#249 Filipino Poetry: "Sana'y Pakinggan"
"Sana'y Pakinggan"
Kalimitan ang munting buhay na meron ang tao
dito sa lupang kinatatayuan ay
mayroong samo't saring kaganapan
kung saan ay tayo mismo ay may
kanya kanyang paroroonan
Kasanayang bumubuklod buklod sa isang katauhan
gaya ng mayaman at mahirap sa panahon ngayon
ang mga mayayaman ay lalong yumayaman
habang ang mahirap ay patuloy nag hihirap
Kaya sana ay matuto ang lahat na mag pursige
hindi yong puro salita't mag away-away
sisihan sa kapwa tao na walang patutunguhan
dapat sana ay mag tulungan
Itong munting tula ay basahin at unawain
na sana'y pakinggan ng mabuti at
isapuso mga kaibigan kong kapwa Pilipino
tulungan nating ibangon ang sariling bayan
na kinatatayuan nyo
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash