Steemit Philippines Photography Contest Week #2 (Throwback Memories @Mactan Newtown)

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga po sa inyong lahat. Sana po ay nasa mabuting kalagayan kayo lahat.
Talaga namang napakagandang balik-balikan ang mga nakaraan. Ang larawan pong ibabahagi ko sa inyo ay kuha noong taong 2017. Wala pa pong covid-19. Mahilig po akong magtago ng mga larawan lalaong-lalo na't meron po itong masaya at di malilimutang nakaraan.

20210817_123513.jpg

Ang larawan pong iyan ay nasa harap ng 7-eleven na itinayo mismo sa loob ng gusaling Mactan Newtown. Nangyari po iyan ng binisita po kami ng biyenan kong galing sa probinsya. Lumuwas sila ng bayan para maipagdiwang namin ng kumpleto ang kaarawan ng asawa ko at para na rin mabisita niya ako sa pagbubuntis ko ng bunso kong anak. Wala kaming handa sa kaarawan ng asawa ko kaya naisipan naming ipasyal na lang sila sa bagong pasyalan na malapit lang sa amin. Nagkaton ding sa araw na iyon ay ang unang pagbubukas ng Alfresco na itinayo sa harap ng 7-eleven at pareho ring nasa loob ng Mactan Newtown. Sadyang napakasaya naming lahat diyan. Dahil yung kasama namin na lalaki diyan na katabi nang nakasumbrero tapos naka itim siya. Kapatid siya ng biyenan kong babae. Hinding-hindi ko talaga siya makakalimutan kasi siya yung dahilan na malapit akong manganak ng maaga. Kasi naman, ikukwento ko na ang lahat hahaha. Pagkatapos naming kumain diyan ng binili namin na ice drop sa 7-eleven naisipan naming lumipat sa Alfresco kasi para malaman kung bakit naghihiyawan ang mga tao. Yun pala ay may pa patimpalak silang ginawa para sa kanilang pagbubukas. 1 kilo ng litson baboy ang premyo sa bawat mananalo. Naisipan ng tiyuhin ko na sumali sa patimpalak ng sa gayon magkaroon kami ng handa sa kaarawan ng asawa ko. Ang patimpalak ay hulihin yong biik habang nakapiring ang mga mata at ang dalawang kamay ay basang-basa sa mantika. Talagang ang dami kung tawa sa tiyuhin ko kasi sa bawat pagsubok niyang hulihin ang biik lagi siyang nadadapa. May pagkakataon pang hinuli niya ang puwet ng kanyang kalaban. Lahat ng kalaban niya ay puri mga millenials. Lahat kami nakasigaw para e dereksyon siya kung nasaan yung biik. Tawang-tawa ako at ang lahat ng nanonood. Mangiyak-ngiyak na ako sa pagtawa nang biglang sumakit ang tiyan ko sa kakatawa. Napansin pala ako ng asawa ko na nakahawak ako sa tiyan ko. At nang sinabi ko sa kanya, parang manganganak na ako nataranta siya at sinabihan niya ang biyenan ko na uuwi na kami. Pag uwi namin sa bahay ay pumunta agad kami sa bahay-paanakan at mabuti na lang sinabi ng kumadruna na hindi pa ako manganganak. Yung sakit na nararamdaman ko ay bunga lang ng masayadong pagtawa... at hanggang diyan na lang nagtatapos ang napakasaya at di malilimutang pangyayari ng buhay ko noong panahon pa ng larawang iyan.

Ang iyong lingkod,

@chibas.arkanghil

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Para po sa karagdagang Impormasyon at iba pa nating contest, pakibasa po sa link sa ibaba.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Thank you🙏

 3 years ago 

I love the way that your family members still try to smile while eating the ice-cream. Indeed an unplanned photo-shoot to remember. Thank you for sharing.

 3 years ago 

Thank you maam,.

 3 years ago 

Ang saya saya ninyo inggit ako sobra.

 3 years ago 

Hehehe. Thank you po maam, sa sobrang saya halos manganak ako ng wala sa oras diyan hahaha...

 3 years ago 

Malapit lang pala bahay nyo sa 7/11 maam? Palagi kami andyan ng asawa ko. Hindi masyado maraming tao.

 3 years ago 

Yes sir, nilalakad lang namin papunta doon. Mga tantya ko 1km. ang layo ng 7/11 sa bahay namin.

 3 years ago 
PanuntunanPuna
1. Theme
2. Verified
3. Proper Title
4. Posted on Steemit Philippines
5. Only 1 photo
6. Proper tagging/steemexclusive
7. No. of words459
8. No. of entries1
9. Plagiarism ratepassed
10. Curators rate8.7
 3 years ago 

Thank you for the rate sir juichi.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68523.63
ETH 3260.51
USDT 1.00
SBD 2.66