Literaturang-Filipino - Paligsahan sa paggawa ng Maikling Kuwento. (Contest#3)

in #cebu6 years ago

U5dr1VmpXMbZFnjpxe9CgW3MRywTGfY_1680x8400.png


Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Ito rin ay isang paraan para magkaroon ng interaksyon ang mga Pilipino sa isa't isa. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!


Ano ang isusulat?

  • Maikling Kuwento

Kuwento na maaaring totoo o fiction lamang. Hindi dapat lalagpas sa 500 na salita at hindi bababa sa 300.


Tema ng Tula

  • Kasawian o Pagkabigo

Ito ay mga kuwentong maaaring galing sa ating personal na mga kabiguan sa buhay. Maaari ring tungkol sa isang bagay na fiction o hindi-fiction.


Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali

  • I-resteem at i-upvote itong post.
  • Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino
  • Gamitin ang tag na #literaturang-filipino at #pagkabigo
  • Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
  • Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
  • Ilathala ang gaw sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.

Higit sa lahat, Sundin ang mga alituntunin sa pagsali!


Pagbabasehan ng Mananalo

Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:

  • Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit.
  • Ganda ng pagkagawa
  • Kaugnayan sa Tema o Paksa at
  • Dami ng boto galing sa ibang Pilipino

Gantimpala

May tatlong mananalo sa paligsahan:

  • 1st - Makatatanggap ng 5 SBD
  • 2nd - Makatatanggap ng 3 SBD
  • 3rd - Makatatanggap ng 2 SBD
  • 4th - Makatatanggap ng 1 SBD
  • 5th - Makatatanggap ng 1 SBD

Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.

Gumawa, Magsumite at Manalo


follow_steemph.cebu.gif

Sort:  

Maganda ito!

To listen to the audio version of this article click on the play image.

Brought to you by @tts. If you find it useful please consider upvote this reply.

Hahaha, this sounds funny with the American accent.

Wow salamat sa paligsahan na ito. K ma try sumali.

Maraming salamat @ steemph sa pagbibigay buhay ng wikang pilipino sa mundo ng steemit ang gandang paligsahan ng iyong ginawa. Mahalin ang sarili nating wika :)

DQmSqdVj3gzofTutfL1PL2JCRco7B26X1HFae8VCWbCy82T.gif

Ikinagagalak at ikinatutuwa ko ng lubos ang ganitong klasing pagtataguyod sa pagpapahalaga ng ating wika. Isa itong napakagandang hakbang upang tangkilin ng bawat pilipino ang napakagandang katangian ng ating wikang Filipino.

Nais kung maging bahagi ng isang samahang hukbong tulad na to na pupukaw sa mga Pilipino na imulat ang pagmamahal at pagtangkilik sa sariling wika.

Kung mararapatin may magbabahagi ako ng aking karanasan sa pagkatuklas ko sa kayamanan at kagandahang napapaloob sa wikang Filipino at nang sa gayuy mapagtibay ko ang aking ginigiit sa konseptong to.

Mabuhay ka @steemph.cebu at naway marami pa ang magpapahalaga sa wikang Filipino.

Ay waw, meron palang ganito...

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 61784.55
ETH 3389.51
USDT 1.00
SBD 2.52