PowerUp Post: "Paunlarin ang Kakayahan sa Pagsusulat"-- Improving StylesteemCreated with Sketch.

in #writing7 years ago

Noong nakaraan, nagkuwento ako tungkol sa isang magara at matalinong damit na sinuot mo para sa iyong sinusulat para maging kaaya aya itong tignan. Ngayon, tuturuan ko kayo kung paano ito isuot at ng para maging kaparehas ito o mas mahigit pa sa maganda kung itoy titignan.

ZomboMeme 21092017190706.jpg

Ang iyong stilo ay may malaking impluwensya sa iyong pagsusulat at kung paano mo maaayos ang iyon sinusulat. Tandaan na gusto mong maging malinis at kaakit akit ang iyong gawa. Siguradong pag nagawa mo ito, lahat ng iyong mambabasa ay mahuhumaling sa gusto mong ipakita.

U5dt5wVhsN4H35tp8KsvAf9CxmTgocE_1680x8400.jpg
Image credit

Maaaring may magaganda kang ideya at mga pangungusap natatangi sa iilan. Ngunit, pag hindi ito nagtugma, maaaring ang iyong gawa ay maging katulad sa larawan na nasa itaas, isang di kaaya ayang pananamit!.

Malalakas na Pandiwa

U5drCw5MnUo1a5ZvsKAi7RUjuQxPzB5_1680x8400.jpg
Image credit

Kung ang iyong sinusulat at ang paksa nito ay mabigat at malalim, siguraduhing may mga magaganda kang pandiwa na napapahiwatig ng masisidhing damdamin para may supporta ang iyong mga pangungusap.
"Para maging" na mga pandiwa, kalimutan na muna ang ganyang pandiwa at maging malikhain sa paggawa nito. Ang mga pandiwa ang nagsisilbing kumukumpuni o sumisira sa kalakasan ng iyong pangungusap.

Halimbawa: Nasa link na ito

Mahina: Ang aking kapatid ay nagiging salbahi.
Malakas: Hinagis ng kapatid ko ang bola papunta sa mukha ko.

Mahina: Sobrang liwanag ng araw dahil sa mga nyebi.
Malakas: Lalong lumiwanag ang araw dahil sa mga nyebi

Mahina: Ang pagiging mabait na tao ay isang magandang paraan para maging masaya.
Malakas: Humahantod sa pagiging masayahin ang pagiging mabait.

Iwasan ang paggawa ng mga pasib na boses

Ito'y mga pangungusap na kung saan ang iyong simuno ay nakalagay sa huli o sa gitnang bahagi ng pangungusap. Dapat ang iyong simuno ay nasa unahan ng iyong pandiwang ginamit sa pangungusap.

Halimbawa: Nasa link na ito.

Pasib: Ang kinalabasan ng eleksyon ay tinapos ng Korte Suprema.
Aktib: Ang Korte Sumprema ay tinapos ang kinalabasan ng eleksyon.

Pasib: Ang suspek ay hawak hawak na ngayon ng kapulisan.
Aktib: Hawak na ngayon nga kapulisan ang suspek.

Pasib: Ang mga akusasyon ay ginawa at ang mga kalooban ay nasaktan. (Sini ang nag-akusa? Kaninong kalooban ang nasaktan?)
Aktib: Inakusahan ng supervisor ang kanyang katrabaho at sinaktan ang kanilang kalooban.

Palawakin ang kaibahan sa mga pangungusap

Wag gumamit ng anyo ng pangungusap o pattern nito ng paulit ulit lang, baka makatulog ang iyong mga mambabasa. Ang pagtama nito ay mahirap at maaaring mahihirapan ka kung saan ka magsisimula sa pagtama. Para matulungan ka, dapat may ibat iba kang haba ng pangungusap na puwede mong gamitin. Ang pagkaroon ng mga marami at mabababang pangungusap ay di nakakatulong sa iyong gawa, bagkos ginagawa pa nitong parang bata ang iyong talata ngunit kapag mahaba naman ng sobra, ay mapag-iiwanan ka ng mga mambabasa mo.

Iwasan ang paggamit ng mga parilala na humahantong sa pagkalito ng mga mambabasa dahil di nila makuha ang minsahe ng deretso. Wag gumamit ng mga magagandang parilala ng paulit ulit din. Ang magandang tip ay ang pagkuha ng atensyon sa mga mambabasa at gawin ang di inaakalang magagawa mo sa iyong sinusulat para matuon ang kanilang atensyon sa iyong gawa.

U5dsgNqu6Ba7tiY4qH8FYwCyFEupGEs_1680x8400.jpg
Image credit


This is a translated post of @dragonslayer109's series of "Improve your writing". Translating it to Filipino makes it more comprehendable for Filipinos and will be very helpful for them in writing Filipino articles and blogs.

Thank you @dragonslayer109!


New-Animation-1.gif

🎶Kung pinoy ka, sigaw na! Kung mga gawa mo'y maganda, sigaw na! Kaya wag kalimutang i-follow ang @bayanihan, para ikaw ay sumaya!🎶

Follow-Me-(Looped).gif


Follow @steemph.cebu if you're from Cebu and together, let's put up a big community of steemians! Helping each other, grow with each other and succeed together!

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64513.75
ETH 3146.11
USDT 1.00
SBD 3.95