#278 Filipino Poetry: "Nanaginip ng Gising"

"Nanaginip ng Gising"


Natutulog ng dilat ang mga mata
para bang tumitirik sa pagod ika nga nila
pero heto at patuloy na umaagos
sa daloy ng buhay ng mga kapos

Hindi man kagandahan ang buhay
kagaya ng mga mayayaman mga dodong at mga inday
hayaan mo't iwagayway ang sagisag
at ipagpatuloy ang laban ng buhay

Huwag kang matakot sumuong sa laban
sapagkat ang taong may paniningdigan
at walang kasalanan ay walang hamas
na tatapatin ang laban

Kaya ikaw ay patuloy umusbong at
parating susulong huwag kang matakot
dahil sa ikaw ay anak at
tutulongan kang bumangon


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 70782.07
ETH 3815.35
USDT 1.00
SBD 3.44