#277 Filipino Poetry: "Sa wakas at Nasungkit rin!"
"Sa wakas at Nasungkit rin!"
Ang matinding pagsubok sa aking buhay
inakala ko na parang dito nalang ata
di ko maisip kong kakayanin pa
ang dinanas na tadhana
Pero hindi ako nagpadaig kundi
sinindak ko ang araw maraos
at matapos lang ang bawat sandali
nagumikap at may pananalig
Ginawa ko ang lahat hanggang
sa abot ng aking makakaya
tinapos ko ang aking sinimulan
at balang araw ay mapasa akin ka lang
At ngayon ay umabot ako sa puntong
nagdududa nawalan ng pagasa
pero muling bumangon at ayon
sa wakas at nasungkit rin!
ang titolong pinakahahangad kong kahapon
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash