#248 Filipino Poetry: "Bukod Tangi"
"Bukod Tangi"
Buong buhay ko nakalugmok sa trabaho
kayod kalabaw maitaguyod lang ang pamilya ko
at ang makita silang masaya at
hindi na hihirapan sa panahon ng Kahirapan
Nasanay ako sa mundong ito na
dapat mag pursigi sa buhay
para makapag handa at
hindi maging sakit sa bahay
Ang hirap at sakit na dinanas
pinawi ng ikaw ay nasilayan
kasama kana sa tabi ko
na ako mismo hindi makapaniwala
Abot langit ang aking pasasalamat
sa hatid mong biyaya na nagpabago
sa maputla kong tadhana
sinta ikaw ay bukod tangi at ang aking
pinakapangarap na matupad sa lahat
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash