#175 Filipino Poetry: "Balik-tanaw"

photo-1521318042921-d6af2ed7ba42.jpeg

"Balik-tanaw"


Halika at ating sariwain
Ang mga alaala natin ating tanawin
Sa mga nakaraan na tayo'y nagsama
Hanggang ngayon, nandito tayo sa isa't isa

Balik-tanaw kung ito'y tawagin
Kahit ilang taong lumipas ay dito parin
Ang mga masasayang karanasan
Kasama na ang mga nakakalungkot na iyakan

Naaalala ko pa noon
Na kahit anong gusto mo ay ginagawa ko
Kahit umakyat man ako sa puno
O kahit pagkatapos ay tatalon papunta sa iyo

Mga bata ngang ituturing
Ang tinatanaw nating ngiti at saya
Puppy love yan ang sabi nila
Ngayon, pagmamahal ng isang asawa sa kanyang asawa na

Pag dating man ng panahon
Sana'y sabay tayong tatandang magkasama
Magkakaroon ng marami pang oras
Para balik-tanaw ay magagawa pa.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Ngunit di ko inaasahan, tanging pagbalik tanaw na lang pala aking tahanan

ang ganda ng iyong tula, ako ay napapamangha at napapahanga. God bless!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54642.70
ETH 2317.98
USDT 1.00
SBD 2.33