Burnsteem25: The Diarygame 08-21-2022 | Pagbili at Paghanda Ko Ng Mga Gamit Sa Pasukan

in Steemit Philippines2 years ago

Magandang buhay po sa lahat!

Excited na ba ang lahat sa unang araw ng pasukan? Mga magulang, mag-aaral at mga guro. Dahil bukas na, Agosto 22, 2022 ang unang araw sa pasukan nga mga bata.

Kaya ay todo paghahanda na ang mga magulang sa gamit sa pag-aaral ng kanila- kanilang mga anak. Katulad ko na lang medyo busy sa pagbili ng mga gamit sa aking mga anak. Dahil apat na ang aking estudyante dahil nag-aaral na rin ang aking pinaka bunso. At dahil kanina lang kasi kami bumili ng kanilang mga gamit.

20220821_154820_mfnr.jpg

Isinama ko ang aking pinaka eldest at pinaka youngest na anak sa aking pagbibili dahil gusto rin nilang sumama sa akin. At dumating kami sa department store mga bandang alas 9:00 ng umaga at saktong magbukas na din ang department store.

received_5440060682780546.jpeg

Inilista ko ang mga pangunahing gamit sa pag-aaral ng aking mga anak. Para hindi ko makalimutan ang mga ito dahil marami-rami din. At hindi ko kayang e memorize ang lahat na mga ito.

20220821_161026.jpg

received_561442282429692.jpeg

At sabay na rin pasyal kasi medyo ma busy na sila sa kanilang mga pag-aaral sa susunod na mga araw. At gusto rin nila na sila ang pumili sa kanilang mga gamit lalung-lalo na ang aking pinaka bunso. Gusto niya na siya ang pumili sa kanyang bag.

20220821_155212_mfnr.jpg

At gusto rin daw niyang sumakay ng escalator at sayang-saya niya. Dahil pinaka bunso ay pinagbigyan ko na lang na isama siya.

received_473502664318501.jpeg

At pagkatapos naming bilhin ang lahat ng kanilang mga gamit sa pag-aaral ay bumalik kaagad kami ng bahay. Para ihanda ang mga gamit na ito dahil bukas na talaga ang pagsisimula ng kanilang unang araw sa paaralan.

At hanggang dito na lang po, saludo ako sa mga magulang na nagpursigi at nagsikap para sa pag-aaral ng kanilang mga anak. At gayun din saludo ako sa mga mag-aaral na ginagawa ang lahat para sa pag-aaral. At ng maayos para lamang sa mga kapakanan at ikabubuti ng kanilang mga sarili.

Magandang hapon at maraming salamat po.

Nagmamahal,

Chibas.arkanghil : )

Sort:  
 2 years ago 

Tuloy na talaga ang f2f. Malaking adjustment talaga to sa mga bata dahil 2 years mahigit rin na puro online class lang.

StatusRemarks
#steemexclusive✔️
At least #club5050✔️
Plagiarism free✔️
Bot free✔️
At least 300 words✔️
Verified member✔️

Luzon Mod
@kneelyrac

 2 years ago 

Hello po, opo tuloy-tuloy na talaga. Kailangan na rin gumising ng maaga dahil 6 am magsimula ang klase.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.17
JST 0.033
BTC 64316.24
ETH 2748.47
USDT 1.00
SBD 2.65