Club5050|| Diary Game Season 3|| January 12, 2023|| "Evacuation Activity"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG20230112090210.jpg

Kapag nakakarinig tayo ng salitang "Probinsya" ang unang maiisip natin ay isang lugar na malayo sa matataong lugar, mga bahay at gusali. Hindi madali ang makatira sa Probinsya lalo na kapag masama ang panahon, kaya mabuti na mag-impok ng maraming bigas, panggatong, ulam at marami pang iba na importante at mahalaga sa bahay. Ngayong gabi ay ibabahagi ko ang karanasan namin kanina kasama ang aking Ina at ng aking Asawa habng kami ay tumungo sa mas ligtas na lugar dahil sa sama ng panahon na nangyayari dito sa aming lugar. Ang bahay ng aking asawa ay malapit lng sa ilog at simula noong nanalasa ang low pressure ay walang tigil na ang pagbaha at pag-ulan dito sa aming lugar. Dahil dito ay nangangamba kami baka aapaw ang tubig sa ilog kaya minabuti na lumikas nalang habang maaga pa. Para lang din sa kaligtasan ng aming buhay lalo na ang aking anak.

IMG20230112092553.jpg

Dahil bumaha na ang ilog at walang tulay malapit dito kaya kinakailangan pa naming dumaan sa mga dilikado at mapuputik na lugar bago makarating sa tulay na may medyo kalayuan din naman. Minabuting lumikas na kami habang maaga pa dahil mahirap na kapag gabi na. Simula kahapon ay nagsimula nang bumaha at hindi na ito bumaba ang level ng tubig dahil sa patuloy na pag-ulan.

IMG20230112084623.jpg

Una naming dinaanan ang sapang ito. Wala na kasing ibang madaanan kaya sisikapin nalang namin na dadaan dito kahit maputik at madulas ang lugar. Mabuti nalang at humupa na ang baha dito kaya agad kaming nakatawid. Dahan-dahan kaming naglakad dito para hindi kami madulas at magkaputik ang aming damit.

IMG20230112085132.jpg

Kinakailangan pa naming dumaan dito sa masukal na daan at napapalibutan ng mga damo ng kogon. Dala-dala namin ang mahahalagang gamit gaya ng gamit sa bata, mga importanteng papel, flashlights at marami pang iba. Medyo hindi na dinaanan ang lugar na ito kaya nababalutan na ng mga makakapal na damo ang lugar.

IMG20230112085416.jpg

Kinakailangan pa naming dumaan dito sa ibabaw na parte ng lugar para makapunta kami sa maayos na daanan. Hindi biro at hindi madali ang aming paglalakbay kanina dahil sa mahirap na mga daanan, mapuputik at madudulas. Kinakailangan talagang dahan-dahan sa paglalakad.

IMG20230112085759.jpg

Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ay napansin ko itong lupa na unti-unting bumbigay dahil sa malambot na ito dulot ng pag-ulan at pagbaha. Nangangamba din ang mga taong nakatira malapit dito dahil baka aabot ito sa kanilang bahay at guguho din. Maraming mga puno gaya ng puno ng mangga ang nabaon na sa lupa dahil naabot na ito ng pagkalambot ng lupa.

IMG20230112090504.jpg

Dahil sa malakas ang hangin na nararanasan dito, may mga sanga ng puno ang nabali at nahulog at nakaharang sa daanan kagaya nito. Mabuti nalang at sa pagkabali at pagkahulog nito sakto at walang mga taong nakadaan dito.

IMG20230112092522.jpg

Sa wakas at nakarating na kami sa naturang tulay kaya makakatawid na kami nito. Ang kinarurounan ng tulay ay malayo mula sa bahay ng aking asawa. Kaya pahirapan talagang lumikas kapag may sama ng panahon. Kailangan pang maglakad na nakapaa at hindi gagamit ng tsinelas at kong hindi swerte ay masusugatan ka pa dahil sa maaapakan mong mga matutulis na bagay.

image.png

Kahit ganon ang sitwasyon namin dito ay nagpapasalamat naman kami dahil sa upn na ibinigay at nakakatulong ito para mabuhay at madiligan ng mga halaman, ang tanging gagawin lamang ay ibayong pag-iingat lang talaga.
Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa talaarawan at ang 25% mula sa payout ng post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
Sort:  
 2 years ago 

Amping mo always labi na karon nga wala jud undang ang ulan ug prone sa baha ug mga landslide... Just keep on praying jud ta ani kay si Lord ra jud ang mo tabang sa ato.

God Bless and be safe! 😇☝️🙌

 2 years ago 

Salamat kaayo kuya. Godbless you too.

 2 years ago 

Yan lang ang deperensya kung magsungit ang panahon, ang lugar ninyo ay mala paraiso. Kaya tama yan habang di pa malaki ang baha lumikas na lang. Dito sa amin sungit din ng panahon, maputik din ang daan kaya di kami ma travel, mabaha din sa mgaababang lugar.

 2 years ago 

Same dito sa amin ate. Ingat po kayo palagi dyan.

 2 years ago 
Date verified: January 12, 2023
StatusRemark
Verified user
At least #club5050
Plagiarism free
#steemexclusive
Not using bot
At least 300 words
#burnsteem25

Keep creating quality content to have a greater chance of getting support from the curators.

 2 years ago 

Thank you for the evaluation po. ☺️

 2 years ago 

Hello, this post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.

Congratulations!

Mindanao Moderator
@long888

 2 years ago 

Thank you very much for choosing my post. 😊😊

 2 years ago 

Ang post na iyong ibinahagi ay nagpapakita ng mga panganib at hirap na dinaranas ng mga tao sa probinsya lalo na kapag may sama ng panahon. Ang mga litrato na ibinahagi mo ay nagpapakita ng mga daanan na dapat nilang dumaan upang makarating sa mas ligtas na lugar at ang mga problemang kanilang hinaharap tulad ng pagbaha at malambot na lupa dahil sa pag-ulan. Napakahalaga ng pagkakaroon ng imprastraktura at pagkakaroon ng mga plano para sa mga ganitong sitwasyon upang maiwasan ang mga problemang ito at maprotektahan ang kaligtasan ng mga tao. Salamat sa pagbahagi ng iyong karanasan.

 2 years ago 

Napakahirap taaga ng sitwasyon dito kapag may sama ng panahon. Salamat po sa pagbisita sa aking post.

@tipu curate

;) Holisss...

--
This is a manual curation from the @tipU Curation Project.

 2 years ago 

Thank you very much..

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you very much..

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 59705.02
ETH 2619.44
USDT 1.00
SBD 2.39