"POST A PHOTO OF YOUR MOBILE PHONE CHALLENGE" | SELPON KO NOON AT NGAYON

in Steemit Philippines2 months ago

Magandang Araw sa lahat ng mga kapwa ko steemians sa komunidad na ito. Ako po ay nagagalak na sumali sa patimpalak na ito. Sana ay magustuhan niyo po ang aking kwento tungkol sa aking selpon.

SELPON KO NOON: iPhone

20211115_151210_mfnr.jpg

20211115_171032.jpg

Pinapakilala ko ang aking selpon na iphone ,mahigit tatlong taon kong napakinabangan. Bigay sa akin ito ng aking sister in law. Pinagluma-an ng kanyang asawa kasi meron sana akong selpon ngunit ninakaw ito mismo sa bahay namin. Naisipan niyang ibigay sa akin ito para makatulong sa aking pag post sa steemit. Ang selpon na ito ay talagang napakatibay, at maalaki ang na-iambag nito sa akin. Kahit ilang beses pa ito bumagsak, kita niyo na man kahit may malaki nang tipak na sa ulo nito ay gumagana pa rin ito. Malinaw pa rin ang kanyang camera. Kaso lang madali itong ma lowbat. Kaya kina-ilangan ko itong palitan. Malaki rin ang naitulong sa akin ng selpong ito, hindi lamang sa pakikipag communicate sa mga guro ng aking mga anak kundi malaki rin ang naitulong nito sa paggawa ko ng post sa steemit.

Naalala ko pa ang unang pagkahulog nito. Napaka memorable niyon sa akin. Kaya nga ayaw ko na kumain ng halo-halo hehhee joke lang. Kumakain kaming mag-pamilya ng halo-halo noon. At hawak ko ang selpon na ito ng biglang natapik ng anak ko ang halo-halo ko. Sa pigil ko na huwag matapon ang halo-halo binitawan ko ang selpon ko hahahhaa. Na save ko yong halo-halo kaso hindi ko na save ang selpon ko😂😂. Bumulagta ito sa baba at kaya nabasag ang sa may ulo nito. Buti na lang pag start ko ay okay pa at gumana.

SELPON KO NGAYON: SAMSUNG GALAXY A02s

20211115_153719_mfnr.jpg

20211115_163722.jpg

Ngayong taon lang buwan ng Agosto, Meron akong na-ipon sa aking steemit wallet. Ito yong mga reward ko sa aking mga nagawang post. Naisipan ng asawa ko na e cash out para may maihanda ako sa aking kaarawan. Nang pauwi na siya ay hindi ko akalaing may pa sorpresa pala siya sa akin. Pinagplanohan na pala niya ito. Ibinili niya ako ng bagong selpon. Kaya naman malaki rin ang naitulong sa akin ng luma kong selpon dahil sa pamamagitan ng aking lumang selpon hindi ako maka post sa steemit at maka-ipon upang makabili ng bagong selpon na pwedeng-pwede sa steemit. Pinalitan niya ng SAMSUNG GALAXY A02s ang luma kong selpon. Kaya naman yong luma kong selpon ay ibinigay ko sa aking panganay na anak dahil hindi pa naman ito sira at pwede pang magamit.

At hanggang dito na lamang po ang storya ng aking selpon. Iniimbitahan kung magbahagi rin ng storya ng kanyang selpon sina @caydenshan, @sweetmaui, @roselyn028, @momshie85, @jeanalyn.

Lubos na gumagalang,

D5zH9SyxCKd9GJ4T6rkBdeqZw1coQAaQyCUzUF4FozBvW8dAXsVcjyhwY1SGpeDmR7CXZwk1QtL4uJjYPrxe925gsMe6NjQxSQY3RDiRYB3t6FzwjcUxPU6woCW21JrXR12LGm.gif

Sort:  
 2 months ago 

Wow ang ganda naman ng cellphone nyo po. 😊

Maraming salamat sa pagsali sa ating contest dito sa @steemitphilippines. 😊

 2 months ago 

Hahaja thank you @jb123. Gikan sa steemit gihapon ang gipalit nako ana dong.

 2 months ago 

Wow, dako kaayo gyud ang ikatabang sa steemit. 😊

 2 months ago 

Sakto jud ka @jb123. Makasolbad sa mga financial problem.

 2 months ago 

wow ganda ng story mo bro... very inspiring. Kaya ipagdasal natin sana mag tatagal talaga ang steemit.

Contest entry verification:

RulesRemarks
1. set 20% post payout to steemitphcurator
2. steemexclusive
3. posted at Steemit Philippines
4. at least 300 words
5. contest title
6. verified user
7. commented the post link
8. invited at least 5 friends
9. tags used

Thank you so much for joining this contest. I wish you good luck!

 2 months ago 

Maojud maam. Salamat

 2 months ago 

Siguru pag ako rin, isisave ko yung pagkain. Hehehe. Congratulations sa bago niyo pong phone!

At maraming salamat sa pagbahagi ng story ng phone niyo and sa pagsali sa contest.

Good luck!

 2 months ago 

Thank you po hehhee.

 2 months ago 

I also love Samsung Galaxy A-Series. Ang ganda ng quality ng photos.
Total rating. 9.7

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.06
JST 0.039
BTC 37331.06
ETH 2493.58
USDT 1.00
SBD 3.88