Gapos (Malayang Taludturan)

in #esteem9 months ago


02cz84qo50.jpg

"Gapos"


Isang nag-aalab na gunita,
mayroong hinahanap pero di makita.
Isang mahalaga at malalim na salita,
binitiwan at ngayon'y nawala...
Matang naghahanap ng liwanag sa dilim,
nakita ang pusong naiwan sa takip-silim.
Langit na nababalutan ng kulimlim,
di magtatagal ito'y tuluyang magdidilim.
Mga pakpak na nais lumipad ng malaya,
damdamin na nangangarap ng ligaya,
mga paang gustong tumakbo sa tuwa
di magawa dahil nakagapos pa...
Kailan mapuputol ang lubid ng nakaraan?
Kailan babangon ang pangarap na nasagasaan?
Masdan ang malawak na kalawakan;
tumayo at mabuhay para sa kasalukuyan!

decorative-2773445_1280.png

Image Taken From Pixabay [1]

decorative-2773446_1280.png

footer chadrona.jpg


Feel free to #follow #upvote #resteem #comment

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq