Literaturang-Filipino: Maikling Kuwento - Contest #9. Winners announcement!

in #cebu6 years ago

Kami ay lubos na nagagalak dahil sa pinakitang dedikasyon ng mga Pilipinong sumali sa amiing unang patimpalak tungkol sa paggawa ng tula na may temang pag-ibig. Naipakita ninyo ang inyong angking galing sa matalinghagang pagsulat at ang inyong pagkamalikhain sa temang binigay at uri ng sulatin.

Hindi man gaano karami ang nagsumite ng kanilang mga gawa, lubos parin ang aming tuwa dahil may mga Pilipinong gustong matuto ng ibang gawain at magkaroon ng ibang paraan para makuha ng biyaya sa steemit. Asahan niyong tuloy-tuloy ang aming mga proyektong gustong ipamahagi sa mga Pilipino.

Kaya ito na ang mga mapapalad na napili at mananalo ng karagpatang gantimpala


Literaturang Filipino: Ang Bunga sa Puno ng Karangalan

Ang medalya na nakuha ni Ryan ay ang bunga ng Puno ng Karangalan. Ang mga bunga nito'y napakatamis na siguradong hanap-hanapin.


  • 2nd place - @vinzie1| Makakatanggap ng 3 SBD

Literaturang Filipino: Hindi Inaasahang Parangal

Buwan ng Agosto, ito ang buwan ng wika na kung saan ay may mga iba't ibang paligsahan ang inihanda sa aming paaralan. Kabilang ako sa kinuha bilang kalahok na lalaban sa isang paligsahan na tinawag na 'Slogan Making'.


  • 3rd place - @googled| Makakatanggap ng 2 SBD

Literaturang Filipino: Ang Pagkasira sa Karangalan

"Alam mo Juan, kahit hindi ka pa nandaya, sigurado kaming lahat na mananalo ka dahil marami ang sumuporta sa iyo. Ngunit binigo mo kaming lahat. Gumamit ka ng maitim na paraan para sa ikasisiguro ng pagkapanalo mo", sabi ng kaibigan ni Juan.

Congratulations sa inyo at Maraming Salamat!


Sa mga hindi pinalad na manalo, maraming salamat dahil naging parte kayo sa paligsahan at naipakita niyo ang angkin ninyong galing sa pagsulat ng wikang Filipino. Naway mapaunlad pa ninyo ang inyong kakayahan sa pagsulat at sumali ng sumali sa mga magaganap pang patimpalak hanggang manalo na.


Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64513.75
ETH 3146.11
USDT 1.00
SBD 3.95