Pantasya Na Lamang Ba Ang Kalayaan?

in #filipino6 years ago

Sarap sana sa ganitong lugar nalang tumira. Masarap sana kung hindi ka na mamomroblema kung may kakainin ka bukas. Sarap siguro kung hindi mona kailangang gumising sa umaga kahit ayaw mo pa. Kapag maraming marami na akong pera, matutulog ako hangga’t gusto ko.

Kaso . . .

Umiiral tayo sa totoong buhay. At ang totoong buhay ay hindi kasindali ng mga pantasya mo. Kung isinilang ka sa Pilipinas na karaniwang tao laman, siguradong hindi madali ang buhay para sayo. Para kang naglaro ng isang computer game sa hard mode.

Pero . . .

Hindi naman masama iyong mahirapan. Ang totoo, kapag nahihirapan ka, mas tumitibay ka. Kapag lumaki ka sa layaw, nagiging malambot ka at madaling sumuko. Akala mo lahat ng bagay ay idudulot na laman sayo.

Hindi ganoon sa totoong buhay. Sa totoong buhay kailangan mong magpakahirap para may makain ka. Kailangan mong magtrabaho. Mas maige na mahirapan at matuto sa buhay kesa habambuhay na maging palaasa.

Ang Pangarap Na Walang Plano ay Pangarap Lamang

Kung gusto mong makamit ang isang bagay, kailangan itong pagsikapan. Parang obvious alam ko. Pero hindi alam ito ng napakaraming tao.

Madalas mong marinig, ‘saka nalang pag nagkapera’. Kaso walang plano kung paano magkakapera. Bahala na si Batman.

Hindi dapat ganoon. Dapat may plano.

Ano Balak Mo?

Ewan ko sa inyo pero ako nakikita ko ang steemit na isang napakagandang opportunity para makawala sa pagkatali ng kahirapan. Pero hindi rin automatic. Dapat din may tiyaga ka at kailangan may plano ka.

Huwag muna magwidthraw. Pagulungin muna ang puhunan. Ganun din naman sa totoong buhay. Yung mga namumuhunan ang mga umaasenso.

Kasi kapag namuhunan ka, yung tubo mo, kikita na rin. Kaya palago ng palago. Yun ang power ng compounding.

Sort:  

Great post. It doesn't seem like you are getting the likes it deserves though. Have you checked out the upvote communities? You should check out steemengine. or steemfollower.com.

@digitaldreamer
Looks like an awesome place to visit

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63548.34
ETH 2646.78
USDT 1.00
SBD 2.74