The Diary Game (May 24, 2022) - Ang Aking Kaarawan

in Steemit Philippines2 years ago

Happy (2).png

Magandang Araw po sa inyong lahat!

Kamusta po kayo? Tagal tagal na rin po ako hindi nagapapramdam dito. Abala na po sa aking trabaho. Pero ngayon gusto ko lang din ibahagi sa inyo ang gingawa namin mag-anak sa aking kaarawan noong May 20. Buong araw po ay nasa trabaho ako. Busy sa paghahanapbuhay para sa aking pamilya. Kailangan dahil meron akong asawa at mga anak na dapat buhayin. :D

Sa trabaho ko naman noong araw na iyon ay bumili lang ako ng ulam na Liempo para pagsaluhan namin sa opisina sa tanghali. Share lang ng konting blessing. Wala rin naman akong maraming budget para sa bonggang handaan.

Pag uwi ko kinahapunan, sinabihan ko ang aking asawa na kakain kami sa labas kami mag-anak. Naisipan naming dalawa na dalhin ang mga bata sa Landers para kumain ng kanilang sikat na Pizza.

282346562_1060940804842088_2349423917387465954_n.jpg

Lagpas alas 7 na kami nakarating. Tamang tama pa rin naman kasi alas 9 sila magsasara. Bumili kami ng isang buong Central Garden Pizza, apat na Cavendish Fries at dalawang bottomless na soda.

Picture picture muna kami habang naghihintay sa aming order.

281615631_698713247891530_1023148118258915847_n.jpg

At eto na ang aming orders!
281920038_532123105310374_829678402157433837_n.jpg

281057166_729172658212900_6898779552368024870_n.jpg

282665931_370831975021926_4523969916326345244_n.jpg


gif.gif

Ito mga anak namin oh. :D

Ang sarap ng Pizza and Fries nila at sympre pares ang bottomless soda. Kahit ilang beses ka na pabalik2x sa soda despenser eh walang problema. :D Busog na busog kaming lahat. Hindi namin naubos ang pizza kaya dinala nalng namin pauwi.

Ganun lang po kasimple ang pagdiwang namin pamilya sa aking kaarawan. Ang importante ay nagpapasalamat ako sa isa namang taon ni binigay sa akin ng Diyos na makasama ang aking mahal sa buhay.

Yung mga anak ko pala gumawa ng mga personalized cards na meron kanya-kanyang mensahe. Nagpapasalamat ako sa kanilang effort at pagmamahal sa akin. Yung aking asawa naman ay gumawa ng birthday post sa Facebook at binaha din mga mga birthday greetings from family and friends. Taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat na nagbigay na oras para batiin ako.

283339499_1378821702617098_3133590292515075052_n.png

Maraming salamat po sa pagbabasa. Nawa nasa ligtas tayong lahat ng kalagayan.

Hanggang sa muli!

ang inyong kaibigan,

@arjayyuson

Sort:  
 2 years ago (edited)

Happy. Birthday again bro. Ang saya says nyong tingnan na pamilya. Banyan din Kami nong maliliit pa mga anak ko. Lima Kaya sila no. Kalimitan at wala sya dahil nasa barko nga Kaya sinusulit nya pag nakauwi na. Sulitin nyo ang mga araw habang maliliit pa sila.

 2 years ago 

Thank you po Ate.

 2 years ago 

Happy Birthday sir @arjayyuson.

 2 years ago 

Thank you Sir!

 2 years ago 

happiest birthday po! sobrang saya nla sa bottomless soda ahh... God bless!

 2 years ago 

Thank you po!

 2 years ago (edited)
StatusRemark
Club status#Club100
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count345 words
Plagiarism Free
Delegator

Luzon Mod,
@junebride

 2 years ago 

thank you!

 2 years ago 

Hi! I am just swinging by to tell you that your high quality article made it to our top three recommended post for booming support. You may check out the information here:

Steemit Philippines Top Three Posts of the Day | Recommended Posts for Booming Support | 05-25-2022

Continue creating quality articles!

God bless!

 2 years ago 

thank you maam. very late reply.

 2 years ago 

ka happy sa mga bata oi, happy bday bro🙂

 2 years ago 

thank you Maam.

 2 years ago 

You had a wonderful day. I hope you have a good day like this.

 2 years ago 

thank you!

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 64140.77
ETH 3133.36
USDT 1.00
SBD 4.15