PowerUp Post: "Paunlarin ang Kakayahan sa Pagsusulat"-- Unity and FocussteemCreated with Sketch.

in #writing7 years ago

Sa tuwing naiisip ko kung ano ang pagkakaisa, naihahalintulad ko ito sa isang kumpol ng mga kawal. Kaya matatanong ko, ang pagkakaisa ba sa pagsusulat ay binubuo ng kumpol ng mga salita? Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ituon ang atensyon sa iyong sinusulat.

ZomboMeme 21092017190706.jpg

"Ang pagkakaisa ay isang magandang pundasyon sa pagsusulat ng maganda. Nagagawa nitong makuha ang atensyon ng mga mambabasa sa kahit anong direksyon at nalalasap nila ang tamang kaayusan sa kanilang binabasa." - William Zinsser ("On Writing Well," pg. 50)

U5dsKrHLhyWdYZZtHTH12HjAfGSLyVs_1680x8400.jpg
Image credit

Marahil ito ang pinaka mainam na paraan para magkaroon ng lohikal at klarong sinusulat. Kapag may pagkaisa at pukos na nilalagay mo sa iyong ginagawang nilalaman, ang mensaheng mababasa ng mga tao ang nagiging klaro.

Ano ang pagkakaisa? Ito yung paraan kung saan ang lahat ng bagay na napapaloob sa iyong sinusulat ay naka direkta o umiikot lang sa pangunahing punto ng iyong sinusulat.

Ano ang pukos? Kapag may binigay sa iyo na talata na dapat gawin na may hangganan sa mga salitang gagamitin at paksa, dito mo masasanay ang iyong kakayahan sa pagpukos sa isang gawain ng kumpleto.

Sa paggawa ng isang sulatin na may pagkakaisa at pukos, sundin ang Tatsulok ng Kahalagahan. Ito ang paraan para magtagumpay sa ginagawa.

  • Pangunahing Ideya at Layunin
  • Tono at Stilo
  • Maliliit na Bagay

Bago ka magsimulang magsulat, pumili muna ng paksa at mga ideyang puwedeng gamitin. Kapag naayos mo na ang tono at mood at ang mga tagapakinig mo o mambabasa, puwede kanang magpatuloy at simulan ang teknikal na bagay para sa iyong ginagawang nilalaman.

Pangunahing Ideya at Layunin

Gumawa ka ng malaking larawan sa iyong utak kung ano ang gusto mong isulat. Tignan ang resulta sa simula hanggang sa huli. Dapat mong unawain ang iyong paksa para alam mo kung paano ito gawin at organisahin ang iyong papel.

Tono at Stilo

Ano ang gusto mong madama ng iyong gawa? Ugaliin ang pagpili sa tamang aksyon, tono at boses. Tandaan rin na dapat mong malaman kung sino ang iyong mga tagapakinig at mambabasa sa pagpili ng mga tamang elemento.

Maliliit na Bagay: Pandiwa at Gramatiko

Basahing maigi ang iyong gawa at hanapin ang mga maliit na mga bagay na puwede mong mapaunlad para sa mabuting pukos at pagkakaisa sa kabuohan ng iyong gawa. Ang mga ganitong bagay ay maihahalintulad sa isang "icing" na nasa ibabaw ng "cake".

Image credit


This is a translated post of @dragonslayer109's series of "Improve your writing". Translating it to Filipino makes it more comprehendable for Filipinos and will be very helpful for them in writing Filipino articles and blogs.

Thank you @dragonslayer109!


New-Animation-1.gif

🎶Kung pinoy ka, sigaw na! Kung mga gawa mo'y maganda, sigaw na! Kaya wag kalimutang i-follow ang @bayanihan, para ikaw ay sumaya!🎶

Follow-Me-(Looped).gif


Follow @steemph.cebu if you're from Cebu and together, let's put up a big community of steemians! Helping each other, grow with each other and succeed together!

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Ang ganitong aralin ay napapanahon lalo nat meron na taung bagong plataporma na iyon ay ang steemit. At magagamit din natin ito sa ibat ibang pagaaral lalo na sa mga estudyante.

Sa panahon natin ngayon na mga nabubuhay sa milenyo ay kasabay ang pagusbong ng teknolohiya kung saan naging paraan ang mga gadgets sa dahan-dahang pagbaba ng standard sa literatura at lenguahe.

Ang mga bagong usbong ngayon ay mas nauna pang natutoto sa paggamit ng makabagong instrumento gaya ng ipad o iphone at nakaligtaan ang pagaaral sa tamang paggamit ng gramatiko. Itoy nakakalungkot baka darating ang panahon na ang mga pilipino ay di na marunong gumamit ng tamang wikang pilipino.

Sa ganitong paraan ay maaring makapagbukas ng isip ng ating mga kababayan ang iyong napasimulang aralin @themanualbot tungkol sa gramatika at paraan ng pagsulat ng wasto. Saludo ako sayo @themanualbot sa ipinakitang angking katangian bilang isang pilipino 😊

Natuwa naman ako sa napakataas mong reply sa aking post. Sa mga salitang iyong sinabi, mas lalo akong na.inspire para magsulat ng mga Filipino na artikulo. Maraming salamat @elizahfhaye

Salamat sa tips kabayan!

Walang anuman. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 62104.41
ETH 2404.22
USDT 1.00
SBD 2.49