Fears In Love: Part 4 of 15 (Who are you?)

png_20220128_032936_0000.png

Brielle’ POV

Akalain mo yun 3 years na nagtatrabaho ako as secretary, para talaga akong married, yeah naitali sa trabaho. Kaya tama lang naman ang sinabi ni Dwayne kanina na..

It's like we are one, anyway.

Pero sa trabaho hindi sa pag aasawa ah!

“Engot talaga, bakit ba hindi matanggal sa isip ko yun!” padabog kong sinipa sipa ang buhangin habang nakaduyan ako dito sa likod ng bahay nila.

Maraming puno dito, presko at gustong gusto ko ang simoy nito.

“Okay ka lang? Haha” baliw naman oh, anjan na naman.

“Oh, anjan ka pala?” sabi ko. Nakita kong naglakad siya papunta harapan ko. Naglapag siya ng plato with chocolate sa harap ko, sa table at umupo na rin siya sa duyan, tapat ko din.

“Uhm, tapos na yung usapan namin nila lolo,” maya mayay bigla siyang natawa “Sabi nilang puntahan ko daw ang girlfriend ko.” agad akong nag angat ng tingin sa kanya.

“M-may girlfriend ka?” ang alam ko ay may hinihintay siya. I didn't know na may gf na pala siya. “Kung ganon aalis ka at puntahan siya?” baka taga dito ang GF niya kaya siya dumalaw dito.

“HAHAHAHA!” hindi ko alam pero kung nababaliw man siya dahil sa katatawa niya, sana hindi ako madamay. Dahil pakiramdam ko sa tuwing tumatawa siya, tumatalon ang puso ko! Engot! Totoo ba yun?!

“They were pertaining to you. Inaasar ba naman akong gf kita.” ako naman ang natigil ngayon.

Ayan na naman at nakadekwatro siyang nakahawak ang hintuturo sa sentido at ang hinlalaki ay nasa labi, habang nakapatong ang kanang siko sa kanyang binti!

Ewan ko ba kung bakit bigla akong nailang habang nakatitig siya. Mukhang pinag aaralan na naman niya ang reaksyon ko!

“Brielle...” ang kaninang natatawa ay biglang naging seryoso ang tinig “You are acting weird huh?” sinulyapan ko siya pero naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

“Ikaw kaya ang weirdo diyan.” syempre ma pride ako, kailangan kong labanan ang titig niya. “Mukhang baliw, ayan na naman talaga yung sinasabi ko. Kanina tawa ka ng tawa, ngayon salubong na naman ang kilay mo a?“

“Eh?”

“Eh? Engot?” panggagaya ko sa kanya. Pero agad din akong nagsisi, parang ako ang mababaliw habang nakikita ang malapad niyang ngiti!

“Tch” aniya habang nakatingin pa rin sakin.

“Huwag mo nga akong titigan.” nakayuko ako, iniiwas ang mukha sa kanya. Ang oily ko kaya!

Teka? Kailan pa ako naging conscious sa itsura ko?

“Ngayon lang kita matitigan ng ganito kalapit kaya sulitin ko na.” nag angat ulit ako ng tingin sa kanya, never minding my oily face. Nakangiti pa rin siya, pero kaya kong labanan ang titig niya.

“Unique pala ang beauty mo no?” taas kilay nitong tanong. Aniya habang pinag aaralan pa rin ang kabuuan ng mukha ko. Ang kaninang nangingiti ay napitan ng seryosong tingin, kasabay ng ilang lunok, bahagyang gumalaw ang adams apple niya e.

Ako naman ang natatawa ngayon...

“Baka mainlove ka ulit, mahirap na kung sakin ka pa tamaan.” nakita kong natigilan siya, mukhang nagulat talaga sa sagot ko. Syempre ma pride ako diba? Ayaw kong ako lang ang binibiro.

“Edi paghirapan ko, kung ang kapalit nama’y tamaan ka rin pabalik sa akin.” ako naman ang natigil ngayon!

Gumana ka magaling kong isip. Kailangang madaig ang mayabang niyang isip.

“Paano ako tatamaan, kung ako’y nahulog na?”

Ayan! Napanganga ang Dwayne Alfie Velasco! Gusto kong matawa pero mas lamang ang kaba.

Alam kong nagbibiruan lang kami kaya,

“I’ll catch you then?” ako naman ang natigil sa sinabi niya!

He’ll catch me, weehhh?

Paano naman yun? He’ll catch me? Paano yung hinihintay niya?

Engot! Syempre biro lang yun Hannah Brielle Fernandez!

Pagkatapos non ay binisita naman namin ang lupang binili niya dito. Magpapatayo daw sila ng building for their soap products here, and they wanted to have a continuous supply since their newly customers are here. Kilala na ang Velasco Soap Industry bilang producer ng iba't-ibang klase ng sabon.

5 pm na noong nakauwi kami. Hinatid niya ako sa building kung nasaan ang condo, ngayon ko lang napansin na hinahatid pala ako ng boss ko nitong mga nakaraang buwan kapag lumabas kaming magkasama. Noon kasi, we parted ways at maghahanap nalang ako ng taxi, he doesn't care though.

“Thanks for being with me today, even though it was not related to work.” ngumiti siya.

“Salamat din. I enjoyed a lot kahit pa pinagtitripan mo ako buong maghapon!” pagrereklamo ko habang kinakalas ang seatbelt. Bumababa ako pero bumababa din pala siya.

“Pinagtritripan?” maang maangan niyang tanong.

“Oo, kanina mo pa kasi ako pinagtatawanan diyan e.”

“Tch, naninibago lang ako. Parang lutang ka kasi kanina. Hahaha and I find it cute.”

Naningkit ang mga mata kong tumingin sa kanya.

“Ah don't get me wrong, but I also wanted to get mad at you because you were not focus, but then I realized we were out of work, so it's okay.”

“Bahala ka nga jan. Sige pasok na ako.”

“Okay, take care.”

“Kaw din, take care sa pagdadrive!”

Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi, dahilan para mapanganga nanaman ako! Naramdaman kong unti unting umangat ang gilid ng labi ko, nangingiti din ata.

Pero dahil mapride ako, inirapan ko siya at tinalikuran!

Tch, kala mo ah. Ano siya gold?

Papasok na ako nang building at sumakay sa elevator papuntang 10th floor kung nasaan ang condo namin ni Laila.

“Oh? Bat ngayon ka lang? Wala ka sa office mo a, pati sir. Saan kayo nagpunta?”

“Don sa ancestral house nil-

“Ancestral house?” nanlaki ang mata ni Laila kaya umirap ako.

“Oo, bakit?”

“Kayong dalawa lang?” naniningkit ang mata niya na para bang may tinatago ako sa tingin niya.

“Who else should be?”

“Pwede namang si Aeron, yung kapatid niya! OMG!” napatakip siya sa bibig na parang gulat na gulat! “Don’t tell me, you and Mr. President are dating?”

Dating?

Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Laila! Umuwang ang aking labi sa pagkagulat pero sa huli umirap ako at umiling.

“Hindi!”

“K, sabi mo yan. Anyways, wala ka bang napapansin na kakaiba this week?”

“Kakaiba? What do you mean?”

“Hindi ko alam pero parang may nagmamasid sa akin sa opisina at pati rin dito sa condo. Parang may umaaligid.”

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa sinabi ni Laila. Bakit naman may magmamasid? O may umaaligid? Hindi naman kami mayaman ah?

“Anyway, baka guni guni ko lang yun. Magluluto lang ako a?”

Tumango at dumiretso sa kwarto ko.

Weird.

“Goodmorning Dwayne!” pagbati ko noong nasa opisina na ako.

