Steemit Feb-ibig: Nagmahal ka! Nagmamahal ka! Magmamahal ka pa!

in #writing6 years ago

Nakasalubong nyo na ba ang mga tanong na 'to....

received_1415757138520775.jpeg

Naranasan nyo na din bang maiwan ?
Yung biglaan?
Yung may rason pero ang hirap paniwalaan?
Yung may dahilan pero halos 'di mo maintindihan?

received_1415759375187218.jpeg

Naranasan mo na bang magpakatanga?
Yung minsan lang pero nawili ka kaya inaraw-araw mo na?
Yung konti lang kaso tinudo mo pa?
Yung may alam ka na pero ayaw mo pa ring maniwala?

received_1415759301853892.jpeg

Naranasan mo na bang maging malungkot?
Yung kanina lang ayos ka pa tapos mamaya ang tamlay mo na?
Yung ang saya-saya mo tapos biglang nawalan ka ng gana?
Yung ang nararamdaman mo sobrang bigat na tapos parang di mo na kaya?

received_1415760515187104.jpeg

Naranasan mo bang sumaya?
Yung totoong ligaya?
Yung sa simpleng bagay ayos ka na?
Yung masasabi mong buo na araw mo, kontento na ako dito at ito talaga ang gusto ko?

received_1415760991853723.jpeg

Naranasan mo na bang magka-crush?
Yung kahit bata ka pa kinikilig ka na?
Yung araw-araw inspirado ka?
Yung makapasok ka lang sa eskwela swak na pag nakita mo siya?

received_1415757731854049.jpeg

Siguro oo, baka hindi...
Minsan may mga tanong na kailangan mong paulit-ulit basahin.

received_1415761118520377.jpeg

Yung bigla ka na lang natawa?
Yung makalipas ang ilang segundo sasabihin mo, "hanep ah, sinadya? Patama?

Hindi mo man masagot ng deretso, isa lang ang masasabi kong sigurado...

Nagmahal ka! Nagmamahal ka! Magmamahal ka pa!

received_1367281300054745.jpegreceived_1367281076721434.jpeg

@joannedano , @janindagondon , @chelseafaye , @jamaicapauibot , @shinize , @jhanine
Mga bulahan ug lovelife 😛😜😝😋😂😁😀😊☺

Sort:  

Hahaha bulahan kaayo jud tintin because we have ouself. I love myself! Hahahaha😂

Hugotera huhu :)

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66099.02
ETH 3560.98
USDT 1.00
SBD 3.16