tayong sumunod sa pamantayan ng pamahalaan dahil para rin ito sa sarili nating kapakanan. Di lang siya ang nagdiwang ng kaarawan na ganito kundi lahat naman. Ang importante ay buo, malusog at ligtas ang buong pamilya. Nakita naman namin sa mukha niya na naintindihan niya at mukhang masaya naman siya sa paraan ng pagdiwang namin sa kanyang kaarawn.

☆Laging Tandaan☆

Ang dobleng pag-iingat ay hindi nakakasama sa atin. Ang pagsunod ng mga patakaran na inihahain ng gobyerno ay palaging sundin at huwag balewalain dahil itoy nakakatulong sa atin. Sa panahon ngayon hinde biro ang mahawaan ng covid 19 at huwag gumawa ng sariling patakaran dahil di mo alam kung sino ang matatamaan.

Ito ang inyong steemian na nagsasabing "Okay lang magdiwang ng kaarawan ng kayo lang upang covid 19 ay matuldukan. "

Iniimbita kung sumali sina @lemjoo, @amayphin, @melinjane dito sa patimpalak na ito.

Muli ang iyong lingkod,
@chibas.arkanghil

Sort:  
 3 years ago (edited)

Hello po Sir @chibas.arkanghil 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong blacknwhite photography contest sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 4.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

At mas masarap ang kainan kapag kompleto ang pamilya, Happy Birthday po pala sa nagdiwang ng kaarawan sa kasapi ng inyong pamilya nyo po. Godbless you all. 😊

 3 years ago 

Hello @jb123 babae po ako hehehe.

 3 years ago 

Pasensya na po 😁

 3 years ago 

Okay lang hehehe para naman kasi lalaki yong username ko😆

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9.5
Creativity.9
Technique.9
Overall impact.9
Story.9.5
Total score.9.2
 3 years ago 

Despite the pandemic, seeing those smiles from your family members is priceless! Gives us more motivation in life.
Total rating: 9.3

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59238.58
ETH 3176.28
USDT 1.00
SBD 2.45