Throwback: Ang Paborito Kong TV Show

in #contest6 years ago

"Taga-lupa! Nasaan ang anak ko? Hmmmmnn?"

Bilang isang bata, gustung-gusto ko manuod o magbasa ng mga kuwentong kababalaghan at katawa-tawa kaya naman isa ang "Okey Ka Fairy Ko" sa mga palabas sa telebisyon na talaga namang inabangan ko nuon.

Larawan

Ipinalabas ito sa loob ng 10 taon (1987-1997) at nagpalipat-lipat pa ng istasyon, una sa Channel 13 kung kaya naman naalala ko pa kung paanong pinipihit ko ang aming antenna para lamang makakuha ng magandang signal sa TV.

Gandang ganda kasi ako kay Faye Kabisote na ginanapan ni Alice Dixon. Feeling ko lang dati pareho kami. "I can feel it!" Haha. Maraming iba pang artista ang gumanap bilang Faye pero si Alice Dixon talaga ang paborito ko.

Prinsesa Chloroteam


Si Prinsesa Chloroteam ay isang engkantada na nakapangasawa ng taga-lupa (Enteng Kabisote). Pinili niya na manirahan bilang si Faye Kabisote sa lupa kasama ng kanyang asawa at ng kanilang anak na si Aiza na siya namang ikinagalit ng kanyang ina na si Ina Magenta, ang reyna ng Engkantasya.

Syempre kahit pa gustuhin nila mamuhay ng normal, hindi pa rin maiwasan gamitin ni Faye ang kanyang kapangyarihan o kaya may mga taga-engkantasya na mapunta sa lupa pati na rin ang mga masasamang engkanto.

Ang Magic. Bow.


Talaga namang kumiliti sa aking imahinasyon ang palabas na ito lalo pa at nakakapag-teleport ang mga enkantada sa iba't-ibang lugar at syempre pa ang mga magic na nagagawa nila.

Gusto ko rin kapag nakikita nila sa kanilang isip ang nangyayari sa ibang lugar sa pamamagitan lamang ng paglagay ng kanilang daliri sa kanilang noo o sintido.

Makakalimutan ko ba ang makulay na damit ng mga engkantada, ang pamamaypay ni Ina Magenta at ang matulis nilang tenga?

Tumbling pa more.

Bentang benta talaga sa aming magkakaklase ang "Okey Ka Fairy Ko." Sa aming magkakaklase, may gumaganap na Faye, Enteng, Ina Magenta, Amy, Bale, Pipoy at Prinsepe K.

Siyempre alam nyo na kung sino si Faye. Haha.

Tuwing tanghali, habang lunch break, tumatambay kami sa Taal Park at nagro-role playing. Tapos magteteleport.

Taal Basilica Wikimedia Commons

Mula sa taas ng park, magpapadausdos pababa. Uyyyy, teleport! Haha.

Mga panahong kaysarap balikan...

Buti na lang may pakontest ang @steemph. Nailabas ko ang mga kalokohan ko nuong kabataan ko na halos nakalimutan ko na sa sobrang katagalan.

Malamang marami sa mga mambabasa ay hindi na nakapanuod ng "Okey Ka Fairy Ko!". Ako man nahirapan na maghanap ng mga angkop larawan na ilalagay dito sa post na ito.

Ikaw, anong paborito mong palabas sa TV? Halika, ikwento mo na. Malay mo manalo ka pa.

Puntahan nyo lang ang link na ito para sa mga detalye:

Community Competitions Tuesday with @ SteemPh presents YOUR FAVORITES competition

Ang akdang ito ay ang aking entry sa My Favorites Contest hatid sa inyo ng @steemph.

Sort:  

Ay gusto ko rin 'to nung bata ako. Haha.

Posted using Partiko Android

haha. ansaya kaya pag may magic di ba. :D

Korek ka jan... Na-miss ko yan. 😁

Posted using Partiko Android

Nang makakita ako ng mga throwback post nuong araw, isa itong "Okey" ang inaabangan kong matampok ng isa sa mga manunulat :D

Nakakatuwa ang iyong pagkakasulat, at talagang litaw ang pagkalibang mo sa show. Sobrang na-throwback din ako.

"Taga-lupa! Nasaan ang anak ko? Hmmmmnn?"

Ewan ko pero nung nabasa konang tungkol sa kontest, ito talaga ang unang pumasok sa isip ko. Kahit pa sabihin na marami rin naman akong mga foreign/local series na kinalokohan at inabangan. Haha.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Congratulations @arrliinn! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - The results, the winners and the prizes

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Hahah "benta na benta!"

I'm sold! I wanna watch too! Meron ba re-runs?

I'm not sure if there are re-runs, but there are movies based on this series over the years. 😆

favorite ko din to! gustong-gusto q si Faye hehe pero mas feel q c Tweetie de Leon (mas lumang episodes hahaha) nung gumanap na Faye hehe

Ang tanda ko nga si Tweetie De Leon sa movies... well,, as per wiki... si Alice Dixon ang una.. den Tweetie De Leon... tapos Dawn Zulueta..

Anyhow, Kristine Hermosa na talaga ang inabot kong Faye! Hmmmmmm... 😅😅

#AgeGap 😅😅😅
Favorite ko rin yan... ako kasi talaga si Aiza jan... @arrliinn and ate @lhyn 😅😅😅

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 60915.02
ETH 2636.51
USDT 1.00
SBD 2.64