“Goodmorning, Brielle.” aniya habang nakaupo sa table niya. “Hmmm...mukhang nasanay ka na nga sa Dwayne a?” natigil ako sa paglalakad.

Nahihiya man pero nilingon ko parin siya.

“Sorry, I forgot.”

Narinig kong tumawa siya “Don’t worry, ayos lang sakin yun. I like it.” ngumiti siya at nagpatuloy sa ginagawa.

Bahala ka.

“Hi!” bigla kaming napalingon sa pintuan.

“Oh, napadalaw ka Zac?” tanong ni Dwayne, pero ang paningin ni Zac ay nasa akin. Kanina pa siya nakangiti.

“Hi, Miss Crabby!” masiglang bati niya sakin habang nakangiti.

“Yes, Hi, Mr. FC?” nakangisi ko ring sagot habang nakangisi.

“I like that smile, Miss Crabby.”

“Tsss” sabay naming naiusal ni Dwayne kaya nagkatinginan kami.

“What took you here, Zac?” banayad na tanong ni Dwayne.

Nakangiti namang humarap sa kanya si Zacharri.

“Wala, napadalaw lang.” naglakad na siya papuntang table ni Dwayne at naupo sa harapan niya. Nakatalikod na siya ngayon sa akin pero inayos niya ang upuan at iniharap ito sa direction ko!

Umupo siya at ngumiti sa akin.

I wonder what's wrong with this guy?
I admit gwapo siya. Pero bakit ganito siya makaasta sa harapan ko?

I find it weird.

Kanina pa ako nakikipaglaban sa titig niya, hindi ako bumitaw lalo na siya, nanlilisik ang titig ko pero siya, parang natutuwa pa!

Who the shocks is this guy?

__

Zacharri’s POV

Ewan ko pero nababaliw ako sa kakaisip sa babaeng nasa harap ko ngayon.

Nanlilisik ang titig niya at kulang nalang saksakin ako ng kutsilyo ngayon! Pero ako ’tong baliw na nakangiti pa.

She's crabby. And I find her interesting, para siyang puzzle na hindi ko alam kung huhulaan ko ba o hahayaan nalang. Pero sa inaasta ko ngayon, gusto ko siyang makilala.

Aside from that, she's beautiful, her shining eyes are sharply beautiful, her pointed nose, her thick eyelashes and brows and pinkish lips. She's a bit tall, and she have a sexy body that fits with her black and white skirts.

Maganda talaga siya, kataka takang wala siyang boyfriend (ayon kay Dwayne).

I want to know more about her more. I'm not contented staring at her like this.

Maybe Dwayne knows a lot about her, since she’s his secretary?

Ilang minuto ko siyang pinagmamasdan, nakadekwatro lang ako, nakahilig sa upuan habang ang dalawang kamay ko'y nasa aking batok.

Nagpatuloy siya sa pagsusulat, palipat lipat ang tingin niya sa papeles at sa computer.

Natigil lang ako sa panood sa kanya noong tumayo si Dwayne at nagtungo sa harap ni Ms. Crabby.

“Let’s go?” pag aaya ni Dwayne. Kumunot ang noo ni Brielle habang nakatingin kay Dwayne, parang nag aalinlangan. “I said, let’s go, my client from Isabela called yesterday and we have to meet. Let's go?”

Dali daling kinuha ni Brielle ang sling bag, Ipad at notes niya. Tumingin ito sa akin dahilan upang mapatayo na rin ako sa kinauupuan ko.

“Ikaw? Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Dwayne.

Pansin kong medyo iritado ito ngayon, mukhang masungit at hindi nagsasalita kanina.

Madalas siyang magkwento noon tungkol sa ex niya pero netong nakaraang nga buwan, at taon pa ata hindi niya bukang bibig.

Sometimes we got to talk about her, pero he's not interested as before.

What's wrong with you, Dwayne Alfie?

Are you really waiting for your ex, or while waiting iba ang dumating? And it's probably Brielle?

What happened to your sacrifices years ago? Are you really taking the risk, and put your efforts all in vain?

I hope you're not.

Napatingin ako kay Brielle, may kung anong nagtutulak sa akin na kilalanin siya.

Siya yung tipo ko. Yung kakaiba. At si Brielle palang ang nakikita kung ganun.

But I know I should take it slow.

Pero may pumipigil sa aking kung ano... hindi ko maintindihan.

Ngumiti nalang ako kay Brielle at tinanguan si Dwayne nauna na akong lumabas ng opisina.

Who are you? Why do you make me feel this way?
__

Dwayne's POV

I don't know what's happening to Zacharri. But he's acting weird. I never saw him being this interested in any women before, he's a bit of a playboy but she doesn't pay interest to others.

But now, and even her first meeting with Brielle, he seems very interested in her. I wonder why?

Kanina hindi niya ako pinapansin, nakatuon lang atensyon niya kay Brielle, ang masama don, nangingiti siya habang pinapanood ang ginagawa ni Brielle. Pero wala namang pakialam yung isa.

Naiinis ako, kaya kahit na wala naman talagang meeting, niyaya ko si Brielle na lumabas, I just made my client as an excuse.

“Kala ko ba naman meeting, tapos dito sa park dederetso?”

“Y-yeah”

“Yeah? Ano yun?”

“I mean, I just want to walk around.”

“You can. I’ll just stay here then.”

“Don’t you wanna come with me?” I asked. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito.

Basta ang alam ko, nilayo ko lang siya kay Zac.

Strange side of me, huh? Bakit ko naman ginawa yun?

“Dito nalang ako,” napatingin siya sa icecream vendor, pero iginala niya rin ang paningin sa iba hanggang sa naupo siya sa bamboo seats sa ilalim ng malalaking puno, mahangin dito kaya ayos.

“Manong dalawang dark chocolate.”

Kumuha ako ng dalawang icecream. She saw me and she smiled when I gave her the other one.

“Paano mo nalaman na gusto ko to?” she asked.

“Kilala kita, kahit di mo sabihin nararamdaman kong gusto mo. Kanina mo pa kaya tinitignan.”

“Buti na lang pala, hmm thanks dito!”

Sandali niya akong sinamahan dito sa bamboo seats, pwede naman siyang mamasyal mag isa pero naka upo parin siya dito.

Ako nga pala ang sumama sa kanya dito sa kinauupuan niya haha.

_

Brielle’s POV

Napatitig ako sa kabuaan ng mukha niya. He is handsome inside and out. Yes, physically handsome. Perpektong perpekto kung titignan, kaya hindi na ako magtataka kung maraming babae ang naghahabol sa kanya. Pero kawawa ang mga babaeng yon kasi may hinihintay ang isang Dwayne Alfie Velasco.

“Kumusta pala yung hinihintay mo?” tanong ko pero nakatitig parin sa kanya.

“Sino?”

“Yung ex mo? Yung mahal na mahal mo?”

Bahagya siyang natigilan, napatitig siya sa akin ng ilang segundo pero iniwas niya rin ito.

“Si--” ano nga ulit name noong ex niya? Tss, kung bakit ko ba kasi pinapakealaman.

“Si Yanyan. Hehe.”

“Kumusta? Kayo?”

Pero imbis na sumangot, nagkibit balikat lang ito at tumayo.

Sometimes, I wonder what it feels to fall in love.

But who will be the first guy to make me feel that one fear of mine?

I mean being in love?

May isa akong kinatatakutan, pero pangalawa ang pag ibig.

To be continue...

Title:Fears In Love; Part 4/15 (Who are you)
Author:@joreneagustin
Date Published:02.26.22
Cover photo:Edited in Canva

jpg_20220119_063854_0000.jpg

png_20220119_065609_0000.png

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 62521.03
ETH 3025.04
USDT 1.00
SBD 3.97