#276 Filipino Poetry: "Ako ay Napahanga"
"Ako ay Napahanga"
Na antig at lubos na nasurpresa
bumulagta sa aking mga mata
ang natamo kong biyaya
na nagpasaya sa kanilang mga mukha
Ang labis na panghihinayang at masasakit
na di ko makakalimutang karanasan
ang aral at kayamanan dala ko at
lubos na panghahawakan
Kahit ako ay nahuli sa karera
hindi ako tumigil at patuloy
sa pag ragasa patungo sa
pinakaasam na tagumpay
At ngayon ay nasungkit ko na ang medalya
ang bunga ng mga araw na di ka ayaaya
kaya ako ay napahanga sa aking nagawa
kayang kaya natin lampasan ang lahat
basta tayo ay may tiwala!
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash