"The Brokenhearted Writing Contest - (BETRAYAL)"
This is my entry to @tpkidkai contest Broken Hearted Writing Contest.
The saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies.- Anonymous
I was betrayed by my boyfriend and my childhood friend.
Nalaman ko na naging magkasintahan pala ang boyfriend ko at childhood friend ko habang kame pa ng boyfriend ko. Inshort ***pinagsabay nya kame****.
It feels like they stabbed me a million times. Hindi ko lubos maisip na nagawa nila akong lokohin at paikutin sa palad nila.
January 1st - New Year at *1st monthsary namin
January 7 - Birthday ko, tapos;
January 5 - Naging sila na
Tinanong ko yung kaibigan ko ng mahinahon. "Val, bakit mo sya sinagot?alam mo namang kame."
sagot nya? PINILIT LANG DAW SYA.
Gusto kong magalit, gusto kong sabihin na bobo sya, na ang tanga nya pero di ko ginawa, HINDI KO GINAWA.
Kasi KAIBIGAN ko parin sya.Hindi ko sya masisisi kung bakit sya pumayag na maging sila ni Chan kahit kame na. Crush nya kasi yun. Pareho naming crush sa simula palang si Chan. Sa huli iniisip ko pa yung nararamdaman nya.
Kasalanan ko yun eh, Kinunsinti ko na maging malapit sila sa isat-isa. Pero ngayon naisip ko, kasalanan ko nga ba talaga? Nagtiwala lang naman ako sakanila eh. Ibinigay ko lang ng buong-buo yung tiwala ko sakanila.
Ang naitanong ko lang kay Chan sa boyfriend ko, "Bakit? bakit ganun? hindi kaba naawa? kaka first monthsary lang natin tapos birthday ko na. Anu yun? Regalo mo sa birthday ko PAGTATAKSIL MO? NYO?"
Pero dahil sinabi nya na wag akong maniwala dahil di yun totoo, yun din ang ginawa ko. SAKANYA LANG AKO NANIWALA kahit punong-puno na ako ng ebidensya at witness. Sya, Sya parin ang pinaniwalaan ko. Ganon ko kasi sya kamahal.
Tapos yung kaibigan ko tinanong ko ulit kung totoo ba yung mga sinabi nya. Ang sabi nya "JOKE LANG YUN" at ako namang si tanga NANIWALA.
Lumipas yung mga araw pero ganun parin. FOURTH PERIODICAL TEST NA NAMIN NUNG ARAW NA YUN. Halos di ako makapag concentrate kasi ang daming balita ang nalaman ko. Bagong ebidensya na ang boyfriend ko AT ANG KAIBIGAN KO ay magkasintahan nga. Tapos nakita ko rin sila. Ang sweet pala nila sa isat-isa at halos ipangalandakan sa lahat na may "RELASYON" sila. Di ko kinaya, kaya Kinahapunan noon, bago matapos ang araw nagharap kameng tatlo. Kinausap ko silang dalawa. Andun lahat, mga kaibigan ko at mga kaibigan ng boyfriend ko which is kaibigan ko rin. Sabi ng mga kaibigan ko papiliin ko daw kung sino saamin ng kaibigan ko ang mahal nya.
Hindi ko pa tinatanong si Chan may sagot na sya,"AKO DAW", ako daw ang pipiliin nya kasi ako naman daw mahal nya. Nakakatawa lang kasi, mahal nya daw ako pero bakit nya nagawang magkaroon ng iba bukod saakin?
Nakuha naman siguro ng kaibigan ko na si Val na hindi sya ang pinili kaya ayun, umiyak na parang bata na akala mo inagawan ng candy.
Aalis na sana ako eh kasi nakuha ko na yung sagot, AKO ANG NANALO. AKO ANG PINILI. pero mali pala. Kasi pinuntahan ni Chan si Val para icomfort.
Kaya imbes na umalis ako eh pinapili ulit sya ng mga kaibigan ko. Yung pipiliin nya is yung pupuntahan nya.
Pinuntahan nya ang kaibigan ko at tinuro na yung kaibigan ko daw yung pipiliin nya. Tinanong ko sya, This time ako na nagtanong kung sino pipiliin nya.
And boom! Yung kaibigan ko nga ang pinipili nya.
I smiled at him while saying "Thank You Chan ha, Goodbye"
Pagkatalikod ko, Parang di maawat yung mga luha ko sa pagpatak. Hindi ko alam kung paano ko kinaya na ngumiti pa at magpasalamat sakanya.
