Burnsteem25: Amayah's Simple Birthday Celebration

in Steemit Philippines2 months ago

Hello po sa lahat, magandang buhay!

Ibinabahagi ko po sa inyo ngayon ang aking naging diary Hulyo 31, 2022. Ang aming simpleng pagselebrar sa kaarawan ng aking anak na si Amayah Jay.

Siya ay ang pangatlong anak na babae naming mag-asawa. Nagselebrar siya ngayon ng ika- sampung taong kaarawan. At salamat sa Diyos at binigyan naman siya ng panibagong taon sa kanyang buhay.

20220731_193439_mfnr.jpg

20220731_193535_mfnr.jpg

Isa siya sa mga aking naging katuwang sa paglalaba. Kaya't laki ang aking tuwa at pasasalamat sa Diyos. Na pinagkaloob siya sa aming mag-asawa, ang pangatlo naming anak.

Madaling umaga kaming gumising mag-asawa para mang manyanita sa aming pangatlong anak. At para magsimula na agad kaming magluto para sa hahandain na mga pagkain para sa kaarawan ng aming anak.

Dahil gusto rin kasi ng aking asawa na magselebrar sa kanyang kaarawan kahit simple lang. Gusto rin kasi ng mga anak ko na kumain ng pancit. Kaya dapat maaga kaming maghanda para sa mga pagkain na hahandain namin.

Mga simple lang na mga pagkain ang aming inihandang mag-asawa. Katulad na lang ng pangunahing inihanda tuwing may kaarawan ang pancit, kunting sinugbang baboy, sinugbang bangus, nilagang mais.

20220801_114712.jpg

20220801_114556.jpg

20220730_173650_mfnr.jpg

At syempre ang hindi mawawala na pagkain tuwing may kaarawan ang birthday cake. Pinagtulong-tulongan naming mag-asawa na lutuin ang mga pagkain ito para madaling matapos.

Walang humpay na kasiyahan kapag nakikita namin ang kaligayahan sa mukha ng aming anak sa kanyang kaarawan. Kahit medyo simple lang na selebrasyon.

Ito lang kasi ang ma-aabot ni mama at papa para sa iyong kaarawan. At sana'y maligaya ka rin kahit simple lang ang ating selebrasyon sa iyong kaarawan. Importante ay mahal ka namin ng papa mo at iyong mga kapatid.

"Happy birthday to you" aming anak. Salamat sa Diyos at ipinagkaloob ka sa amin ng iyong papa at mabuting anak sa amin. Sana'y bigyan ka ng malusog na pangangatawan araw-araw at mapagpalang araw sa iyong buong buhay.

Ipinagpasalamat namin itong lahat ng buo sa ating Maykapal. Maraming salamat po.

Chibas.arkanghil

Sort:  
 2 months ago 

¥
Happy bday po sa kanya,

 2 months ago 

Thank you maam.

 2 months ago 

Happy birthday po sa anak niyo po. Kahit simpleng handaan, basta't kasama lang mga mahal sa buhay, solve na talaga.

StatusRemarks
#steemexclusive✔️
At least #club5050✔️
Plagiarism free✔️
Bot free✔️
At least 300 words✔️
Verified member✔️

-Luzon Mod 02/08/2022

 2 months ago 

i love the name.. amayah! super nice. happy birthday!

 2 months ago 

Thank you..

 2 months ago 

Happy Birthday kay Amayah!

 2 months ago 

Thank you po.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.06
JST 0.025
BTC 20125.06
ETH 1346.05
USDT 1.00
SBD 2.51