STEEMIT PHILIPPINES PHOTOGRAPHY CONTEST WEEK 3: BAYANIHAN SA AMING ASOSASYON

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga po sa lahat ng miyembro na mga Pilipinong steemian.

20210901_144350.jpg

Isa sa mga kulturang Pilipino na nakaugalian natin ay ang pag bayanihan. Likas sa ating mga Pilipino ang pagtutulungan sa isat-isa na namamana pa natin sa ating mga ninuno. Ang larawan pong ipapakita ko sa inyo ay isa sa mga katibayan na patuloy pa ring nagaganap ang bayanihan sa ating henerasyon ngayon. Sila po ang mga kasamahan ko sa Asosasyon. Nagtulong tulong kaming naglinis at namulot ng basura dito malapit sa lugar namin. Pinamumunuan ito ng aming leader para magkaroon tayo ng malinis at magandang kapaligiran.

Halos lahat ng miyembro namin ay dumalo sa araw na iyon at may kaniya kaniyang dala na panglinis. Yung iba sa kanila ay galing pa sa kani-kanilang mga trabaho, pumunta talaga sila para tumulong. Ang pagtutulungan sa isat-isa ay nakakagaan at nakakapagpabilis ng trabaho. Lahat ng tao dito sa larawan ay bukal sa kanilang loob na makiisa at tumulong kung saan isa sa mga ugali ng bawat Pilipino na nangingibabaw noon at magpang hanggang ngayon. Madalas din itong masaksihan mo sa mga tao sa probinsiya.

Noong magkamuwang ako dito sa mundo tinuruan ako ng magulang ko na tumulong sa mga nangangailangan ng tulong hindi lamang pang pinansyal kundi yung mga nangangailangan ng presensya ko ng walang hinihinging kapalit at bukal sa loob. Hanggang sa tuluyan ko itong nauunawaan nung tinuro sa amin ng mga guro sa paaralan. Hanggang sa ngayon may sarili na akong pamilya. Itinuro ko rin ito sa mga anak ko. Na ang pagtulong sa kapwa tao o pag bayanihan ay sadyang napakasaya at napakagaan sa kalooban.

Napakasaya kong masaksihan na hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin ito sa mga tao dito sa amin. Lalong-lalo na kapag nagpatayo ng bahay ang mga ka miyembro namin dito sa asosasyon. Walang sapat na pera pang suhol ng karpentero para sa pagtayo ng bahay. Kaya ng bayanihan kaming lahat na mapa tayo ang bahay ng isa sa ka-miyembro namin.

Sa katunayan sa susunod na buwan napagkasunduan namin na mag bayanihan para sa pagpatayo ng aming kapilya sa asosasyon. May mga ka miyembro namin na ng donate ng semento at hollow blocks dahil marami silang sobra na materyales nung nagpatayo sila ng bahay. Normal na talaga sa bawat Pilipino na tumulong sa kapwa dahil nakatatak na ito sa puso't isipan nila. At bilang isang Piipino sobrang ipinagmamalaki ko iyon.

Iniimbitahan ko nga palang mag pasa ng kanyang entry sa contest na ito sina: @amayphin, @dewberry, @richel

Hanggang sa muli, ang iyong lingkod:
@chibas.arkanghil

Sort:  
 3 years ago 
Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme7
2. Creativity7
3. Technique6
4. Over all impact6
5. Quality of story7
6. Total score6.6
 3 years ago 

Thank you for the ratings sir.

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Culture
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/408 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme8
2. Creativity8
3. Technique7.5
4. Overall impact8
5. Quality of story7.8
Total Ratings/Score7.86
 3 years ago 

Salamat po.

 3 years ago 

Proud pinoy here 🇵🇭🇵🇭🇵🇭

 3 years ago 

Yes sir, mabuhay ang mga pinoy.

 3 years ago 

Mabuhay ma'am!

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 3.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

God Bless po!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.13
JST 0.026
BTC 57419.72
ETH 2441.05
USDT 1.00
SBD 2.41