STEEMIT PHILIPPINES COMMUNITY MINOR CONTEST OF THE WEEK : "MY MOST AMAZING CHRISTMAS PHOTO" (12-06-21) || ***CHRISTMAS TREE SA TABI NG BELEN***
Isang napakagandang hapon po sa inyong lahat. Sana po ay nasa mabuti po kayong kalagayan. Ika nga nila" may bago mang virus na parating basta laban lang at magdasal sa poong maykapal kayang-kaya iyan.
Pasko ay papalapit na. Ang lahat ay handang-handa na sa paparating na pasko. Ang larawang ito ay kuha ko lang kaninang umaga. Ito ang naisipan kong e entry dahil para sa akin ito ang aking pinaka amazing ng larawan na kuha ko. Ito ay ang Christmas Tree sa tabi ng belen at ako. Pagkakita ko sa christmas tree na ito ay hindi ako nagsayang ng pagkakataon na magpa picture. Sobra ko talagang hanga sa gumagawa nito. Hindi rin nagpahuli na magpakuha ng larawan ang aking kapatid. Sobra rin siyang humanga. Ang higanteng christmas tree na ito at napakagandang belen ay kasalukuyang nakatayo sa may entrance ng lapu- lapu city police station. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako napunta sa police station hehehe...Pumunta kasi kami doon sa Lapu-lapu City Hall upang salubungin ang sikat na yorme ng manila na si Yorme Isko Moreno. Sa bandang gilid ng city hall ang police station. At nang matapos naming salubungin si yorme ay nakita namin ang mataas na christmas tree na ito.
Talaga namang napaka maparaan talaga ang mga pinoy, dahil kitang-kita sa larawan na talagang napaka hirap ng paggawa ng belen na gawa sa tuyong dahon. Ang Christmas tree na tantiya ko ay malapit nang umabot sa ikalawang palapag ng building. Umiilaw din ito pag gabi. Mga pulis raw ang nagtulong-tulong sa paggawa nito. Sana ay magkaroon rin ako ng oras na kuhanan ito habang naka on ang mga christmas lights. Lalong-lalo na ang mga christmas lights sa belen. Hanggang dito na lang, sana po ay magustuhan niyo ang aking entry... maraming salamat po. 20% sa post na ito ay para kay steemitphcurator.
Iniimbitahan ko sina @junebride, @caydenshan, @lealthafaith na magpasa rin ng kanilang entry.
Ang iyong lingkod,
The pine tree and the art work next to it are both wonderful. Good luck to the one who made it. Thanks for sharing. The economic effects are great in the country I live in. I hope the virus ends as soon as possible. 😊
Your welcome friend. Thanks also for dropping!
bitaw maka amaze ni nga Christmas tree ba... makalipay jud siya🙂
Nindota sa Belen ug sa Christmas tree...enjoy!!!
Lage sir. Grabe kaayog initiative ang ating mga kapulisan.