#244 Filipino Poetry: "Ikaw ay Biyaya"

"Ikaw ay Biyaya"


Ako ay nabighani mo ng subra
iba ang taglay mong ligaya
mula sa nabubulok kong damdamin
ay namukadkad sa iyong pagdating

Abot hanggang langit ang ngiti
nang ikaw ay dumating sa buhay kong
puno ng pait at parang nalalantang gulay
parang gusto kong mamatay

Pero muli ito ay nabuhay
di lang sa binuhay, nilagyan mo pa ng kulay
ang matamlay kong buhay
sa mundo kong walang malay

Handa akong ialay pati aking buhay
sa iyong pagdating sa aking mundo
ako ay iyong binuhay, ikaw ay biyaya
mula sa itaas para wakasan ang
madilim kong nakalipas


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

what beautiful poetry! friend this very beautiful! congratulations!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64231.88
ETH 3128.59
USDT 1.00
SBD 3.95