Ang sakit pero buong puso at tapang kong tinanggap ang katotohanan. Naglalakad akong umiiyak. Parang nawala lahat ng tao sa paligid ko. Hindi ko namalayan na mabilis na pala akong naglalakad papalabas ng school.
Hinabol ako ng mga kaibigan ko pati narin mga kaibigan ng boyfriend ko. Tinanong nila ako, "Ok lang ba daw ako?" Sagot ko habang umiiyak, "Oo ok lang ako, dont worry kaya ko to! Ako pa ba?"
Habang umaandar yung sasakyan pauwi sumigaw ako nilabas ko yung galit ko! Pagkarating sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at napaupo nalang sa sahig. Tinatanong ko sarili ko, "BAKIT?"
Ang sakit, sobrang sakit kasi nagtiwala ako ng buo pero niloko nila hindi lang patalikod kundi kahit harap-harapan.
It feels like, I am Bleeding. My Heart is bleeding to death sa sobrang sakit. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nangyari na eh, kaya kahit masakit tatanggapin ko.
Kinabukasan, gusto nya makipag-usap.Gustong makipag-usap ng "EX" ko. Humingi ng tawad ang ex ko na si Chan. Gusto nya raw maisalba kahit man lang pagiging magbestfriend namin.
Bestfriends kasi bago naging kame.
Mabait ako kaya tinanggap ko. Ang TANGA ko noh? Yung kabigan ko na kasintahan nya na ngayon officially sila na,eh nginitian ko. Hiningi ko lang sakanila na bigyan nila ako ng time. Time para mapatawad ko sila. Hindi naman kasi ganun kadali. Ang sakit kaya ng ginawa nila.
Its really hard to let go of the one you love pero hindi ko kasi ugaling ipagsiksikan yung sarili ko. Atsaka mahal ko si Chan eh, mahal ko din kabigan ko, at dahil maligaya sila sa isat-isa hahayaan ko sila maging masaya.
Ang huli ko lang sinabi sakanila, "Stay strong. wag kayong magbre-break. Wag nyong sayangin pagpaparaya at mga luha ko."
That's it, My wasak story or Broken Hearted Story.
Photo Credits to Google
FOLLOW|UPVOTE|COMMENT|RESTEEM
Indeed a wasak story @queenlouise07 thank you for sharing this one.
Good thing talaga at bago palang kayo, less heartache nadin yan. Yung mga ganyang tao not worth it talaga. Tsk yung heart break na yan will make you a stronger person.
Yes! Ginawa nya akongbstronger person.. Thank you for creating this contest @tpkidkai
6 years na ang nakalipas nung nangyari to.. kaya over na ako.. tinatawanan ko nalang ngayon sa tuwing binabasa ko diary ko ..
:(
This post has received a 0.07 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.
Ganda ng story mo gurl, pero ipagpasalamat mo nlng na magkasintahan pa kayo ng nangyari yan, paano nalang kung marriage na kayo at may anak pa, diba sakit nun saklap😢😢
tama! masakit pang kasi harap harapan na rin nila ako niloloko.. akala ko friends lang, yun pala hindi.. @delpha
Sad but good thing dina kayo nagtagal (same kayo ng brother ko heartbroken pero sila kasi 5 yrs na and niloko lang cya ni girl kaya andito sakin nagbabakasyon maka move on man lang) Sabi nga nila pag may umalis may darating din. Your experience will make you stronger. Infairness ang bait mo parin saknila, atleast di rin ikaw ang nanakit. Your a good person I am sure may darating din na mas deserve mo. 😊
mahal ko kasi sila both. pareho silang importante para saakin..
Ouch... sakit naman... saksak puso tulo ang dugo...🤗🤗🤗
kaya nga! para akong paulut ulit na sinampal sa sakit..
Ay grabe naman naman ito :(
grabe talaga.. hindi ko nga alam paano ako nakasurvive sa sakit hehe
Man! Sa totoo lang kung ako makikipagrelasyon di ko pipiliin yung taong may gf na or may asawa. Nooooooooo. Kasi kung nagawa niyang iwan partner niya for someone else, malamang gawin din niya sakin. Sorry ha, no sugarcoating, your friend's stupid for falling over someone who already is in love with someone else lahat ng manunulot stupid. Lol hugot.
Thanks for sharing this here. :)
thank you for reading this @hundredlbsbeauty wala na akong magagawa nangyari na ang nanyari.. ayoko dn kasi ipagsiksikan sarili ko.