#250 Filipino Poetry: "Ika'y Mag-ingat"
"Ika'y Mag-ingat"
Sa buong buhay ko ikaw ang pinaka asam asam
bahagi ng buhay kong pinaka iingatan
na sa mundo ito ay di ka mawalay
dito sa piling kong matamlay
Di ko lubos maisip kung isang araw
ika'y lilisan ang ako ay mag-iisa
at walang karamay at mag aaruga
baka maging isang gulay na lanta
Sana ito ay iyong dinggin
ganyan ikaw ka halaga sa buhay kong
puno ng pagsubok ika nga ng damdamin
malubha ang araw ko pag ikaw ay mawalay sa akin
Pero darating man ang araw na
ikaw ay di masaya sa aking piling
sana ay iyong katatandaan
ika'y mag-ingat sa mundong madilim
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash
Post something in english bro
Posted using Partiko Android