Tadhana | Ikalawang Bahagi

in #fiction7 years ago (edited)

falls2.jpg

Ang nakaraan...

Nang umagang iyon ay may missed call si Shawn mula sa kasintahan. Pag tingin niya sa messenger ay may mensahe rin ito.
May kailangan akong sabihin sa iyo.
Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas. Baka online pa ito.
Ako rin! May sorpresa ako sa iyo. Sabik na akong makasama ka! Kaunting tiis na lang babe. Pasok na ako ha.
Nagpahabol pa ng message ang binata.
Mahal na mahal kita.
Seen
Tinitigang maigi ni Shawn ang salitang iyon. Marahil ay naging abala na ulit siya.
Ibinulsa niya ang telepono at tumungo na sa pinagtatrabahuhan.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Napuno na rin ng ekis ang kalendaryo ni Shawn. Hunyo 24. Noong nakaraang buwan pa nakahanda ang mga dadalhin ng binata. Apat na araw at tatlong gabi lang silang magkakasama ni Melai kaya kailangan perpekto ang lahat. Nakahanda na ang lahat ng gagawin nilang magkasintahan. Sa unang araw ay mamamasyal lamang sila sa lungsod. Sa ikatlong araw niya balak mamili ng mga ipapasalubong. Ang ikaapat na araw ay ilalaan niyang moment nilang dalawa. Ang pinaka-espesyal na araw ay yung pangalawa. Partikular ang pangalawang gabi. Balak niyang pumunta sa isa sa mga pinakaromantikong lugar sa Laos. Ang Kuang Si Falls. Praktisadong praktisado na niya ang sasabihin. Sana ay hindi siya mautal. At minsan pa ay kinapa niya pang muli sa bulsa ang maliit na kahito. Kinuha niya ito at sinilip ang laman. Sinisiguradong nandoon pa rin ito. Nang makuntento ay ibinalik niya ito sa bulsa.

Tatlong oras lamang ang flight mula Manila kaya't ni hindi man lang nakaidlip sa eroplano ang binata. Sabik na sabik na rin naman siyang makita ang kasintahan. Nag iwan pa siya ng mensahe sa kasintahan bago pa man lumipad ang eroplanong sinasakyan.

Can't wait to see you, dear. I love you

Seen

Hindi niya na hinintay ang sagot ng dalaga at pinatay niya na ang telepono. At inulit niya pa sa isip niya ang mga nakaplanong gawin. Buong biyahe ay nakangiti ito.


Bumuntong hininga si Melai pagkabasa sa mensahe ng kasintahan. Nakagayak na rin siya para tumungo sa airport at salubungin ito. Miss na miss niya na rin naman ito kaya nasasabik din siyang makita ang lalaki. Pero may bumabagabag sa kanyang kalooban. Hindi niya mawari pero parang may kulang. Parang may mali. Isinantabi niya ang isipin na iyon at kinuha na ang bag para tumungo na sa paliparan.


Pagkakita niya ka Shawn ay talaga namang napangiti siya't napaluha sa tuwa. Hindi pa rin nagbabago ang awra ng kasintahan. Hindi naman ito kaguwapuhan na tipong maihahanay mo kina Ian Veneracion o Gabby Concepcion pero may saktong level lang ito ng cuteness. May saktong katangkaran lang ang lalaki na pwedeng pang basketball player. Ang talagang nakapagpabighani sa kanya dito ay ang kakayanan nitong patawanin siya sa kahit na anong sitwasyon. Kwela at makulit ang binata na siyang nakakapawi naman talaga ng pagod niya araw araw.

Muntik pang mabitawan ni Shawn ang mga maleta nang makita si Melai. Sinalubong niya ito ng mainit na halik at mahigpit na niyakap.
"Miss na miss na kita! Ang ganda ganda mo pa rin talaga!"

"Susme ka talaga. Banat agad inuuna mo. Tara na at nang makapag settle ka ng maayos sa bahay." kunwa'y saway niya sa nobyo.

Napagpasyahan bilang sa tinutuluyan na lang ni Melai maglagi ang nobyo habang nasa bansa. I ilapag lang ila ang mga gamit at dumeretso na sila sa city tour. Buong biyahe ay akbay akbay ni Shawn ang nobya na tila ba may aagaw. Panaka naka ay humahalik sa pisngi o sa buhok o sa braso.

Kinagabihan ay maagang nakatulog si Shawn marahil ay dahil sa pagod sa buong maghapon paggala. Si Melai naman ay gising pa habang nakatitig at nakayakap sa kasintahan. Hindi niya pa rin makayanang sabihin ang saloobin dito. Kitang kita niya ang excitement nito nang makita siya at talaga nang dama niya na napakasaya nito ngayong magkasama sila.
Kailangan mong kayanin, Melai. Para rin ito sa kapakanan niyong dalawa. Huwag kang madarag sa sex appeal niyang mala-Robin Padilla. pangungumbinsi niya sa sarili.

Madilim pa ay mulat na si Shawn. Nakangiti habang tinititigan ang mala anghel na mukha ng kasintahan habang natutulog. Kahit tulo laway, maganda pa rin. buong paghangang bulong nito. Handa na siya. Ngayon niya na itatanong.

Pagkakain ng almusal ay tumulak na sila papuntang Kuang Si Falls. Nakakabighani rin naman talaga ang tanawin.

"Ang ganda talaga!" sambulat ni Melai habang abalang pinipindot ang camera. Kung anu anong anggulo ang kinunan niya at tila naman nasisiyahan sa bawat larawan. Nang mapagod kapipindot ay tinitigan niya lang ang kagandahan ng falls.
"Oo nga. Ang ganda!" sang ayon ni Shawn. Pero hindi siya sa falls nakatingin. Nakatitig siya sa kasintahan. Napatingin na rin si Melai sa kanya at napangiti.
"Alam mo, sa ganyan mo talaga ako kinukuha eh. Haha." pero ngumiti ang babae ng napakalungkot.
Kinuha ni Shawn ang kamay ng dalaga, inilapit sa mga labi at buong lambing hinagkan. Naisip niyang ito na ang pinakaperpektong pagkakataon. Kinuha niya ang kahito sa bulsa. Ayaw niyang bitiwan ang kamay ng kasintahan na para bang mawawala ito kapag binitawan niya ito. Matindi ang kabog ng kanyang dibdib. Marahan niyang hinila papalapit ang kasintahan at niyakap.
"Shawn, ano ka ba? Nakakahiya." Saway ng dalaga. Lumayo siya ng bahagya sa binata.

Pero hindi pinanghinaan ng loob si Shawn. Nakahanda na ang sasabihin niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Melai bago nagsalita habang nakatitig sa mga mata nito.
"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Durog na durog ang puso ko nang dumating ka sa mundo ko pero ikaw yung bumuo at kumumpleto sa lahat ng kulang. Wala kang kinailangang gawin, pero nang makilala kita, bumalik ang sigla at saya sa puso ko. Hindi ko alam na kakayanin ko pa ulit na magmahal pa nang ganito. Pero dumating ka. Ikaw yung sagot sa mga pinapanalangin ko noon. At wala na akong maisip pang ibang gawin kundi ang alagaan ka, ang mahalin ka, at ang tumanda kasama ka. Mas magiging masaya ako kung malalaman kong gusto mo ring tumanda kasama ko."
Lumuhod siya at kinakabahang nagtanong. "Melai, will you marry me?"

Walang salitang namutawi sa labi ng dalaga. Hindi niya inaasahan ang tanong ng nobyo. Lalong hindi niya alam kung paano ito sasagutin.

"Shawn..."

Unti unting nawala ang ngiti ng binata. Nangangawit man siya sa pwesto ay tila nawalan na siya ng lakas na bumangon. Yumukod si Melai at tinulungan siyang makatayo. Gaya ng kung paano siyang tinulungan nitong kalimutan ang lahat ng mahahapding alaala ng kahapon. Sa mga oras na iyon ay parang tumigil ang kanyang mundo. Gaya ng kung paanong tumigil ang mundo nang una niyang masilayan ang mga ngiti nitong napakatamis. Parang tumigil ang tibok ng puso ng binata. Gaya ng kung paanong halos hindi siya makahinga sa tuwa noong ibinigay ni Melai ang matamis niyang oo.

"Shawn, I'm sorry. Hindi ko inaasahan to."

Tahimik lang ang binata. Halu-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Wala siyang mahanap na salita. Nakayukod habang nakaharap sa falls, hinihintay niya kung ano ang sasabihin ni Melai.

"Magsalita ka naman, please Melai." at tumulo na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Gusto man niyang magalit ay hindi niya magawa dahil abot hanggang langit amg pagmamahal niya sa kasintahan.

Tila dinudurog ang puso ni Melai sa nakikitang nangyayari sa nobyo. Mahal na mahal niya ito ngunit hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi na siya masaya. Parang naging routine na lang ang lahat ng ginagawa nila. Magcha-chat, magtatawagan, magkukulitan. Parang walang magiging direksiyon. Hindi niya rin makita ang sarili niyang kasama si Shawn sa hinaharap. Pero hindi maitatangging mahal niya ito. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit. Ang tanging alam niya lang ay pinasaya nito ang buhay niyang napuno na mg lumbay. Pero sapat ba iyon? Sapat ba iyon para masabi niyang gusto niya na itong makasama habangbuhay? Lalo lang siyang naguluhan nang mag propose ang lalaki.

"Umuwi na tayo Shawn, please. Pagod na ako." yun lang ang naisip niyang isagot.

"Melai.. Bakit? Natatakot ka ba? Kulang ba ako? Ano ba'ng mali?"

Hindi maintindihan ni Shawn kung ano ang uunahin niyang unawain sa mga itinanong niya.

"May iba na ba? Hindi mo na ba ako mahal?"

Umiling si Melai. "Mahal na mahal kita Shawn. Alam mo yan. Pero..." Hindi maituloy ni Melai ang sasabihin.

"Pero ano, Melai?!" Napataas na mang bahagya ang boses ng binata.

"Kailangan ko lang maintindihan ang sarili ko." lumuluha na rin si Melai. Mabuti na lang at kakaunti pa lamang ang tao sa lugar na iyon.

"Kailangan ko ng space."


Itutuloy...


Ang orihinal kathang ito ay hango sa imahinasyon ng may akda. Ang mga pangalan, pangyayari, lugar, at kung ano mang laman ng kwento ay maaaring ihinango sa mga inspirasyon ngunit hinaluan ng aking mapaglarong isip.
Ang larawan ay ipinahiram sa akin ng isang kaibigan.

Narito ang Panghuling Bahagi ng kwentong ito.

Maraming salamat sa pagbabasa!



2123526103.gif

Sort:  

nakakalungkot naman :)

Yung ulan kasi mam @reginecruz. Napalungkot tuloy masyado. Hehe. May isa pa namang bahagi yan. Malay natin, makabawi. Hehe


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Grabe ka, mam @romeskie! 😭
Kinawawa mo naman ang bida natin dito. Hehehhee. Space ba? E sobrang space na nga ang meron kayo dahil sa layo ninyong dalawa e. 😭
Sorry, nadala lang. Huhuhu. Pero sana talaga team forever ka, mam Rome. 😁

Lagi kasi nagme-message at natawag at nangungulit ang ating bida. May pinagdadaanan ata ang kanyang kapareha. Kaya siguro nanghingi ng space. Charot! Malalaman natin sa mga ending ng mga kwento ko kung team forever ako. Hahaha

Hahahahahah. Sige mam Rome. Isang kembot na lang at malalaman na namin ang kapalaran nila. :D

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 94833.25
ETH 3451.78
USDT 1.00
SBD 3.35