Huling Katinig sa Baybayin

in #baybayin6 years ago (edited)

Ang labing-apat (14) na katinig ng Baybayin [Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, NGa, Pa, Sa, Ta, Wa, at Ya] na ginamit sa Tagalog ay hindi na isinusulat kapag ito'y matatagpuan sa dulo o sa hulihan ng pantig sa pagbigkas ng salita.


Halimbawa, ganito ang pagkakaayos ng pantig sa salitang "Baybayin":

/Bay/ba/yin/

Sa Palapantigang Tagalog, ang salitang "Baybayin" ay may pormasyon na /KPK/KP/KPK/:

/KPK/KP/KPK/
= /Katinig-Patinig-Katinig/Katinig-Patinig/Katinig-Patinig-Katinig/

Ang mga huling katinig ay "Ya" at "Na" at ito'y may mga katumbas na simbolo sa Sulat Baybayin. Dahil ang mga ito'y dulo o huling katinig sa pantig, hindi na inilalagay ang mga simbolo nito ngunit binibigkas pa rin ito sa pagbasa ng salita.

ILAN PANG MGA HALIMBAWA


PORMASYON NG PANTIG


PK — patinig-katinig


Halimbawa:

Sa Sulat Baybayin, ang mga salitang "at," "ay," o "ang" kapag isinusulat ay gumagamit ng simbolong patinig "A" lamang, ngunit sa pangungusap ay binibigkas pa rin ang mga dulo o huling katinig nito.



KPK — katinig-patinig-katinig


Halimbawa:

Sa Sulat Baybayin, ang mga salitang "man," "mas," o "may" kapag isinusulat ay gumagamit ng simbolong katinig "Ma" lamang, ngunit sa pangungusap ay binibigkas pa rin ang mga dulo o huling katinig nito.

Tandaan, ang 14 na katinig ay laging may kasamang patinig na "A" dahil ang Baybayin ay isang abugida. Iba ito sa alpabetong Filipino na isinusulat ang mga titik na B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, S, T, W, at Y. Ang mga katinig sa wikang Filipino na ang basa ay /Bi/, /Key/, /Di/, /Dyi/, /Eyts/, /El/, /Em/, /En/, /Endyi/, /Pi/, /Es/, /Ti/, /Dobolyu/, at /Way/ ay bigkas-Ingles, hindi bigkas-Tagalog.


Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:

Baybayin Foundry
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21

Sulong Baybayin!
Mabuhay ang Baybayinista!

Sort:  

Napakapayak at napakaganda talaga ng Baybayin o Panitik Tagalog.

Isinusulong lamang natin ang pag-aaral ng Panitik Tagalog/Baybayin. Maraming salamat po, Ka @apulakansiklab.

Congratulations @baybayin! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes
Award for the number of upvotes received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemFest³ - SteemitBoard support the Travel Reimbursement Fund.

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Ang ganda nito! Napukaw ang interes ko na matuto ng baybayin. 😍

Salamat sa pagsshare ng iyong kaalaman. 🤘

Ikinagagalak namin na marinig ang iyong pagkatuwa sa Baybayin. Salamat po @romeskie sa interes.

May tanong lamang ako. Kung tama ang pagkakaintindi ko rito:

hindi na isinusulat kapag ito'y matatagpuan sa dulo o sa hulihan ng pantig sa pagbigkas ng salita.

Paano malalaman kung ano ang salitang nais isulat? Halimbawa:

Paano malalaman kung tapal o tapak ang salitang isinulat? O kaya sa mga salitang tapon o tapos?

O kukuhanin din sa context clues ang pagkuha ng salitang nais ipahayag?

Tama ka, @romeskie. Matatalino ang mga katutubo noon at nagawa nilang gamitin ang pahiwatig na kontekstwal ["context clues"] sa Baybayin.

Tama po. Sa katunayan, noong mga taong 1600's ay ginamit ang baybayin sa pagsulat ng titulo. Ganyang pamamaraan ang ginamit, yung hindi sinusulat ang huling katinig. Hindi lang isang pangungusap kundi buong papel. Ito ay titulo ni Donya Maria Silang.

CTTO. Ang larawang ito ay makikita sa UST archives.OOP'1.jpg


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Maraming salamat po @c-squared

masalimuot pala ang orihinal na panulat ng mga Pilipino

May paraan sa pagpapahayag ang mga ninuno ng mga Tagalog. Ito lamang ay ibinabahagi natin.
Salamat po sa pagbisita, @beyonddisability.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 95998.58
ETH 3366.61
USDT 1.00
SBD 3.92