Pagibig ko sayo ay totoo (True Story)

in fiction •  last year

Ang pangyayaring ito ay naganap taong 2012...
Ang akin lamang destinasyon ay trabaho, bahay. Paulit ulit.
Palagi na lamang ako abala sa aking trabaho...
Isama mo pa ang aking byahe na umaabot ng dalawa hanggang tatlong oras...
Isang araw, sabado iyon at naisipan ko na huwag munang umuwi...
At tumuloy na lamang sa pasig at kinabukasan ng linggo umuwi sa cavite...
Naisipan ko munang dumaan sa robinson galeria bago ako umuwi sa pasig...
At habang ako ay naglalakad, may nasulyapan ang aking mga mata...
Sa unang pagkakataon ay nabighani ako ng kanyang taglay na kagandahan...
At ako ay nakuntento na lamang na sinisilayan sya araw araw tuwing ako ay dadaan...
At dumating sa araw na akin na syang nilapitan, nahawakan at nagkaron ng interes...
Ilang araw din ang lumipas na ganun lagi ako sa kanya...
At dumating ang araw na ito na aking pinaghandaan...
Sa wakas! Naging akin din sya, sobrang saya aking nadarama...
Sa araw araw lagi ko sya kasama kahit saan ako magpunta...
Lahat ay perpekto at laging masaya...
At sa loob ng dalawang taon naming pagsasama...
Naramdaman ko na sya ay may problema...
Hindi ko sya matiis na makita sya na ganun...
Kaya hangos ako at dinala ko sya sa isang eksperto...
At pagkatapos sya suriin ako ay kinausap ng tumingin sa kanya...
Doon ko nalaman ang masamang balita...
Dahil sa kanyang kalagayan sa tingin ng sumuri sa kanya...
Hindi na sya magtatagal, maswerte na ang umabot sya ng kalahating taon...
Ang masaklap ay kung isa hanggang dalawang buwan lang sya abutin...
Para akong pinag sakluban ng langit at lupa nun...
Sobrang lungkot ang aking nadarama at dko alam ang aking gagawin...
Kc sobrang napamahal na sya sa akin...
Naalala ko pa ang sabi ng aking ina...
Hindi ko daw sya maiwan at laging kasama kahit saan...
Kahit ang aking mga kaibigan ay naiingit sakin...
Dahil sa taglay nyang kagandahan...
Kahit anong sabihin ng iba...
Para sakin sya ang pinakamaganda sa aking mga mata...
At dumating ang araw na aking kinatatakutan...
Nagisnan ko na lamang sya na wala ng buhay...
Akin pang sinubukang dalhin sya sa eksperto upang buhayin...
Ngunit sinabi sa akin na hanggang doon na lamang sya...
Iningatan ko naman sya at inalagaan...
Para magtagal ang aming pagsasama...
Pero sa pagkakataong ito alaala na lamang sya sa aking isipan...
Iiwan nya din pala ako mag isa...
Pero mananatili ka sa aking puso...

Paalam aking Samsung Omnia...

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Pag-ibig ko sayo’y totoo
Ni walang halung biro
Kaya sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito
🎤🎶🎶🎶

..ahahaha napapakanta ako s title😂😂😂

·

naniniwala na ako @ahna8911
I love you...

·
·

.ahahaha saan k naniniwala.. ahahaha kumanta lng ako..😂😂😂

·
·
·

Sa napapakanta ka sa title...naniniwala ako sa kanta mo...ahahahaha

Yan ba ang pangalan nya sa cellphone mo para di mabisto ng ibang girls? Samsung Omnia? Haha!

·

Ahahaha sorry late reply...si samsung omnia mismo tinutukoy ko...pero sa ngeon isang pangalan lang ang importante sa phone ko...walang iba kundi c @ahna8911

·
·

Haha! Grabe talaga ang tama mo bro. Pano ba yan @ahna8911 :D