#176 Filipino Poetry: "Malay Mo"

photo-1515265244207-1dd8d2e8ff63.jpeg

"Malay Mo"


Hindi natin hawak ang mundo
Hindi natin hawak ng buo
Hindi natin makukuha ang lahat ng gusto
Ngunit malay mo, sa huli, ikaw at ako

Malay mo, tayo pala ay itinadhana
Malay mo, sa panahon na itinakda
Malay mo, sa ganito tayo magsisimula
Hindi natin malalaman, dahil malay mo lang yan

Hindi man natin masabi o
Hindi man masabi ng patapos
Ang kagustuhan ko ay di magbabago
Na malay mo, gusto ng iyong puso

Kahit hindi man natin kapiling ang isa't isa
Malay mo, ito talaga ang ating patutunguhan
Na mapunta sa iba kahit di masaya
At walang magawa kundi tanggapin ang tadhana


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66066.52
ETH 3291.81
USDT 1.00
SBD 2.70